Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ngayon ang araw ng paglipat namin sa Mansyon ni Diego sa maynila.
Nung isang araw pa ako nakapag impake ng gamit namin. Ang sabi naman ni Diego ay kahit wag ko ng dalhin ang iba ko pang gamit dahil kumpleto na daw doon. Madami na daw siyang pinabili na damit at gamit para saamin ni Zion bago kami lumipat doon.
Napagpasyahan muna namin na daanan sina Nanay at Mira bago kami tumuloy sa maynila.
"Mira! Nanay!" Masigla kong tawag sa mga ito ng makapasok sa loob ng bahay nasa likod sina Zion at Diego.
"Ate!" Magiliw na balik tawag ni Mira sakin saka nito pinagana ang gulong ng whilchair nya na ibinigay ni Diego.
"Si Nanay?" Tanong ko dito saka nya nginuso ang kusina na syang labas naman ni Nanay doon.
"Oh Mara. Ngayon naba kayo aalis?" Tanong ni Nanay matapos kong magmano sakanya kasunod si Zion.
"Opo Nay. Mag papaalam lang po kami sainyo saka may ibibigay po ako sainyo" Sabi ko dito sabay abot ng isang puting sobre, Laman non yung naipong kong pera nung nag aaral pa ako. Mga baon ko yun na bigay ni Diego
"Naku! Itabi mo na ang mga ito at malaking tulong na ang ipinatayong tindahan ni Diego saamin. Kami lang namang dalawa ni Mira dito, Sobra sobra na ang kita namin don para sa gastusin araw araw" Mahabang lintaya ni Nanay sabay balik abot sakin doon sa sobre.
Nung una ay nakipag kulitan pa ako pero sa huli ay ako ang talo kaya ibinalik ko nalang sa bag ko yung ipon ko.
"Mira! Eto ang sayo" Abot ko sa isang box na naglalaman ng latest na Cellphone.
"Akin ito ate?" Masayang sabi nito na agad kong tinanguan.
"Palagi akong tatawag dyan ah. kaya dapat laging full charge iyan" Biro ko dito na sinang ayunan nya agad.
"Tita Pretty, Don't you have that thing already?" Pagkuwan ay dinig kong tanong Zion kay Mira na agad nitong tinanguan.
"Pasensya na baby hindi kase ako makabili ng ganyan saka hindi din ako marunong gumamit" Nahihiyang sagot ni Mira sa Bata.
"Don't worry po, when we visit you and Lola Nanay i'll teach you po" Magiliw na sagot ng bata na kina tuwa naman ng Tita.
Nangingiti akong habang pinagmamasdan sila. Hindi ko din maiwasan na malungkot dahil mapapalayo ako kina Nanay at Mira. Ang sabi naman ni Diego ay bibisita kami dito once na hindi busy ang weekend namin na kinatuwa ko.
Kahit papaano ay may gadget naman na pwedeng magamit para makita at makausap ko sila kaya no worries na din saakin.
Madami pang ibinilin si Nanay saakin, Saamin. Si Zion naman ay hinakot lahat ng candies at chocolates na tinda ni Nanay na sinuway ko nung una ngunit hinayaan na din ng hinayaan sya ni Nanay na kuhanin lahat ng gusto nya. Tanging pagkamot nalang sa ulo ang nagawa namin ni Diego bago kami nagpaalam at nakaalis na.
Mahaba haba ang naging byahe namin, Inabot din iyon ng tatlo hanggang apat na oras bago namin narating ang Mansyon nito na pagkalaki laki. Gate palang ay namamayagpag na sa karangyahan, Kaburan palang ay parang loob na ng bahay na tinirhan namin ni Diego sa baryo namin at at nag iisa ngunit napaka laking bahay na nakatayo sa gitna nito na may tatlong palapag ang lalong nagpamangha saakin. Kulang ang salitang maganda at malaki dahil sa itsura nito.
Palasyo na ito kung tawagin hindi na Mansyon.
"This is really really big Daddy" Pagka mangha at paghanga din ang nasa tono ni Zion ngunit nginitian lang sya ni Diego.
"This is Our Palace Baby. I am the King, Mommy is the Queen and you are our Prince . Thats why your name is PRINCE ZION SANFORD" Magiliw na sabi ni Diego sa bata na kina ningning ng mata naman nito at nag tatatalo sa sobrang tuwa.
"Yehey! I am a real Prince. I Thought Fairy tail doesn't exist but now i believe it's exist and i'm the proof. Yehey!" Masaya at bibong sabi nito sabay yakap sa binti ni Diego na kina tawa ng pagak nito.
Inalalayan na nya kaming pumasok sa loob ng Mansyon. O mas tama bang Palasyo ang itawag dito.
"WELCOME TO OUR HOME" Masayang sabi ni Diego ng makapasok na kami ng tuluyan sa palasyo nito.
"Ang Laki naman nito" Mangha. di makapaniwalang sabi ko dito.
"Ang lahat ng nakikita mo ay saiyo na aking Mahal. Kung ano ang akin ay iyo na rin magmula ngayon" Nakangiting sabi niyo at saka na kami inakay paakyat sa ikalawang palapag.
Diko parin mapigilan na mamangha sa mga nakikita ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakapasok sa isang napakalaking bahay at saakin na daw ito ngayon.
Iginaya nya ako papasok sa isang two door room na sa tingin ko ay ang magiging kwarto ko o namin dahil nga mag asawa kami.
"Dito ang magiging kwarto mo" Anito na kina taka ko.
"Kwarto ko lang?" Takang tanong ko dito na agad nyang tinanguan.
"Yes sweetheart, Alam kong naiilang ka parin saakin kahit na kasal na tayo, kaya hindi ako tatabi saiyo sa pagtulog" Mahabang lintaya nito na nagpangiti sakin at niyakap ko ito dahil sa galak na aking nararamdaman.
"Maraming salamat Diego" Nakangiting pasasalamat ko dito saka ko ito hinalikan sa Pisngi.
Malayo ang agwat ng edad namin ni Diego. Singkwenta'y otso na ito, habang ako naman ay Bente Nuebe pa lamang.
To be honest po ay nagpakasal po ako kay Diego hindi po dahil sa pera nito. Pinakasalan ko ito dahil napakabait na tao ni Diego at mapagmahal.
~~~~••••
Nang makapag ayos ng mga gamit ay napagpasyahan kong maligo muna bago bumaba para ipagluto si Diego ng paborito nitong adobong manok.
Lagi kase nitong inoorder sa dati kong pinagtatrabahuan na karinderia noon at sinabi nitong paborito daw nya ang luto kong Adobong manok.
Nang matapos sa pagligo at pagbihis ay mabilis kong tinungo ang kwarto ni Zion na katabi lang ng akin. Napangiti ako ng makita itong mahimbing na natutulog kaya lumabas na ako at mabilis na tinungo ang Dinning hall para sana makapaghanda ngunit gulat akong makita si Diego na nakaupo na sa hapag at may kausap itong Lalake na nakatalikod pa saakin dahil nakaharap ito sakanya.
"Oh sweetheart, come here and join us" pagkuwan ay yaya sakin ni Diego ng mapansin ako nito sa may bungad ng dinning hall.
Tumango nalamang ako at sinunod ang sinabi nito, kaya naupo ako sa may side ng mesa sa left side nito habang ang kasama naman nito ay nasa right side nya.
Hindi ko pa tinitignan ang kasama nito dahil abala ako sa paglagay ng table napkin sa lap ko ng bigla ay magsalita si Diego.
"Mara, This is Dale Matthew my Son. Son this is Zamara my Lovely wife" Bigla ay pakilala nito sakin sa kasama nya kaya napaangat ako ng tingin dito na kinagulat ko.
"Hi Zamara! Nice meeting you AGAIN" Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig dito lalo na ng sabihin nya ng madiin ang huli nitong tinuran.
"Again?" Nagtatakang tanong ng ama nito kaya sabay kaming napatingin dito.
"Ah eh O-Oo , Nagkita n-na k-kami before" Di mapakaling sagot ko dito pero mukhang hindi pa ito kumbinsido doon kaya napabaling ito sa Anak nya na nakangisi habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.
"Yes Dad, we met before, i think 5years ago" Parang napapa isip pa nitong sagot sa Ama nya pero hindi parin maalis sa mga labi nya ang pag ngisi.
"Oh really?" Manghang sabi nalang nito bago sumubo ng kanin na nasa kutsara na nito.
"Yes Dad, Sa pagkakatanda ko ay muntik ko ng mabangga si TITA Mara noon sa motorbike ko" kwento nito ngunit di nakaiwas sa pandinig ko ang pagkakadiin nya sa salitang Tita.
"What? What happen? How?" Gulat at sunud sunod na tanong ni Diego sa anak at nagpabaling baling sakin at sa anak nito ang paningin nya.
"Ah eh, Kasalanan ko. Bigla nalang akong tumawid, diko napansin na paparating pala sya" Nakayuko kong sagot na kinatawa ng Binata kaya napatingin ako dito.
"So you're telling the truth now, Pero noon ay todo tanggi ka at sakin mo isinisisi" Tawa tawa nitong sabi kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"O-okay. That's enough! Baka kung saan pa mapunta tong usapan nyo" Awat samin ni Diego ng mapansin nito ang masamang titig ko sa anak nya.
Kumain kami ng walang imikan na naganap. Mga tunog at kaluskos lang ng mga kubyertos ang maririnig dahil sa sobrang katahimikan.
Napaka awkward naman kase ang tagpong ito dahil sobrang naiilang ako sa sitwasyon ko ngayon.
Nang matapos mag Hapunan ay inihatid ko na si Diego sa kwarto nito para makapagpahinga na ito, dahil bawal sa kalusugan nya ang magpuyat.
Nang masiguro ko ng nakainom na ito ng gamot at makatulog ay saka ko palang napagpasyahang lumabas ng kwarto nya para magtungo na sana sa kwarto ni Zion.
Ngunit laking naguulat ako ng may biglang humila saakin pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto at dinala ako sa tapat lang ng pinto ng kwarto ni Diego.
"Ano ba! Bitiwan mo ako!" Mahina ngunit nasa tono ko ang sakit at inis.
"Do you think hindi ko alam ang binabalak mo sa Daddy ko" Bulong nito sakin habang nanlilisik ang mga mata nyang nakatingin sakin.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Tanong ko dito saka ko tinangkang kumalas sa pagkakahawak nya ngunit bigo ako.
"Alam kong pera lang ni Daddy ang gusto mo Mara" Anito saka ako isinandal sa likod ng pinto at kinulong sa mga braso nito
"Hindi totoo yang sinasabi mo at wala kang alam!" Matigas kong sagot dito at umiwas ng tingin dahil di ko maatim ang makipagtitigan sakanya.
"Innocent act huh? Magkano ba ang binayad ni Daddy sayo para magpakasal ka sakanya" Nakangising tanong nito na kina gulat ko.
Kaya diko napigilan ang sarili ko at nasampal ko ito ng may kalakasan kaya napabaling pakaliwa ang mukha nito na agad namang nakabawi kaya pinakatitigan ulit nya ako sa mata.
"Napaka walang hiya mo!" Sigaw ko na dito ngunit sa halip ay tumawa ito ng malakas
"Ako pa ba Mara? Ako pa ang walang hiya?" Tawa tawa nitong tanong sakin.
"Bakit mo ba ito ginagawa sakin?" Naiiyak ko ng tanong din dito
"Nakalimutan mo naba ang ginawa mo sakin 5 years ago?" Bigla ay sabi nito ngunit sa malumanay na nyang tono kaya napatingin ako sakanya ng deretso.
"So ako pa ang may ginawa sayo 5 years ago huh?" Mapakla kong balik tanong ngunit hindi nagbago ang itsura nito.
"Oo! Dahil ipinagpalit mo ako doon sa Joey na iyon dahil lang sa pera! Tapos ngayon ay ang Daddy ko pa ang pinakasalan mo? Bakit Mara? i'm not enough for you?" Mapait nitong sabi sabay tulo ng mga luha nya.
"I-i'm s-sorry" Umiiyak ko na ding sagot pero
hindi ito tumugon doon at pinakatitigan lang ako
"Patawarin mo ako Matt" Umiiyak ko paring paghingi ng tawad.
Hindi parin ito kumibo ngunit laking gulat ko ng walang anu ano'y sinunggaban nya ako ng halik na kina igtad ng katawan ko.
Sabik, Marahan at mapusok ang halik na ginagawad nya sakin na hindi ko namalayang tinutugunan na pala ng kusa ng mga labi ko. Hindi ko maintindian kung bakit bigla nalang sumuko ang sariling katawan ko ng dahil lang sa halik na iyon na limang taon ko ng hindi natitikman.
Parang kinuryente ang katawan ko at nabuhay muli ang kiliti sa katawan ko na matagal ko ng hindi nararanasan mula nung iwanan nya ako, limang taon na ang lumipas.
"I miss you Mara" Bulong nito sa gitna ng Halikan namin.
"I miss you too" Kusang sagot ng sarili ko at nagpaubaya na nga ng tuluyan sakanya.
~~~••
Napabalikwas ako sa pag kakahiga ng magising ako sa ibang kwarto. Iginala ko ang paningin sa kabuohan ng paligid at gulat ng makita si Matt na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Napatingin ako sa orasan at napa face palm ako ng makitang madaling araw na, kaya dali dali akong tumayo at isinuot ang mga damit kong hinubad ni Matt kanina. Hindi na ako nag abalang tignan pa ito at mabilis na lumabas ng kwarto nito.
Natulos ako sa kina tatayuan ko ng makita si Diego akay si Zion na umiiyak. Paakyat ang mga ito sa hagdan at sa tingin ko ay hindi pa nila ako nakikita kaya dali dali kong tinungo ang kwarto ko at pumasok sa banyo para maligo
"Mommy?" Dinig kong sabi ni Zion sabay katok sa pintuan ng banyo kung nasaan ako.
"Mommy is taking a shower baby. Wait me there" Pasigaw kong sabi dito at narinig ko na ang yabag nito paalis sa harapan ng pinto ng banyo.
Naiyak ako ng maalala ang ginawa namin ni Matt kanina lang. Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang sariling palad dahil dama ko pa ang haplos at hagod nito sa katawan ko. Kahit sabik ito sakin ay dama ko ang parin pag iingat nya sa pag angkin sakin.
Iniilig ko ang ulo ko at nagpatuloy na sa pagligo at mabilis na lumabas ng banyo matapos kong makapagbihis.
Natagalan ata ako kaya nakatulog ng muli si Zion sa kama ko habang may botle milk na naka subo sa bibig nito habang si Diego ay prenteng naka upo sa couch at parang hinihintay talaga ako.
Tumabi ako ng upo sakanya at doon nagpatuloy sa pagtuyo ng buhok ko.
"Where have you been sweetheart?" Pagkuwan ay tanong nito habang titig na titig saakin.
"Huh? D-dyan lang nag ikot ikot" pagdadahilan ko saka ko iniiwas ang tingin ko sakanya at nagpatuloy sa pagtuyo ng buhok ko.
"I'll go back to my room, You should rest. Bukas mo na sana naisipang mag tour sa bahay" Ani nito sa seryosong tono na ngayon ko lang narinig sakanya kaya napatingin ako sakanya.
Titig na titig ito sakin pero hindi sa mata ko ito nakatingin. Hindi ko mawari kung sa labi ko ba o sa leeg pero hindi ko nalang iyon pinansin.
Akmang hahalik sana ako ng bigla syang umiwas at mabilis na tinungo ang pinto na pinagtaka ko. Dati rati kase ay masaya ito pag ako ang una at kusang hahalik sakanya pero bakit ngayon ay ilag sya.
Nang makalabas na ito at maisara na ang pinto ay naupo muli ako sa couch at inalala ang naging kilos nito sakin.
Nakita nya kaya akong lumabas sa kwarto ni Matt?
"s**t!" Mura ko sa sarili ng maisip iyon. Yun lang kase ang tanging rason na nakikita ko kung bakit biglang nagkaganon si Diego sakin.
Sa kakaisip ay diko namalayan na nilamon na pala ako ng antok at nakatulugan ang kung anu anong katanungan sa isip ko.