“I WOULD understand if you had to stay married because of your grandmother’s unstable health.” Pinigil ni Xander ang pagbangon ng kanyang inis para kay Gabriella. She was still in denial. Sa dami marahil ng mga pinagdaanan nito, natuto itong huwag basta-basta na lang sumuko. She had always been a fighter. “Gabby, stop,” mahinahong sabi niya. Nag-uusap sila sa loob ng library. Nais niyang maging pormal at businesslike ang magiging pag-uusap nila. Lilinawin na kaagad niya ang lahat at baka magkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan na maaaring mauwi sa gulo. Ayaw niyang ipagsapalaran ang kalusugan ng lola niya. Ayaw niyang may ibang isipin si Kila. “I’ll sign the documents. Tatanggapin ko ang stocks na ibinibigay mo. But you can’t buy back the past, Gabby. You can’t buy love. Matagal na tayong

