“PASENSIYA ka na, Kila, kung napasugod ako rito. Nag-alala lang ako sa kalagayan mo. Hindi mo ako tinatawagan o tine-text man lang.” Pilit na nginitian ni Kila si Gray na kasama niyang naglalakad-lakad sa hardin. Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ay niyaya niya itong lumabas ng villa. Nais niya itong makausap nang masinsinan. Nais niyang ipaalam dito ang nilalaman ng kanyang puso. Ayaw niya itong masaktan, ngunit hindi rin naman niya kayang magsinungaling dito at lalong ayaw niyang magsinungaling sa kanyang sarili. Mas masasaktan ito kung patatagalin niya ang pagderetsa rito. Ayaw na rin niyang umasa ito dahil pagkakaibigan na lang talaga ang kaya niyang ibigay nito. Hindi na nila maibabalik sa dati ang lahat. “It’s okay, Gray. Gusto ka rin namang imbitahan ni Lola rito. She’s a fan

