NAGHANAP ng mapaglilibangan si Kila pagkatapos nilang makakain ni Xander. May maliit na TV sa loob ng silid ngunit wala namang antenna. Good luck na lang kung may mahagip na channel ang antenna. Wala ngang signal ang cell phone. Hindi naman siguro gaanong mag-aalala ang mga tao sa villa. Nagpaalam naman sila na magpi-picnic. Iisipin ng mga ito na sumilong sila sa cabin nang bumuhos ang malakas na ulan. Sa katunayan, umuulan pa rin sa labas. Mayroong ilang mga DVD sa rack. Namili siya ng maaari nilang panoorin ni Xander na inako ang pagliligpit ng mga pinagkainan nila sa may kusina. Nakita niya ang Kasal, Kasali, Kasalo ni Juday at Ryan. Naalala niyang pinanood nila dati ni Xander ang pelikulang iyon nang mag-showing sa takilya. Nakipagsiksikan sila sa mga tao sa mall dahil Pasko noon. Na

