“KAYA pa?” natutuwang tanong ni Kila kay Xander habang nakapasan siya sa likod nito. Niyaya niya itong mag-picnic nang hapong iyon. May madalas silang pinupuntahan na meadow. Mahigit treinta minutos na lakaran ngunit sulit naman. Maraming mga ligaw na bulaklak doon at napakatahimik. Nitong mga nakaraang araw ay naging abala sila sa pagsu-swimming sa kung saan-saang ilog kaya nais naman niyang manahimik sila sa isang magandang lugar. Malapit-lapit na sila nang mapagkatuwaan niyang magpapasan dito. Ganoon ang palaging ginagawa nito kapag pagod na siya sa paglalakad. Hindi naman siya pagod talaga, nais lang niyang maglambing sa kanyang asawa. Nakangiting nilingon siya nito. “Kayang-kaya pa. Ang gaan-gaan mo, eh. Napansin kong pumayat ka.” “Ayaw mo n’on, sexy ako?” Hindi niya masabi na pal

