CHAPTER 23 Aira Nakahawak pa rin si Rick sa baywang ko nang mahigpit, sapat para hindi ako makagalaw pero hindi para masaktan. Ang init ng palad niya ay parang may sariling pulso, parang sinasabing hindi ka aalis dito hangga’t hindi ako tapos. Hindi ko alam kung anong mas malakas—ang t***k ng puso ko o ang paghinga niya na umaabot sa leeg ko. “Aira,” bulong niya, halos nakadikit ang labi niya sa tenga ko. “You keep testing me.” Napapikit ako. Ang boses niya mababa, kontrolado, pero may bahagyang punit sa dulo. Para bang may tinatagong apoy na gustong kumawala. “Sir R-Rick…” sagot ko, nanginginig. Hindi ko alam kung dahil sa hiya, takot, o dahil sa kaniya. Napatawa siya nang mahina sa likod ko—hindi masaya. “You didn’t answer my calls,” usal niya, dahan-dahan niyang hinahagod ang g

