CHAPTER 22 Aira Masakit ang ulo ko nang magising ako, pero hindi dahil sa alak—hindi naman ako uminom nang sobra kagabi. Mas masakit ang bigat sa dibdib ko, ’yong klase ng pagod na hindi kaya ng kahit ilang oras na tulog. Pagtingin ko sa oras, 6:17 AM na. “s**t,” bulong ko, mabilis na tumayo. Late na ako sa usual routine ko. Dire-diretso akong pumasok ng banyo, iniwan ang cellphone sa kama. Hindi ko na tiningnan ulit dahil alam kong nando’n pa rin ’yong mga tawag ni Rick kagabi—at ayaw ko muna harapin iyon hangga’t hindi pa ako nakaayos. Nag-shower ako nang mabilis. Mainit ang tubig pero hindi sapat para alisin ang tension sa batok ko. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang mukha ni Rick. At hindi ko alam kung bakit parang hindi ko siya matakasan kahit sandali. .Pagkatapos maligo, nag

