CHAPTER 21 Aira Malakas ang tugtog. Halos nanginginig ang sahig sa ilalim ng paa ko habang nagsasayaw kami nina Linda at Carla sa gitna ng bar. Neon lights, maingay na tawa, at amoy ng halong alak at pabango—lahat ito, na-miss ko. Na-miss ko sila. Na-miss kong maging ganito, free. Walang iniisip. Walang dapat itago. Walang kailangang bantayan na “boses” o email ni Rick sa tuwing magpipigil ako ng hininga. “Girl! Grabe ka!” sigaw ni Linda, habang umiikot at sumasayaw na parang walang bukas. “Ang tagal mong nawala!” “Kung hindi ka pa nagreply, pupuntahan ka na namin sa bahay niyo!” dagdag ni Carla, sabay tawa. Ngumiti ako, pero may bigat sa puso ko. Ilang linggo ko silang hindi nakita dahil sunod-sunod ang trabaho ko—at lalo na dahil sa lihim ko kay Rick. Ang dami kong gustong ikwento,

