Chapter 64 Rick Hindi pa rin pumapasok sa utak ko kahit ilang beses ko pang ulitin sa isip ko, kahit ilang beses ko pang titigan si Derick habang tumatawa at tumatakbo sa sala, ayaw pa ring magsink in sa isip ko na anak siya ni Aira? Anak niya? Sino ang ama? Sinabi ni Rick na pamilyado siya. At mismo narinig ko kay Aira na may asawa siya at anak. Pero sino ang asawa niya? Bakit taliwas sa sinasabi ni Honey? Iyon ang paulit-ulit na kumakatok sa ulo ko habang nakaupo ako sa dining table, nakaharap sa kalahating plato ng pagkain na hindi ko na magawang galawin. Kanina pa tapos kumain ang lahat. Ang mga bata, lalo na ang quadruplets nina Raydin at sina Eliana nagkalat sila sa sala, nagtatawanan, nag-aagawan ng laruan. Pero ang mga mata ko nakatoin lang kay Derick. Nakaupo siya sa sahi

