Chapter 65 Aira Lumipas ang tatlong araw. Tatlong araw na pilit kong inaayos ang sarili ko, sa trabaho, sa bahay, sa harap ni Derick. Tatlong araw na pinipilit kong magpanggap na normal ang lahat kahit alam kong may mga bagay na unti-unting nagbabago sa paligid ko. Umaga nang marinig ko ang marahang katok sa pintuan ng kwarto. “Aira?” mahinang tawag ni Yaya Yna. “Pasok po, Yaya.” Pumasok siya, hawak ang maliit niyang bag. Kita ko agad sa mukha niya na may sasabihin siya. “Aira,” panimula niya, “magpapaalam sana ako sa'yo kung pwede.” Napatigil ako sa pagsusuot ng blazer. “Bakit po,Yaya?” “Uuwi muna sana ako sa San Fernando,” sagot niya. “Sandali lang. Bibisitahin ko lang ang bahay natin, tsaka may aasikasuhin din ako." Tahimik akong tumango. Hindi naman iyon biglaan, napag-usapa

