Chapter 100 Ayesha's POV Hindi ko alam kung paanong sasagutin ang mga tingin nila sa akin na puno ng pagtatanong. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o maiilang dahil hindi ko naman kilala kung paano sila tumingin. Kung may isang bagay man ako na ipagpapasalamat sa ngayon ay walang ano mang bakas ng panghuhusga ang makikita sa kanilang mga mata. Isang matagal na katahimikan ang bumalot sa loob ng bahay mula nang bitiwan ni Sandy ang tanong na iyon. Hindi naman na niya iyon tinangka pa na ulitin at hinayaan lang nila akong manahimik na muna. Hindi nila ako pinilit na sagutin ang kanilang tanong at hinayaan nila ako na mag-isip muna. At sa tingin ko ay ang ganitong klase ng mga Lavitran ang dapat kong pagkatiwalaan. Siguro nga ay mas makakagaan sa loob ko kung may iilan na makakaalam ng p

