Chapter 99 Ayesha's POV Kahit na nakahiga na ako ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang posibilidad ng mga iniisip ko. Kung nitong mga nagdaan na oras ay hindi ako nahirapan na makatulog, ngayon ay ayaw naman akong dalawin ng antok. Kung kailan gusto ko nang matulog para kahit papaano ay mawala sa isip ko ang kanina pa bumagabag sa isip ko. At habang patuloy ako sa pag-iisip ay sumasakit ang ulo ko. Pakiramdam ko ay kailangan ko na talagang makatulog. Ngunit kahit na anong pikit ang gawin ko ay wala namang nangyayari dahil hirap talaga akong makatulog. Sino ba naman kasi ang makakatulog kung ang bumabagabag sa isip mo ay ang posibilidad na buntis ka. At hindi ka lang basta buntis, kundi buntis ka sa lalaking hindi mo naman ka-relasyon. At hindi ko siya ka-relasyon dahil hindi kami maaar

