Chapter 73 Ayesha's POV Tulad ng dahilan kung bakit nandito ang tagasilbi ay tinulungan niya ako na maisuot ang magarbo kong kasuotan na siyang nais na ipasuot sa akin ni Javadd. Para ko na rin tuloy kasama si Markiya dahil may umaalalay sa akin. Ngunit syempre ay iba pa rin ang pagiging palagay ko ng loob kung si Markiya ang kasama ko na magbihis dahil alam ko na kabisado na niya ang mga kailangan ko at wala kaming makakaligtaan. Habang tinatali ng tagasilbi ang likuran ng kasuotan ay minabuti ko na humarap na sa salamin upang makita ang aking repleksyon. Bigla na lamang akong napangiti. Isa ito sa pinakamagandang kasuotan na naisuot ko at nakakatuwa dahil si Javadd pa mismo ang pumili nito. Alam na alam niya siguro ang mga nababagay sa akin. Bukod roon ay parang sinukat talaga ito sa

