Chapter 74 Ayesha's POV Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang mga sinasabi ni Javadd o hindi. Baka kasi mamaya ay sinasabi niya lang ang lahat ng ito upang maging maganda sa pandinig ko. O hindi naman kaya ay inaasar niya lang ako dahil wala pa rin akong karanasan sa pakikipaghalikan. Ngunit wala naman akong nahihimigan na panunuya sa paraan ng pagkakasabi niya ng tungkol sa bagay na iyon. Kaya sa tingin ko naman ay totoo ang mga sinasabi niya. Kinunutan ako ng noo ni Javadd na tila ba alam na niya na hindi ko na naman siya pinaniniwalaan. Alam ko naman na sawang-sawa na siya sa mga pagdududa ko ngunit sadyang mahirap paniwalaan ang isang ito. Bukod sa napakakisig ni Javadd ay isa pa siyang prinsipe. Kaya sigurado ako na makakakuha siya ng babae na maaari niyang halikan ano mang ora

