Chapter 75 Ayesha's POV Hindi ako nakasagot sa sinabing katotohanan ni Javadd. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nagustuhan niya ng regalo kong iyon kahit na alam naman niya na hindi ko alam ang katotohanan na iyon. Mas maiintindihan ko pa sana kung niregalo ko iyon sa kanya nang alam ang kahulugan. Lumuhod si Javadd at nilabas mula sa baul ang lalagyan ng espada. Kahit na nakikita na niya ito nang harapan ay tila hindi pa rin siya makapaniwala. At ngayon ko lang napagtanto na ang pagiging tahimik niya pala kanina ay dahil wala siyang mahanap na tamang salita upang sabihin at ipakita ang pagkagusto niya sa regalo ko sa kanya. Kaya pala maraming tindahan ng ganito rito sa kanilang lugar ay dahil may ganoon pala silang paniniwala. Ngunit bigla lamang din akong napaisip dahil

