Chapter 78 Ayesha's POV Dahil na rin sa pagkabigla sa naging aksyon ni Javadd ay tila hindi ako makapagprotesta sa ginagawa niyang paghila sa akin. Dahil sa ginawang paghila sa akin ni Javadd ay muli naming nakuha ang atensyon ng lahat na tila ba mga gulat na gulat nang mapagtanto na ang daan papunta sa gitna ng mga nagsasayaw ang tinatahak namin. Maging ako ay nabigla rin sa unti-unti kong pagkatanto sa mangyayari. Hindi pa man din ako tuluyang nakakalimot sa kung paano namin nakuha ang atensyon ng lahat ay nandito na naman kami sa gitna ng kanilang atensyon. Ngunit hindi ko naman plano na unahin pa ang sasabihin nila dahil wala naman akong ibang plano kundi ang magpatangay kay Javadd. Habang papalapit kami nang papalapit sa gitna ay mas lalo pang dumarami ang mga nakatingin sa amin d

