Chapter 97 Ayesha's POV Payapa ang naging paglalakad ko. Kahit na wala akong suot na maskara ay walang nakakakilala sa akin. Siguro ay dahil masyado nang malayo ang lugar na ito sa kabihasnan kaya hindi na nakaabot dito ang tungkol sa pagbibigay ng pabuya para sa nawalang prinsesa ng Vittoria. At doon ko mas lalong napagtanto na tama lamang ang lugar na pinlano kong tirahan. Magkakaroon ako rito ng katahimikan. Kung walang makakakilala sa akin ay wala akong makukuha na atensyon. Magagawa ko ang lahat ng gusto ko nang walang mga mata na nakasunod at nakasubaybay sa akin. Magiging malaya ako sa lugar na ito at hindi na ako makapaghintay pa na mamuhay nang ganoon. Dahil may kalayuan ang pinakamalapit ba tindahan ay minabuti ko na damihan na ang aking mga bibilhin para hindi na rin ako mag

