Chapter 80 Ayesha's POV Nananabik na akong makita ang mahal na reyna kanina pa ngunit mas lalo akong nanabik ngayon na nalaman ko na talagang nag-alala siya sa akin. Siguro ay dahil ito ang inaasahan ko na sasalubong sa akin kaya ganito na lamang ang nararamdaman ko. Nagmamadali akong umakyat ng hagdan na maging si Markiya ay nahihirapan nang makahabol sa akin. At lahat ng tagasilbi na nadaraanan namin ay nagugulat nang makita nila ako. Hindi ko naman na nagagawa pa na sagutin ang mga bati nila dahil sa sobrang pagmamadali ko na mapuntahan ang aking ina. "Baka madapa ka, Prinsesa Ayesha," nag-aalalang sabi ni Markiya ngunit hindi ko iyon pinansin. Bagkus ay nagpatuloy lamang ako sa aking paglalakad na kaunting bilis na lamang ay magiging takbo na. "Kumakain naman ba ang mahal na reyna

