Pagdating namin ay dumeretso kaagad kami si silong ng punong mangga at inilapag ang aming mga dala sa ibabaw ng maliit na mesa. Pagkatapos, sandali akong umakyat sa taas para magpalit ng damit pambahay. Suot ko pa kasi ang damit na isinuot ko sa singing contest.
"Jayson, iyong petromax pakidala nga rito pagkababa mo. Paubos na ang gaas nitong gasera!" tawag niya kay Jayson.
"Opo Kuya!" Sagot naman ni Jayson na nagbibihis rin ng pambahay.
Pagkatapos kong magbihis aty ininit ko muna ang dalang letson manok ni Eking. Bukod kasi sa mga tsetserya na pulutan may letson din kami at sisig at iba pang pagkain. Pista e.
Dala ko na ang isang bowl na letson ng bumaba ako. Napakaliwanag ng paligid dahil sa sumasabog na liwanag na nagmumala sa petromax. Daig pa nito ang fluorescent light.
Nagsimula na kaming mag-inuman. Magkatabi kami ni Jayson at nasa harapin namin sina Makoy, Eking at ng isa pang kaibigan ni Makoy. Nang una tahimik ako. Unang beses ko kasing uminom na kasama ang mga straight na lalaki. Nag-aadjust pa kasi ako. Umiinom nga naman ako ng minsan pero si Jayson at Makoy lang ang kasama ko. Hindi gaya sa ngayon na may ibang kainuman na sa tingin ko walang alak na aatrasan.
Si Eking ang pinakamaingay sa aming lahat. Sa kanya lahat ang bangkaan na halos patungkol sa mga kababaihan ang usapan. Hindi ako masyado nakaka-relate kapag ganoon ang topic. E, sa iba ang pagkatao ko. Pero nakikianod na lang ako. Nagkunyaring gusto ko rin ang ganoong usapan. Nakikitawa ako kapag ganoong tumatawa sila kahit na sa tingin ko hindi naman nakakatawa na pawang mga kababawan.
Nang medyo may tama na ay pagkanta naman ang kanilang trip. Si Makoy ang taga-tipa ng gitara at si Eking ang bokalista na hindi mo malaman ang tono ng kanyang kinakanta. Parang butas na lata. Masakit sa tenga.
"I-ikaw na-man tol!"
Medyo lasing na si Eking. Si Makoy ang tinutukoy nito.
"Ayaw mo na? Hindi pa nga tayo nangalahati sa listahan ng mga kakantahin mo ah"
"Parang nawawala na yata ako sa tono e. Sira yata ang gitara mo"
Aba, ngayon lang yata niya napansing wala siya sa tamang tono, e sa simula pa lang hindi mo na malaman kung siya ba ay kumakanta o tumutula. Lasing nga naman oo.
"Kasalanan pa pala ng gitara ko ngayon?"
Napailing si Makoy. Tawanan kaming lahat. At mukhang siya naman ang kakanta. Pero hindi ako ganoon ka-excited. Paulit-ulit lang naman kasi ang kinakanta niya. Ang walang kamatayang "Iniibig kita". Ayos lang sana kung para sa akin iyon dahil kaya ko namang pagtiisan kahit nakaririndi na. Matatabunan naman iyon ng kilig ko. Kaso hindi e.
Ngunit nagulat na lang ako nang,
'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
Cause I give you all of me
And you give me all of you, oh
Mistula akong na-freeze sa aking kinauupuan. Alam ko naman kung gaano kaganda ang kanyang boses pero lumagpas pa ito sa aking inaasahan. Kaya naman pala dalawang taong magkasunod na nag-champion siya sa singing contest na sinalihan ko dahil daig pa niya ang ang isang professional na singer. Sayang nga lang dahil hanggang doon lang sa bayan nilang iyon naipamamalas niya ang kanyang talento sa pagkanta. Kung magpursige lang sana siya na sumali sa malalaking talent search ng bansa, sigurado akong mapapansin siya. Natitiyak kong nganga kami ni Jayson kung pinahintulutan siya na sumali ulit ng mga organizers ng singing contest na aming sinalihan.
Napakaganda ng rendetion niya doon sa kanta. May alam naman pala siyang mga bago ay kung bakit iyong makaluma ang kanyang paulit-ulit na kinakanta. Kinilig tuloy ako. Para akong ipinaghehele sa kanyang boses. Lalo na sa chorus ng kanta. Sapol na sapol ako doon. Eksaktong ganoon kasi ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal na mahal ko ang lahat ng kay Makoy. Hindi siya perpekto alam ko. May isang bahagi ng aking utak na ipinagduldulan sa aking hindi siya ang lalaking nararapat na ibigin ko. Marahil iyon 'yong mga sinet kong standards.
Pero anong magagawa ko? Puso ko na ang may gusto at pumili sa kanya. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat na mayroon ako. Isa na roon ang wagas at tapat kong pagmamahal sa kanya.
Alam kong hindi siya bakla na tulad ko, na babae talaga ang gusto niya na bubuo ng pamilya kasama niya. Ngunit sa tulad kong alanganin na nagmahal nang husto, hindi ko maiwasang umasa sa isang himala.
Dasal lang 'yan dasal.
Sana nga makuha sa dasal. Nakatitig lang ako kay Makoy, hindi ko namalayan na sa akin na pala ang baso. Masyado kasi akong na carried-away sa pagkanta niya. Inlove, e.
Kinalabit ako ni Jayson na noo'y namumula na. Saka naman ako natauhan. Tinungga ko agad ang baso na nasa harap ko. Sinaid ko ang laman nito. Masyado na akong napapaitan sa lasa ng beer. Nakaramdam na rin ako ng pagkahilo.
Wala pang isang oras ay paubos na ang dalawang case ng beer na binili namin. Para lang kasi silang uminom ng tubig kung makainom ng alak. Nagpa-pass na ako nang minsan kapag tagay ko na. Hindi ako dapat maglasing nang husto para may makaalalay kina Makoy at Jayson kung sakali mang hindi na nila kakayanin.
Nagdagdag pa sila ng dalawang case. Hindi ko akalaing ganoon sila kalakas uminom. Sabagay halata naman sa naglalakihan nilang mga tiyan. Maliban kay Makoy na wala kang makikita maliban sa mga pandesal na nakahilera sa kanyang flat na tiyan. Batak kasi sa trabaho kaya kahit malakas pa siyang uminom walang calories na naiipon sa bahaging iyon ng katawan niya.
Hindi na nakayanan ni Jayson na uminom pa kaya nagpalaam na siyang mauna ng magpahinga. Inalalayan ko naman siya paakyat ng bahay. Pasuray-suray kasi kung maglakad.
Ako man ay lasing na rin pero kaya ko pa namang kumilos nang maayos. Matapos ko siyang ihiga sa higa sa papag ay bumalik na ako sa umpukan. Mag-aala-una na yata iyon ng madaling araw nang magpasya sina Eking at ang kasama nitong umuwi. Bagamat lasing na lasing na, sa tingin ko kaya pa naman nilang umuwi. Nga lang, paekis-ekis na kung maglakad.
"Akyat na tayo" Sabi ko kay Makoy nang kami na lamang dalawa ang naiwan. Hindi siya kumibo. Hindi sa hindi niya ako naririnig pero hirap na yata siyang magsalita dahil sa kalasingan. Naaninag ko pa ang mamula-mula na niyang pisngi at ang mga mata niya ay halos nakapikit na.
"Makoy kaya mo pa bang tumayo?"
"Ummmmm!" Sapo niya ang noo, halatang nahihilo.
Mukhang wala na ngang pag-asa ang isang 'to kaya inalalayan ko na siyang tumayo. Ang isang kamay niya ay inilagay ko sa aking balikat. Habang ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa kanyang beywang.
Nagsimula na kaming maglakad. Ramdam ko ang bigat niya kaya medyo hirap rin akong maglakad. Ngunit ang mas matinding nagpahirap sa akin ay ang init ng kanyang barakong katawan at ang amoy alak niyang hiningang dumadampi sa aking pisngi.
Hindi ko alam pero parang nag-iinit ako sa posisyon naming iyon na halos yakap na niya ako at ganoon din ako sa kanya. Ang ulo niya ay nakasandal na sa aking mukha kaya ganoon na lamang ang,
Shit, hindi ito ang tamang oras para sa kamunduhan!
Saway ko sa sarili nang maramdaman ko ang unti-unting pagkabuhay ng aking alaga.
Nang nasa taas na kami, isinandal ko muna siya sa dingding habang inilatag ko ang banig na hihigaan niya. Kahit nahihilo na ako at iyong pakiramdam na nasusuka ay sinikap kong hindi indain iyon dahil hindi ko naman maatim na iwan si Makoy na nasa ganoong ayos na parang lantang gulay na sa kalasingan. Siyempre, ang buong atensiyon ko at pag-aalala ay nasa kanya.
Nang igiya ko na sana siya sa kanyang higaan nang biglang,
"Uggggh...gwarrrkk...gwarkkkk!"
Grabe ang pagsuka niya. Andaming inilabas. Mga hindi pa nadi-digest na pagkain. Umaalingasaw ang amoy ng beer. Napa-ewww ako. Suka iyon e. Ngunit wala akong choice kundi ang linisin ang buong katawan niya. Doon kasi tumilapon ang mga isinuka niya.
Hinubad ko ang damit niyang napuno ng suka. Ang nandidiri kong pakiramdam ay biglang napalis nang tumambad sa aking paningin ang nakakaakit niyang katawan. Maraming beses ko na iyong nakita pero naroon pa rin iyong panginginig ko kapag nakikita iyon.
O siya naglalaway ako. Subalit doon ako sa kung ano talaga ang misyon ko.
Matapos ko siyang hubaran ay hinagilap ko ang termos. Mainam kasing gamiting pampunas sa lasing ang mainit na tubig. Swerte namang may sapat pang laman ang termos nang aking alugin. Kumuha ako ng plangganita at bimpo.
Sinimulan ko ng punasan ang katawan niya. Umuungol siya ng dumampi ang mainit-init na bimpo sa kanyang balat.
Nang patapos na ako, saka ko lang napansing may suka ring tumapon sa suot niyang pantalon. Hinubad ko naman iyon at tanging brief na lamang ang naiwang saplot sa kanyang katawan.
Pinunasan ko ang kanyang mga hita. Maliban na lang sa gitnang bahaging iyon. Ngunit may isang bahagi ng aking utak na nang-uudyok na i-all-the-way ko na. Kaya dahan-dahan kong ibinaba ang kanyang brief. Lumantad ang nahihimbing niyang alaga. Tulog pa nga iyon pero nababanaag kong may kalakihan na.
Gosh!
Bigla kong naalala ang dating napanaginipan. Totoo pala talaga.Tarugo ang mokong. Napalunok ako kahit wala naman akong nailunok na laway dahil sa kanina pa ako natutuyuan.
Gamit ang basang bimpo, pinunasan ko ang kanyang magkabilang singit pati na ang kanyang nakalaylay na bayag at sa ilalim nito. Nanginginig ang kamay ko nang ang kanyang nahihimbing na alaga naman ang pinasadahan ko ng bimpo.
Napakislot naman ako noong magsimula itong magising. Damn. Para akong sinilaban sa sobrang init nang makita ko ang paglaki nito na hindi naman talaga ordinaryo ang sukat sa tulong ng liwanag ng buwan na lumusot sa siwang ng dingding.
Tumayo akong pikit ang mga mata para hindi ako matuksong gawin ang isang bagay na kanina pa ipinagsisigawan ng malandi kong utak. Pumasok ako sa kwarto ni Jayson para ikuha siya ng maisusuot. Pagbalik ko, nakita kong nakahawak ang kamay niya sa kanyang alaga. Kinamot siguro at dahil tulog hindi na nito nagawang alisin ang kamay rito.
Sa ayos niyang iyon na nakahilata at nakahawak ang isang kamay sa kanyang alaga, mistula iyong nag-anyayang aking sunggaban. At dahil sa nakainom ako, ang libog at pagnanasa na kanina ko pa kinikimkim ay parang sasambulat na.
Tito Boy, bakla lang ako. Mahina at marupok pagdating sa tukso. O siya idadagdag ko na, tigang.
Lumapit akong muli kay Makoy. Nag-uunahan na ang kaba sa aking dibdib, hindi sa takot kundi sa tindi ng excitement. Buo na ang pasya kong matikman siya ng gabing iyon anoman ang magiging kalalabasan.
Bahala na.
Tuluyan na akong inalipin ng pagnanasa.
Una kong pinuntirya ang kanyang labi. Smack lang. Hindi naman ako umaasang ibuka niya pa iyon para gumanti ng halik sa akin. Sapat na iyon para maramdaman ko ang malambot niyang labi na kaytagal ko ring pinangarap na matikman.
Sunod kong ginalugad ang kanyang tainga. Hindi parin siya natinag. Tulog nga talaga. Bumaba ang halik ko sa kanyang leeg habang ang isa kong kamay ay abala sa panlalamas ng kanyang mauumbok na dibdib.
Pinasadahan ko rin ng halik ang magkabila niyang balikat. Wala akong pinalampas na bahagi ng kanyang katawan. Lahat ay pinapasadahan ko ng halik at pandidila.
Gamit ng isa kong kamay, itinaas ko ang magkabila niyang bisig. Lumantad sa akin ang kanyang kili-kili na natutubuan ng hindi ganoon kalagong mga buhok. Pinasadahan ko din iyon. Nalalanghap ko na ang barako niyang amoy na mas lalong nagpa-ulol sa akin.
Mula sa kanyang kili-kili, naglakbay ang aking dila papunta sa kanyang pumuputok na dibdib. Ginamit ko ang aking dalawang kamay para himasin iyon. Diniinan na sinabayan ng pananalat. Dinadama ko ang bawat hulma ng maumbok niyang dibdib.
Nang magsawa, sinunggaban ko na agad ang isa niyang u***g. Dinilaan at sinipsip na may panakanakang pagkagat. Halos mababaliw na ako sa sobrang sarap. Narinig ko ang mahina niyang pag-ungol pero wala akong balak na tumigil. Nawala ang pangamba ko na baka magising siya. Ang tanging nasa isip ko ay ang mairaos ang aking pananabik sa lalaking pinakamamahal ko.
Matapos ng pambobrotsa ko sa isa niyang u***g, doon naman ako sa kabila. Ganoon din ang ginawa ko. Mistula akong sanggol na dumidede sa Nanay.
Isinunod ko ang mga pandesal na nakahilera sa manipis niyang tiyan. Bawat uka nito ay ginalugad ng aking dila. Sarap na sarap ako habang ginagawa iyon. Bumaba pa ang mga halik ko sa dako pa roon na siyang pinakapakay ko.
Nang mahawakan ko ang kanyang tarugo ay hindi na iyon ganoon katigas tulad kanina pero malaki parin naman. Una kong hinalikan ang ulo nito. Inilabas ko muli ang aking dila at hinagod ang katawan nito pababa sa puno.
Napa-s**t ako nang muli itong nagalit. Dumoble yata ang laki. Parang hindi ko kakayanin. Subalit naroon na rin lang ako, tatapusin ko na. Pero bago ako sa kung ano talaga ang misyon ko, pinaglaruan ko muna ang dalawang bilog na iyon gamit ang aking dila. Hindi ko rin pinalagpas ang kanyang singit. Naramdaman ko ang pagtingkayad ni Makoy. Siguro nagising siya pero hindi niya naman ako sinaway. Kaya nagbigay iyon ng lakas ng loob sa akin para tapusin ang aking nasimulan.
Buong-buo ko siyang isinubo. Halos maduwal ako sa laki ng sukat niya. Hindi pangkaraniwan. Naisip ko masasanay din ako. At sa kunting panahon ng pagsubo ko ay natutunan ko ang tamang paraan na hindi ako mahihirapan. Swabe kong ginagawa iyon.Ramdam ko ang init nito at pagpitlag ng alaga niya sa loob ng aking bibig. Dila,sipsip ang ginawa ko. Nangngalay na ako sa posisyon kong nakaluhod pero napapawi naman iyon ng ibayong sarap na aking nalalasap.
Matapos kung humigop sandali ng hangin, sinubo ko ulit iyon, ngayon, mas binilisan ko na at sinasabayan ng bahagyang pagsalsal. Ngayon ko lang ginawa ang ganoong bagay pero pakiramdam ko naging bihasa na agad ako. Iyon na yata ang isang gawain na hindi na kailangan ng ensayo.
"Ughhhh!"
Hindi ko na napigilang ang umungol. Ramdam ko na ang biglang paglubo ng sandata ni Makoy. Napatingkayad siya at biglang nanigas ang kanyang mga binti. Hudyat iyon na malapit ng sumambulat ang pinakaaasam ko. Kaya naman mas binilasan ko pa ang pagtaas baba sa kanya.
Naramdaman ko ang dalawang kamay niya sa aking ulo. Hindi ko alam kung paraan niya iyon para pigilan ako o pagpapahiwatig niya iyon na tapusin ko ang aking ginagawa. Ramdam ko kasi na parang tinutulak niya ako pero wala naman iyong lakas. Kunting taas-baba pa at tuluyan ng sumabog ang katas niya sa loob ng aking bibig. Mainit-init. Karamihan doon ay nalulon ko at ang iba nama'y naidura ko sa lababo. Hindi naman ganoon kasama ang lasa. Dala marahil sa mahal ko iyong tao kaya hindi ako nakaramdam ng pandidiri.
Nakatayo ako sa may gilid at pinagmamasdan ang kanyang kahubdan habang ang sarili ko naman ang aking pinapaligaya. Damang-damang ko parin ang ibayong sarap kahit na nakatitig lang ako sa mala-adonis niyang katawan. Hanggang sa marating ko na ang tugatog ng kaligayahan. Dinamitan ko siya at kinumutan. Nakuha ko pa siyang halikan sa noo bago ako magtungo sa aking higaan.
"Buti naman at gising ka na. Mag-ayos ka na dahil hinhintay na tayo ni Nanay kina Ninang Mercy. Doon tayo manananghalian. Andami raw ng inihanda, Jeric!" ang narinig ko mula kay Jayson nang magising ako.
"Si Makoy?"
"Nauna na siyang nagpunta. Kaya tara na!"
Nagsimula na ang kainan nang makarating kami kina Aling Mercy. Napakarami ngang handang pagkain. Apritada, kare-kare, bistek, pancit, adobo at marami pa na hindi ko na alam ang pangalan. Siyempre hindi mawawala ang litson ng paborito ng lahat.
Matapos kong maglagay ng pagkain sa aking plato ay naghanap ako ng mauupuan. Sa paglilibot ng aking paningin, namataan ko si Makoy na kasalukuyang kumakain. Napangisi ako nang masipat ang bakanteng upuan sa tabi niya. Lumapit ako.
"Wala bang nakaupo dito, Mak?"
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Umupo na agad ako. Nagpatuloy lang siya sa pagkain na para bang hindi niya naramdaman ang aking presensiya.
"Grabe ang inom n'yo kagabi ah, hindi ko kinaya" sabi ko.
Ewan ko ba kung may mali ba sa aking sinabi dahil bigla na lamang siyang tumigil sa pagkain. Tumayo siya at ipinatong ang plato niya sa ibabaw ng mesa. Buong akala ko, iinom lang siya ng tubig o kaya'y kukuha ng softdrinks ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng bigla na lamang itong umalis ng walang imik. Sa nakita kong natirang pagkain sa plato niya alam kong hindi pa siya tapos. Kakasubo lang niya ng tumabi ako sa kanya. Iniiwasan ba niya ako? Hindi kaya batid niya ang ginawa ko sa kanya kagabi?
Agad din akong tumayo para habulin siya. Malakas ang kutob kong may malay siya kagabi. Tiyempo namang nandoon si Kristine kaya pinahawak ko muna sa kanya ang aking plato.
"Makoy, sandali!" tawag ko sa kanya. Ngunit hindi siya tumigil at kahit lumingon man lang sa akin.
Bumalik na lang ako sa aking kinauupuan para ipagpatuloy ang pagkain. Subalit nawalan na ako ng gana. Hindi ako mapakali sa ginawang pag-iwas ni Makoy sa akin. Wala naman akong alam na ibang ginawa maliban sa kahalayang ginawa ko sa kanya kagabi. Lasing ako ngunit alam ko lahat ng ginawa ko kaya nagi-guilty ako. Alam ko, sigurado ako na iyon ang dahilan kung bakit niya ako iniiwasan ngayon.
At dahil doon kailangan ko siyang makausap. Gusto kong humingi sa kanya ng kapatawaran sa maling nagawa ko sa kanya. Nakakahiya man pero kailangan ko iyong harapin. Ito na rin siguro ang panahon para malaman niya ang tunay na ako at ang matagal ko ng lihim na pagmamahal sa kanya.
"Anyare doon, friend?" usisa ni Kristine.
"Tinopak na naman siguro!" ang naisagot ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin ang nangyari kagabi. Sobrang nakakahiya iyon.
"Hayaan mo na 'yon. Hindi ka pa ba nasanay sa kanya. Uy, sama tayo ngayon ha. Punta tayo kina Greg. Bongga din ang tsibugan doon tsaka may paalak pa!"
Gustuhin ko mang umayaw kay Kristine na sumama pero wala rin akong nagawa para tanggihan siya. Siya kasi ang nag-effort na maihanap ako ng maisusuot sa singing contest kaya pakonswelo ko na lang iyon. Isa pa tumanggi akong sumama sa kaniya kagabi para sa kanilang inihandang victory party para sa akin kaya pambawi ko na lang ito ngayon.
Bumabaha ng pagkain at maiinom na alak ng dumating kami kina Greg. Galak niya kaming sinalubong. May itsura din ang mokong pero hindi ko siya type.
Naispatan ko naman si Makoy sa isang umupukan ng mga kalalakihan. Isa din kasi sa mga kaibigan ni Makoy si Greg kaya hindi na nakapagtatakang naroon din siya.
Ngunit nang makita niya ako, bigla na lamang siyang tumayo sa kinauupuan at umalis. At tuluyan ko ng napagtantong umiiwas siya sa akin dahil sa nagawa kong paglapastangan sa kanya kagabi.
Gusto ko man siyang sundan ngunit pinigilan ulit ako ni Kristine. Inaya niya akong uminom. Tumalima naman ako. Nagkakasiyahan sila kasama ng iba pa niyang mga kaibigang bading ngunit wala ang isip ko sa kanila. Nakatuon ang buong pag-iisip ko kay Makoy. Gustong-gusto ko ng umalis doon para makausap siya at para makahingi ng tawad.
Hindi ko na maaatim na ipagpabukas pa iyon. Sinisingil na ako ng aking konsensiya. Kung bakit ba kasi ako nagpadala sa tukso? Bakit ba mahirap para sa aming mga alangin ang supilin ang bugso ng aming mga damdamin. Naturingan na tuloy kaming masahol pa sa hayop ng isang kilalang politiko at boksingero ng bansa.
Saklap.
Nagdahilan akong nasiraan ng tiyan para makaalis na ako roon. Nang makauwi ako ng bahay ay si Makoy kaagad ang hinahanap ko.
"Andito na 'yon e. Pero bigla na lang nawala. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Bakit ba?" si Jayson nang tinanong ko sa kanya kung nakauwi na ba ang kuya niya.
Nang marinig ko ang sinabi niya ay humahangos akong tumungo sa ilog. Nagbabakasakaling makita ko si Makoy doon.
Nang marating ko naman ang ilog ay naroon nga si Makoy. Nakaupo sa isang malaking bato. Nakatukod ang dalawang bisig niya sa kanyang mga hita. Napakalayo ng tingin.
"Makoy!"
Lumingon siya sa akin. Salubong ang mga kilay. Lumapit ako. Tumayo siya. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga palad na para bang nakahandang manuntok.
"Kung nandito ka para humingi sa akin ng tawad, sabihin ko sayo, nag-aaksaya ka lang ng iyong laway!" buo ang pagkakasabi niyang iyon.
"At bago kita magawan na hindi mo magugustuhan, pwede bamg umalis ka na!"
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nasasabi sa'yong labis ko na iyong pinag-sisihan. Patawarin mo ako Makoy, hindi ko napigilan ang aking sarili na gawin ang isang bagay na hindi ko dapat ginawa. Ito ang tunay na ako Makoy. Nabura man ang ala-ala ko pero hindi ang tunay kong pagkatao!" pahayag ko.
Lumapit pa siya ng kaunti sa akin. Hinawakan niya ang aking magkabilangbalikat. Madiin. Ramdam ko ang sakit. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Para akong tinutupok ng titig niyang iyon.
"Wala akong pakialam sa kung ano ang tunay mong pagkatao. Ngunit bakit ako ang tinalo mo? Bakit Jeric? Akala ko ba magkaibigan tayo? Alam mo ba ang salitang respeto?" sumbat niya. Nagpupuyos na siya ng galit.
Isang masaganang luha ang naging tugon ko sa kanya. Wala kasi akong maapuhap na isasagot. Tama din naman kasi. Magkaibigan kami. Dalawang beses na niyang iniligtas ang buhay ko. Ang pamilya niya ang kumupkop sa akin matapos niya akong matagpuan sa dalampasigan. Ngunit ang lahat ng iyon at naglaho nang magpatangay ako sa tukso. Nagawa kong ipagpalit ang samahan, tiwala at respeto niya sa sampung minutong kaligayahan na ako lamang ang nasisiyahan. Lumalabas tuloy na wala akong utang na loob at sarili ko lamang ang iniisip.
Humihikbi ako habang patuloy siya sa kanyang panunumbat sa akin. Hinayaan ko lang siya. Wala akong karapatang magreklamo kahit na labis na akong nasasaktan sa mga sinasabi niya. Kasalanan ko naman kasi.
"Suntukin mo ako Makoy. Saktan mo ako. Maluwag ko iyong tatanggapin kung sa ganoong paraan ay maibsan 'yang galit mo sa akin!"
Kinuha ko ang nakakuyom niyang palad at ipinansuntok ko iyong sa aking dibdib. Binawi naman niya agad.
"Papagurin ko lang ang aking sarili kapag gagawin ko iyon. Kahit na magkalasog-lasog pa iyang mga buto mo sa pang-gugulpi ko ay hindi pa rin iyon sapat para mawala ang galit ko, tang-ina mo! Simula ngayon, kalimutan mong magkaibigan tayo. Welcome ka pa rin sa bahay pero huwag na huwag ka ng lumapit sa akin. Huwag mo na rin akong kausapin"
Umiling ako.
"Hindi na ba maayos 'to? Ano ba ang dapat kong gawin para tanggapin mo akong muli?"
"Sa ginawa mo, sa tingin mo ba ay maayos pa ang lahat? Sa pambaboy mo sa akin, sa tingin mo kaya pa ba kitang tanggapin?" Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi ko alam pero parang pinipigilan niya na huwag maiyak. Tumalikod siya.
"Wala naman akong problema sa pagkatao mo. Bagama't umiiwas ako sa mga bakla, naroon pa rin naman ang respeto ko sa kanila. Pero ikaw, tang-ina lang. Hindi mo man lang naisip kung ano ang kahihinatnan bago mo iyon ginawa sa akin. Makasarili ka. Katulad ka rin pala ng ibang baklang hayok sa laman!"
Nagsimula na siyang humakbang palayo. Sumunod ako sa kanya.
"Nagawa ko lang naman iyon dahil mahal kita Makoy!"
Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Kasabay nang pagbubunyag kong iyon ay ang pagbulwak ng luha ko sa mata.
Natigilan siya. Nakatalikod parin siya sa akin.
"Maaring ang nasa isip mong dahilan kung bakit ko iyon nagawa ay dahil sa pagnanasa at libog ko sa'yo. Ngunit ang totoo, iyon ay dahil sa pagmamahal ko sa'yo na hindi ko alam kung paano ko ipagtatapat. Natakot kasi ako na kapag sinabi ko iyon sa'yo ay iiwas ka na sa akin. Hindi ko iyon makakaya Makoy. Pinigilan ko naman, e. Pero nabigo ako. Hirap suwayin ang tinitibok ng puso"
"Kaya dinaan mo na lang sa panghahalay sa akin? Dahil alam mong hindi ako pumapatol sa kagaya mo ginawan mo ako ng dahas para atleast matikam mo ako. Iiwasan man kita at kamuhian. Mawala man ang pagkakaibigan natin, hindi ka na talo roon, natikman mo na ako e!"
"Makoy ano bang pwede kong gawin para manumbalik ang pagakakaibigan natin. Kahit iyon na lang. Hindi ko na hinihingi na mahalin mo rin ako dahil alam kong hindi ang kagaya ko ang pinapangarap mo pero sana man lang bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para patunayan kong muli ang sarili ko na isa akong mabuti at tapat ng kaibigan!"
Humihikbi na akong nakikiusap sa kanya. Niyakap ko siya mula sa kanyang likod. Mabilis niyang tinanggal ang kamay kong nakalingkis sa kanyang katawan. Tinulak niya ako nang malakas. Hindi ko iyon napaghandaan kaya sumadsad ako sa damuhan. Masakit. Subalit wala ng mas sasakit pa kung ang taong mahal mo ay kinamumuhian ka.
"Pu*****na. Kailangan ko pa ba iyong ulit-ulitin? Sirang plaka lang ako nito e!" singhal niya.
Lumuhod ako sa kanyang paanan. Niyakap ko ang kanyang mga paa. Gumagalaw ang aking balikat tanda ng labis na paghikbi. Labis kong pinagsisihan ang aking ginawa. Sana hindi ako napadala sa aking karupukan. Pero kahit anumang gawin kong pagsisisi, nangyari na ang lahat. Panahon na para harapin at pagbayaran ko ang nagawa kong pagkakamali.
"Alam kong isa na akong napakasamang nilalang sa iyong paningin dahil sa nagawa kong pagkakamali. Pero sana maisip mo rin na kaya ko iyon nagawa ay dahil sa matinding nararamdaman ko sa'yo. Hindi ko sinasadyang mahalin ka. Ilang beses ko ring nilabanan ang nararamdaman ko sa'yo pero nabigo ako. Tinangka kong kalimutan ka at itong diyasking nararamdaman ko sa'yo. Pero paano ko makakalimutan ang taong palagi kong nakikita sa araw-araw na siyang pinagmumulan ng hindi ko maipaliwanag na kaligayahan? Na naging dahilan kung bakit lumalaban pa ako hanggang sa ngayon. Mahirap ang malayo sa pamilya lalo na sa tulad kong nawalan ng ala-ala. Mahirap ang makibagay sa uri ng buhay na hindi ko kinagisnan. Pero nang makilala kita, biglang gumaan ang lahat. Parang gusto ko na ring pasukin ang mundong kinamulatan mo. Minsan naiisip kong di bale nang matatagalan pa ang aking pagaling o kahit hindi na ay ayos lang. Hahabi na lang ulit ako ng panibagong ala-ala kasama ka. Sinasabi ko to para sana hindi mo ipagkait sa akin ang natitirang kaligayahan ko dito sa mundo. Aminado akong kasalanan ko ang lahat. Pero nakahanda akong pagdusahan iyon. Ikaw ang kaligayahan ko Makoy kaya sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon na maitama ang pagkakamali ko!"
"Maaring sa darating na mga panahon ay mapatawad din kita. Kung ang Diyos nga ay nagawang magpatawad sa mga nagkasalang nilikha niya, ako pa kaya na tao lang? Maaring maging kaibigan din tayo muli, pero ang sinasabi mong tiwala, parang hindi ko na iyon maiibigay sa'yo. Tungkol naman sa sinasabi mong pagmamahal sa akin, ngayon pa lang sinasabi ko, ibaling mo na lang sa iba ang diyasking pagmamahal na iyan. Hindi ako bakla para patulan ka!" Ang sabi niya bago nagmamadaling umalis.
Pakiramdam ko naman, mistulang nagkaroon bigla ng tsunami sa ilog, natangay ako at nalunod. Kaysakit lang na marinig na wala pala talagang patutunguhan ang pag-ibig na nararamdaman ko sa kanya. Alam ko naman yun e, na walang lalaki ang magawang magmahal sa kagaya ko pero masakit pa rin pala kapag marinig mo iyon mismo galing sa taong tinatangi mo.
Naiwan akong nanatiling nakaluhod sa damuhan. Wala pa ring patid ang luha ko sa pagbulwak. Labis ang panghihinayang ko sa nabuo naming magandang samahan. Hindi ko maiwasang mamuhi sa aking sarili. Patuloy akong sinusumbatan ng aking konsensiya. Parang hindi ko alam kung paano tumayo muli sa putikan na aking kinasadlakan.
"Panyo"
Kilala ko ang boses na iyon.
"Napuwing kasi ako" ang pagsisinungaling ko nang tinanggap ko ang panyong iniabot sa akin ni Jayson. Tinulungan niya akong tumayo. Ginagap niya ako sa malaking bato kung saan naupo kanina si Makoy. Umupo kaming dalawa.
"A-Alam ko ang lahat. Narinig ko ang pag-uusap n'yo kanina ni Kuya. Ipagpaumanhin mo sana" panimula niya.
"Kung ganoon, alam mo na pala ang lahat tungkol sa akin at ang pinagmumulan ng galit ni Makoy?"
Tumayo ako. Lumapit ako sa pampang ng ilog. Tanaw ko ang mapayapa nitong pagdaloy. Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya.
"Ngayong alam mo na ang tunay na ako at ang hindi magandang ginawa ko sa kuya mo, lalayuan mo na rin ba ako? Narito ka ba para sumbatan ako at sabihin kung gaano ako kasamang tao?"
Nangilid na naman ang luha ko.
"Sa tingin mo ba mag-aaksaya pa ako ng oras na lapitan ka at ibigay iyang panyo na hawak mo kung ganyan nga ang gagawin ko?"
Narinig ko ang mga yabag niya palapit sa akin. Katulad ko, nakatayo na rin siya sa pampang. Nakasentro ang mga mata niya sa akin.
"Kung natatandaan mo pa Jeric, sa mga panahong hindi pa kayo nagkakabati niyang si Kuya, diba sinabi ko sa'yo na kahit anoman ang mangyari nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita pababayaan. Ako ang magiging sandigan mo kapag ganyang may mabigat kang dinadala"
"P-pero nagkasala ako Jayson. Hindi rin biro ang ginawa ko sa kuya mo. Pinagsamantalahan ko ang kahinaan niya. Sinira ko ang tiwala at pagkakaibigan namin"
"Naroon na tayo. Pero naiintindihan ko. Kaya mo lang naman iyon nagawa ay dahil sa matinding pagmamahal mo sa kanya. Kung dahil lamang iyon ng libog at tawag ng kamunduhan, e di sa akin mo sana iyon unang ginawa. Pero hindi e, ramdam ko kung gaano mo ako nirespeto at pinapahalagan ang pagkakaibigan natin. Noon pa man batid ko ng may nararamdaman ka kay Kuya. Wala kang kontrol sa mga nangyari dahil puso mo ang may kagustuhan nito. Lahat naman ng tao ay nagkakasala. Sino ba ang hindi? Ako man ay may nagawa ring pagkakamali, ngayon sino ba ako para husgahan ka? Anong karapatan kong manumbat sa'yo? Hindi naman na kapag may nagawang pagkakamali ang isang tao ay doon mo na ibabatay ang kabuuan niya.
Napayakap ako bigla nang mahigpit sa kanya. Parang hindi ako makapaniwala na sa kabila ng nagawa ko ay may tao pa ring handang tumanggap sa akin at nakaunawa.
"Bakit sobrang bait mo sa akin, Jayson? Hindi ko alam kung paano kita mapasasalamatan. Hindi ko lubos maisip kung paano ang naging buhay ko dito kung wala ka!" Humahagulhol na ako sa kanyang balikat. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Hinagod niya ang aking likod gamit ang isa niyang palad.
"H-hindi ko alam, Jeric basta ginagawa ko lang kung ano ang idinidikta ng aking puso. Masaya ako na gawin iyon, ang makibahagi sa lahat ng mga pinagdadaanan mo. Hindi mo kailangan magpasalamat dahil gaya ng sinabi ko, bukal sa loob kong damayan ka. Tinutupad ko lang ang pangako ko sa'yong hindi ka iiwan kahit anoman ang mangyari, kahit sino at ano ka pa!"
"S-Salamat"
Hinalikan niya ako sa batok. Batid ko ang pag-unawa at pagmamaahal niya sa akin bilang matalik na kaibigan. Agad namang sumagi sa isip ko ang kinanta niya sa singing contest na aming sinalihan "I Will Be Here" ang pamagat ng kinanta niya at pinatutunayan niya ito ngayon, na andiyan lang siya para damayan ako.
May isang oras din ang inilagi namin sa tabi ng ilog bago kami umuwi. Dumiretso kami agad sa silong ng mangga para hindi makita ni Nanay Bebeng ang pamamaga ng aking mga mata dahil sa labis na pag-iyak. Agad naman niyang dinampot iyong gitara na nasa harap lang namin, kakantahan niya daw ako para kahit papaano maibsan ng kaunti ang bigat na aking nararamdaman.
When you feel the sunlight
Fade into the cold night
Don't know where to turn
I don't know where to turn
And all the dreams you're dreaming
Seem to lose their meaning
Let me in your world
Baby, let me in your world
All you need is someone you can hold
Don't be sad, you're not alone
I will be here for you
Somewhere in the night
Somewhere in the night
I'll shine a light for you
Somewhere in the night
I'll be standing by
I will be here for you
Iyon iyong kinanta niya sa singing contest na kung saan siya ang nag-champion. Ngayon ko lang lubusang napagtantong sa akin niya pala talaga inaalay iyon ayon na rin sa kanyang sinabi doon sa may ilog.
Naluha na lang ako nang matuon ang isip ko sa lyrics na nagsabing, "All you need is someone you can hold. Don't be sad, you're not alone" dahil sa kabila ng pagtalikod sa akin ni Makoy naroon siya para umalalay. Siya ang sandalan ko ngayon para muli kong maibangon ang sarili mula sa pagkakadapa.
"Naiyak kana naman"
"Masaya lang ako dahil andiyan ka. Hindi ko alam kung pati ikaw ay mawawala!"
Ngumiti siya. "Kailanma'y hindi ako mawawala sa'yo. Andito lang ako palagi para damayan ka. Pero kung sakaling mangyari man iyon, gagawa ako ng paraan para manatili akong nasa tabi mo. Hindi ko lang alam kung paano, pero pinapangako kong hinding-hindi kita iiwan, Jeric"
Nasa ganoon ang usapan namin nang dumating si Makoy. Dumeretso ito sa taas ng bahay bitbit ang kanyang pinamili. Narinig ko ang usapan nila ni Nanay Bebeng.
"Ano ba iyang pinamali mo, anak?"
"Pako ho"
"Pako? Ano bang pagagamitan mo diyan. May kukumpunihin ka ba?"
"Gagawa po ako ng maliit na kubo diyan sa likod natin. Para diyan na ako matutulog sa gabi at magsilbing pahingahan na rin. Saka, Nay mapapadalas na raw dito sa atin si Carol. Magsi-sembreak na sila kaya naisipan niyang dito na tumambay paminsan-minsan dahil nakakarelaks daw rito at sa kubo ko siya patutuluyin"
"Naku, anak baka iba na 'yan ha? Napakabata pa niyang si Carol. Nag-aaral pa iyan. Patapusin mo muna. Huwag mong sirain ang mga pangarap ng mga magulang niya para sa kanya"
"Pero paano naman Nay kung isa ako sa mga pangarap niya? Bibiguin ko ba siya? Mas mabuti na rin iyon kaysa sa isang baklang walang kwenta ako mapunta!"
Mistula akong hinataw ng isang matigas na bagay sa aking ulo nang marinig ko ang pahayag na iyon ni Makoy. Diniinan pa talaga niya ang mga salitang "bakla" at "walang kwenta" at napaka-obvious namang ako ang pinariringgan niya.
Napakasakit lang na ganoon na ang naging tingin niya sa akin sa isang maling nagawa ko. Bagamat aminado ako sa aking nagawang mali, parang sumusobra naman yata siya ng sabihing wala akong kwenta. Ngunit uulitin ko, ano ba ang karapatan kong magreklamo sa mga panghuhusga at pang-alipusta niya sa akin? Ako naman ang siyang dahilan kung bakit siya naging ganoon.
Alam kong simula pa lamang ito ng hirap na dadanasin ko sa kanya. At kahit anumang uri ng pagpapahirap niya sa akin ay kaya kong tiisin. Kailangan kong maging matatag sa paningin niya. Kailangan kong bumawi sa aking pagkakamali at maipakita sa kanya kung gaano ako kapursigido na maging maayos muli ang samahan namin.
Kilala ko si Makoy. Alam kong mabuti siyang tao, mapagmahal at may galang sa kanyang kapwa. Natatabunan lamang iyon sa malaking galit niya sa akin. Siyempre panggagahasa na ring maituturing ang ginawa ko sa kanya. Kung ibang tao lang siguro ang gumawa noon sa kanya, marahil sa kangkungan na ang kinabagsakan nito.
Sa ngayon, isasantabi ko na ang pag-ibig na nararamdaman ko sa kanya. Ang pagkakaibigan namin ang sa tingin kong dapat ipaglaban at maisalba. Ngunit paano kung unti-unti na siyang aangkinin ni Carol? Hahayaan ko na lang ba na mapunta siya sa iba? Tutuldukan ko na ba ang pag-ibig ko sa kanya nang tuluyan o kailangan ko itong ipaglaban?