“WHAT the hell is this?!” Bahagya mang nanginginig sa takot ay pinilit niyang kalmahin ang sarili. Itinaas niya ang noo at sinalubong ang mapaghamong tingin ni Steven. Katabi nito sa dining table ang bisita nitong ngayon lang niya nakita. Kasalukuyan itong umiinom ng tubig. Hindi siya kumibo upang tugunin ang tanong. Ano ba ang isasagot niya rito? “Bakit ganito ang lasa ng crema na ‘to? Ano’ng ginawa mo?!” “Bakit, Sir? Okey naman po ah.” Sa wakas ay natagpuan rin niya ang tinig. Inabot niya ang kutsaritang nasa platter ni Steven at saka kunwa ay titikman ang kremang naroon. “Oo, okey nga. Masarap ang sa’kin. Eh bakit ganito ang lasa ng kay Honey?” Hindi niya naitago ang pagsimangot. Umandar na naman kasi ang topak niya at nang matalikod si Nana Aning ay hindi niya nagawang hind

