CHAPTER 1 ( WELCOMBACK 1)
Papalapag pa lang ang eroplanong sinasakyan niya ay ramdam na niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Madaming taon na din ang lumipas. Kung hindi lang nag email sa kanya si Marie tungkol sa nalalapit nilang alumni at sa pang famas nitong actingan eh malabong di siya nito mapapapayag na bumalik sa lugar na yon..
Dahil sa totoo lang, ayaw na talaga niyang bumalik sa probinsyang kinalakihhan niya. Sadyang magaling lang mangulet ang Ate niya at ang dating kaibigan.
"Sus ano naman ang gagawin ko doon makakakita lang ako ng mga taong alam mong ayaw ko ng makaharap o masilayan man lang ang pag mumukha." May halong pag kainis na sabi nito sa akin. Nang ayain niya ring magbakaasyon ito.
" Ikaw itong atat akong pabalikin pero ikaw naman itong ayaw sumama sa akin pabalik. Ang kj mo talaga! Dalawang linggo lang naman tayo doon ah. Pwede naman tayong humanap ng apartment sa bayan kung ayaw mong mag stay ng matagal doon." Pamimilit ko parin dito.
" Walang mag aasikaso ng business natin dito, and besides. Ikaw itong may aatendan na alumni hindi ako."
Kaya heto, muling aapak ang paa ko sa lupang sinilangan ko. Excited din naman ako at makikita ko't makakasama ang panganay naming kapatid.
Surpresa ang pag uwi kong ito wala akong kahit sinong pinag sabihan ng pagdating ko kahit pa ang kuya Ben.
Pag labas ko sa Legazpi airport agad akong tumawag ng FX. Aarkilahin ko na lang ang sasakyan dahil marami rami ang dala kong mga bagahe. Nang mag vibrate ang cellphone ko. number ni ate ang nasa calling ID
"Hey ate I'm here na." Bungad ko dito.
"So ano dederetso ka kaagad after you're flight?" anito sa kabilang linya.
"Oo, madami pa akong aasikasohin tambak din mga manuscript na e eedit ko." Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya.
" Dadaan ka pa kena kuya Ben niyan? "
"Baka ipagpapabukas ko na puyat din naman ako nitong mga nakaraang araw matutulog na muna ko?." Ani ko at iginala ang paningin para maghanap ng masasakyan habang hila ang luggage cart ko.
"Wag mong kakalimutan mga pasubong ko pag uwi mo ah."
"Kararating ko pa lang pasalubong na kaaagad." Narinig ko ang mahinang tawa nito.
"Tamad kasing magpadala si Kuya Ben ng sinarapan kaya ikaw ang kukuletin ko makakalimutin ka pa naman." Natatawang sabi nito.
"Oo na, magaamoy isda ka ng isang buwan sa idadala ko dyan pabalik." Naka ingos na sabi ko
"Promise mo yan ah." Naniniguro pang sabi nito.
" Bye bye na nga ate, text na lang kita" Paalam ko dito ng makita kong may papalapit ng FX.
"Ok text mo na lang ako kung may kailangan ka." Sagot nito.
Pag katapos kong ibalik ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko ay kinuusap ko ang driver ng FX na pinara ko. At sinabi dito ang address ng paghahatiran sa akin. Habang nasa byahe ay napasyahan ko munang umidlip kahit saglit.
Isang mahinang tapik sa balikat ang nakagising sa akin.
"Andito na po tayo Ma'am san po ba kayo dito?" Tanong ni Manong driver sa akin.
Pupunags pungas na tiningnan ko sa wirts watch ko ang oras may tatlong oras din pala akong nakatulog..
"Nasa centro na po ba tayo Manong?"
"Opo Ma'am."
"Sa Bario San Vicente po ako Manong pakideretso na lang po dadagdagan ko na lang po ang bayad." Dadaan na lang ako kay kuya bago papahatid sa bahay. Mas ok na dumeretso na muna ako kay Kuya Ben mag tatanghali na nagugutom na din naman ako.
Isang baryo lang naman ang layo ng bahay nito sa dati naming bahay.
Saktong nananghalian na ang mga ito ng makarating ako sa bahay nila. Katakot na sermon muna nag sinalubong sa akin ni Kuya Ben.
"Bakit di ka man lang nagtext o tumawag na darating ka ngayon kababae mong tao buma byahe ka ng mag-isa." Parungit nito sa akin ng mahakot lahat ang bagaheng dala ko.
" Kaya nga surprise diba." Sagot ko dito. At isa isang hinalikan ang mga pamangkin kong sumalubong din sa akin.
Umupo agad ako sa mesa at nakisalo sa hapag kainan. Hinayaaan ko lang na mag tatalak si Kuya. Sinulyapan ko ang asawa nitong nagpipigigl ng ngiti sa tabi nito. Buti na lang at natitiis nito ang Kuya.
Nakaka dalawang plato na siya ng kanin ng mag salita ang asawa ni Kuya.
"Buti at naisipan mong umuwi, ngayon na lang ulit kayong nagkita ng mga pamangkin mo." Sabi ng asawa ni Kuya..
Uminom muna ako ng tubig bago nag salita.
"Hay naku ate wag ako ang sisihin mo. Matagal na naming inaayang sa Manila na kayo manirahan Pero kahit mag bakasyon eh ayaw naman ni kuya." Mahabang litanya niya.
"Di ano naman ang gagawin ko andito ang trabaho ko" Anito may talyer kasi ito.
"Napaka kuripot mo talaga, ikaw lang naman ang may talyer dito."
" Nagbabaksayon naman kami doon twing pasko at bagong taon ah." Depensa nito hindi na ako nakipagtalo pa.
"Hindi mo talaga mapipilit yang kuya mong yan." Natatawang singit ni Ate Anie sa usapan namin.
"Doon ka ba pepermi sa dating bahay natin Ynoue" Pag-iiba ng topic ng kuya niya. Nag katinginan na lang sila ng Ate Anie niya.
"Oo Kuya mag papahinga muna ako. Nga pala sa inyo yong isang balikbayan box na dala ko. Pag balik ko mag sha-shopping naman tayo nila Ate Anie at ng mga bata." Sabi niya at pinag patuloy na ang pagkain.'
"Ikaw ang bahala, pera mo naman ang gagastosin hindi sa akin." Sabi nito.
***
"Home sweet home!" Malakas na bulalas ko ng tuluyang makapasok sa loob ng ancestor house namin. Kakahatid pa lang sa akin ni Kuya Ben. Isang taon pa lang ang nakalilipas ng matapos gawin ang bahay. Kompleto na din sa gamit ang bahay mula sa sala, kusina at tatlong kwarto.. Bukod pa sa master bedroom. Natubos din namin ang lupang dating kinatitirikan ng bahay namin.
May sampung taon na din ang nakararaan mula ng umalis kami noon. Hindi biro ang mga pinag daanang hirap at pag subok ng pamilya namin na akala namin ay wala ng katapusan.
Sime bunggalo ang bahay dahil bahay bakasyonan lang talaga ang gusto namin dito. Dumeretso agad ako sa kusina at binuksan ang ref. Bukas na bukas ay ma mimili ako ng stock kong pagkain, good for 2 weeks siguro ay pwede na. Ako lang naman ang kakain eh.
Pagkatapos ma e-check ang buong bahay ay pumasok na ako sa master bed room at nahiga na sa kama. Napagod ako sa maghapong pakikipag kulitan sa dalawa kong pamangkin. Kaya naman wala na akong oras para maligo. Madaling araw na din naman. Ayoko kasing may araw na akong maihatid ni Kuya dahil ayokong may makakita sa akin.
Nagising ako sa ringtone ng phone ko. Pupungas pungas na inabot ko sa side table ang cellphone. Tiningnan ko ang oras. 7:00 AM na pala.
10 messages.
" hey frnd atlast, binigay mo din ang number mo.himala at nag pacontact kang bruha ka ilang araw ka ng walang paramdam yon pala ng bago ka na naman ng number txt back ka kung di ka bc."
Matapos akong mag reply ay nag mamadali na akong bumangon madami pa akong dapat asikasuhin. Pag katapos kong mag kape ay sinimulan ko ng maglinis binuksan ko ang component at nilakasan ang volume nito.
Alas dyes na ng matapos ako sa pag lilinis ng bahay. Madali ko lang natapos linisin ang buong bahay dahil tiles na yon at may mga gamit na din akong panlinis. Sinimulan ko na din ang pagluto ng kakainin ko sa tanghalian. Buti at hinatiran ako ni kuya ng mailulutong titinolahin kanina habang nag lilinis ako. Sumilip ako sa bintana ng sala at nakita kong may nag uumpukan sa tapat ng bahay namin. Mga nag uusyoso. Bakit pa ba ako magtataka. Iling iling akong bumalik sa kusina para tingnan ang niluluto ko.
"Sorry kung ngayon lang ako tumawag ah, may mga inaasikaso kasi ako kanina eh." Nag papahinga na ako ng maisipan kung tawagan si Marie.
"It's ok bruh nakakamiss ang boses mo. So ano na aattend ka na ba ng alumni natin?"
"Yup, aattend na ako. Namiss ko din kayo ah." Masayang anunsyo ko dito.
"Yes! ang tagal na nating di nag kikita kita mula ng umalis kayo dito." May hinampong sabi nito. napabuntunghininga ako.
"May two weeks naman akong bakasyon bru bawing bawi na din yon." Masiglang sabi ko.
"Ano dalawang lingo lang? bat hindi mo na gawing isang buwan" Nadidismayang sabi nito.
Hindi ko masabi dito ang nalalapit kong pag alis papuntang America. Malapit na kasing matapos ma process ang mga papeles namin ni Ate Bea.
"Kwento ko na lang sayo pag nagkita tayo,"
"Ok dami mong utang na chika sa akin. Lalot di man lang kita mahagilap dyos ko pati sss mo hindi ko alam di ba uso yon sa kung nasaan ka ngayon" Napatawa ako sa sinabi nito.
Sinadya ko talagag gawing pibado ang buhay ko sa loob ng sampung taon. Mas ok kasing ganon mas tahimik ang buhay.
"Friend na tayo sa sss lokaret."
"Oo noong nakaraan lang siguraduhin mong aatend ka sa alumni kung di kakalbuhin kita." Pananakot nito sa akin.
"Aattend ako ok, kaya wag ka ng mag aalala pa."
"San ka ba nag stay ngayon kena Kuya Ben ba? Kung gusto mo doon ka na lang sa bahay mag stay kung wala kang matutuloyan. By Monday nasa bahay na ako matatapos na din naman tong komperensya namin."
"Oo eh kita na lang tayo pag uwi mo." .
"Ganon ba sige bruh bye na." Paalam nito.
Limang minuto na ang nakakalipas matapos ang pag uusap namin ni Marie. Naisip kong tama ba ang desisyon kong umuwi at umattend sa alumni namin. Maya maya ay idinial ko ang cellphone number ng isa ko pang kaibigan.
"Oh my God!, its that you Ynoue?" Gulat na tanong nito habang walang tigil sa pagpisil ng pisngi ko ang bading.
"Oo bakla ako to, kaya tigilan mo na ang pag pisil sa pisngi ko." Ani ko sabay tapik sa kamay nito.
"Ay ikaw nga bakla!!!!" Nagtatalon pa ring sabi nito.
"SSshh! Ang inagay mo, manahimik ka nga nakakabulahaw ka na." Aniya ko sabay hila papasok ng gate.
Nang makapasok na kami ay tinadtad agad siya ng mga tanong nito.
"Sang lungga ka ba nag tago? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? At ang laking pasabog to ah! ikaw ang may ari ng misteryosang bungalow na to?" eksahiradong pinalaki nito ang mata nito. Tapos maya maya lang ay. "Oh my God wag mong sabihing pumatol ka sa DOM?" Anito sabay takip ng kamay sa bibig.
Umikot ng 360 degree ang eyeballs ko.
"Ang sama talaga ng ugali mo bakla. Hindi ba pwedeng nanalo ako sa lotto kaya nakapag patayo ako ng bahay." Sabay hampas ko sa balikat nito.
"Aray ha! Hmp malay ko ba na nanalo ka sa lotto. Madami kang utang na kwento sa akin ngayon." Nakairap na sabi nito.
"Mahabang kwento bakla. Pero saka na may favor sana ako eh." Sabi ko dito.
"Eh ano namang favor yan? Mukhang di mo naman kailangan ng favor. Pero bago yan kwentohan mo na ako dalio haba habang kwento yan ah sa sampung taong nawala ka"
"Sira ka talaga sige na mag kwekwento na ako.!" Natatawang sabi ko.
Lahat na at ang emoji na reaction nagawa na nito ng matapos kong ikwento sa kanya.
"Maganda naman pala ang kinalabasan ng pag-alis niyo dito never kong naisip na magiging writte ka bruh?"
"Ako nga din eh hobby ko lang dati naging trabaho ko na ngayon." Nangingiting sabi ko.
"So aattend ka na ngayon ng alumni natin niyan?" tanong nito.
" Oo bago ko mag fly fly papuntang America."
"Buti naman naisipan mong magpakita sa amin bago ka umalis, isusumpa talaga kita bakla" Maarteng umirap ito sa akin.
"Konsensya ko pag di ko ginawa yon, kinakabahan lang talaga ako eh." Naka kagat labing sabi ko dito,
"Bakit naman? two days lang naman na event yon. Oh my God ! wag mong sabihin na kinakabahan ka dahil mag kikita ulit kayo ni Jay?"
Si Jay.
Bakit ba nawala sa isip ko yon oo nga malaki ang posibilidad na magkita nga kaming dalawa. Sa naisip kong yon ay lalo tuloy akong kinabahan.
"Hala siya, di ka pa move on girl." Nanlalaki ang matang sabi nito.
"O-oy d-di ah." Tanggi ko.
"Di ba first love mo yon?." Nanunuksong tanong nito.
"Mga bata pa tayo noon." Sabi ko at kumuha ng tubig sa kitchen, sinundan naman ako nito.
"Hmmm.. may boyfriend ka na ba ngayon?" bigla biglang tanong nito sa akin.
"Wala, busy ako para mag love life." Tinitigan ako nito ng matiim. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang.
Tumawa ito nang malakas. "Huli sabi ko na sa sampong taon girl di ka parin move on."
"Loka move on na ako di ko na nga siya maalala, pinaalala mo lang." Nakasimangot na sabi ko dito.
"Seryoso?" Maarteng tanong nito, tinanguan ko ito.
"Ok di na kita pipilitin." May pagdududa paring sabi nito. "halika na nga kanina pa ako Tom Jones dito, pa lafangin mo naman ako." Nakasimangot sa sabi nito sabay tayo at punta sa ref. "whatttt!! madatong ka na pero walang laman ang ref. mo!" Narinig kong sigaw nito maya maya maarteng naglakad pabalik sa sala ang bakla. Nakasimangot na. Tawa ako ng tawa sa itsura niya.."
"Isa pa yan sa problema ko bakla, samahan mo akong mag grocery." Nakangiting sabi ko dito.
"Bisita lang ako dito, tapos gagawin mo pala akong kasambahay." Maarteng sabi nito.
" Kargador bakla hahaha." Tawa tawang sabi ko.
"Gagah!"