CHAPTER 2 (WELCOME BACK 2 )

2069 Words
"Ok ba sayo ang can goods?" Tanong ni Carlota sa akin. "Hmm, pwede pag nanubusan ng ulam pwedeng pang reserba." Nakalabing sabi ko. May pag katamad din kasi akong mag luto. Dahil na din sa trabaho ko nakasanayan ko nang laging nag papadeliever ng pagkain. "Sabagay malayo pa naman ang bilihan ng mga ulam sa atin, at tamad kang mamili." Maarteng sabi nito sabay irap sa akin. "Mag stock tayo ng ice cream." Isa kasi sa paborito ko ang cheese flavor na ice cream. Pag katapos naming mamili ng mga pagkain at kung ano ano pa, kumain muna kami sa isang fast food. "Makaya kaya nating bitbitin lahat yan?" Tanong nito habang tulak tulak ang big cart na may laman na 10 bags nang mga pinamili namin "Yakang yaka mo na yan Carlota kaw pa." Natatawang sabi ko. "Ano? Nag ho-hormones ako bakla ang mahal noon tas pagbubuhatin mo ako?" Nandidilat ang matang sabi nito sa akin. "Hahaha don't worry mag-aarkila tayo ng masasakyan pauwi." Sabi ko dito. "Buti naman my God lolosyangin mo ang beauty ko!" Maarteng sabi nito. Nag aagaw na ang liwanag at dilim ng maka uwi kami. Buti naman at hindi na pahirapan ang pag kuha ng tricycle sa lugar namin hindi tulad noon. Ito ang namiss ko nawala man ako ng ten years ramdam ko pa din ang buhay sa probinsya. Di pa naman gaanong sibilisado ang lugar mangilan ngilan palang ang mga establishment na naitatayo doon. Nasa tapat na kami ng gate ng madaanan kami ng mga binatang galing sa pag lalaro ng basketball. Parang sinisilihan ang pwet ni Carlota ng makita ang mga ito sabay higit sa braso ko. "My gosh!!! yong crush ko dadaan makikita ang ayos ko, letsugas ka! ginawa mo akong kargador!!" Marteng sabi nito sa akin sabay ayos ng nagulong buhok. Tinawanan ko lang ang pag iinarte nito sa akin. Nang maipasok na namin sa loob ng bahay ang mga pinamili namin, ay pabagsak na nahiga ito sa sofa. At maarteng minasahe ang mga braso nito. Umupo din ako sa single sofa. Nanakit din ang mga paa at kamay ko. Di rin biro ang sampong plastic bag na binitbit namin. "Dito ka na lang kaya matulog ngayong gabi bruh, wala naman akong kasama dito eh." Aya ko dito. "Asus wala ka kamong uripon." Maarteng sabi nito at inirapan ako. "Masyado mo namang pinapa baba ang sarili mo P.A na lang bakla." Biro ko dito. "Tse! Bruhang to!." Saglit lang kaming nagpahinga at inayos na ang mga pinamili namin. "Nga pala, sino sino na ba sa batch natin ang mga nakapag asawa na?" Maya maya ay tanong ko. "Hindi ba kayo nag kakakwentuhan ni Marie?" balik tanong nito sa akin habang nag sasalansan ng mga prutas sa tray. "Madalang lang kaming makapag usap, minsan once a week minsan naman wala talaga." Masyado kasi akong busy at noong nakaraang taon lang kami nag karoon ng communication ni Marie. "Unti na lang ata ang mga single sa section natin, mga nagpapayaman pa ang iba." "Ah, kaya pala hanggang ngayon wala ka paring gf kasi nag papayaman ka pa." Seryosong biro ko dito. "Eww! ka bakla yan ang never na mangyayari over my gorgeous body" Nanididiring sabi nito. "Baka balang araw pag sisihan mo yan." Pananakot ko dito. Hinampas ako ng hawak nitong kangkong. "At ako talaga ang inaalala mo?" Turo nito sa sarili nito. "wala akong matris na mabubulok bakla, kaya ikaw itong mag hanap ng mag pupunla dyan sa natitigang mong matris" eskandalosong sabi nito. "Gaga! di pa pumapasok sa isip ko yan, boyfriend nga wala ako eh." Ani ko at kumuha ng tubig sa ref bigla akong nauhaw. Pag baling ko sa kanya ay seryoso siyang nakatingin sa akin. "Oh bakit?" nakakunot noong tanong ko dito. "Hayaan mo madaming single sa batch natin ang aattend, malay natin don mo mahanap ang ka forever mo?" Tiningnan ko siya na parang sinasabing seryoso. At sino naman kaya ang malas na lalaki yon. Di ko ma imagine ang sarili kong magka boyfriend tinakasan na ata ng kilig ang katawan ko. "Bat mukha kang nadidiri dyan." "Bruh kailan man hindi siya sumagi sa isipan kong magka bf." "Hmp! Naku wag mong sabihing nakokontento ka nang pag pantasyan sa mga bidang lalaki sa mga nobela mo?." Nangigiting tumango ako. " di na dapat ako magtaka noon pa man weird ka na." Naiiling na sabi nito. Tinawanan ko lang si Carlota. "Tatawagan ko pala si Marie di ko kasi nasabi sa kanya na andito na talaga ako sa bahay." Maya mayang sabi ko. "Mabuti pa naku, ihanda mo na yang tenga mo malamang raratratin ka non." Kinuha ko ang cellphone sa kwarto at dinaial ang number nito, huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. At hindi nga nagkamali si Carlota halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng boses nito. Di man lang ako nakapag explain ng maayos. Pagkatapos maka usap si Marie ay nagsabi itong pupunta ito sa bahay namin. Isang oras din ang nakalipas at dumating na ito. Mahabang paliwanagan at iyakan ang sumunod na mga oras na lumipas. Pero maya maya lang ay napuno na ng tawanan ang sala. Di nawala ang asaran at tuksuhan at syempre ako ang main topic nila. Nag kaayaan din na mag inoman, kaya naman tinanghali kami ng gising kina umagahan. At wala na naman kaming ginawa kundi ang mag kwentohan ulit. Nang magsawa sa kakawentuhan, inaya ko ang dalawang samahan akong bumili ng orchids, balak ko kasing lagyan ng orchids ang bakuran namin. Noon pa naman kasi ay hilig ko na talagang magtanim. Pag labas na pag labas namin sa bahay ay nakita ako ng mga kapitbahaay namin halos lumuwa ang mga mata nito sa pag-kagulat ng makita ako. Nginitian ko naman ang mga ito, parang naaasiwang ginantihan din naman ako ng mga ito ng ngiti. Nakatalikod na kami ng marinig ko na ang pinag uusapan nito. "Si Ynoue ba yon? Ang anak ni Belen, aba sila pala ang may ari ng bahay na yan." Sabi ni Aleng Bebang isa sa mga taga kalat ng balita sa lugar namin noon hanggang ngayon ay hindi parin pala ito nagbabago. Nailing na nagkatinginan kaming tatlo. Sabagay kagulat gulat nga ang nangyari sa buhay namin pwede ngang pang teleserye at ipalabas sa entablado ang kwento ng naging buhay namin noon. At tiyak na tatabuin sa takilya pag nag kataon. Sampung taon na ang nakararaan dito sa lugar na ito ako lumaki saksi ang lahat sa hirap at pag durusang nangyari sa amin noon. Daig pa namin ang binagyo sa kamalasan. Sa koprahan lang nabubuhay ang pamilya namin noon. Lima kaming magkakapatid. Dahil sa isa lang ang nag hahanap buhay sa pamilya namin. At kung minsan ay tumutulong din naman si Kuya Ben ay nairaraos din naman namin ang pagkain sa ng dalawang beses sa isang araw. Oo ganon kami ka salat noon. Dahil dalawa na ang nag aaral sa kolehiyo at dalawa sa high school. Napilitang huminto sa pag aaral ang Kuya Ben sa kurso niyang Automotive, napag pasyahan na lang niyang tumulong tulong sa pag kokopra kay Papa. Nag iisang lalaki kapatid namin si Kuya Ben kaya walang maaasahan kundi siya lang at si Papa. Pang apat ako sa magkakapatid. Kami ni Ate Bea ang nakakatulong tulong naman sa pag lalako ng isda ni Mama tuwing hapon. Ang Ate Elise naman ang naiiwan para mag asikaso ng mga pangangailangan sa bahay at nag aalaga ng bunso naming kapatid, sampung taon ang agwat ng edad ko dito,menopausal baby kasi si Arlyn. Noong 3rd year High school ako ay nag-asawa na si Kuya Ben. Nabuntis kasi nito si Ate Anie. Hindi pumayag ang mga magulang ni Ate Anie na hindi pakasalan sa simbahan ang anak nila Dahil nag-iisang anak na babae ito at bunso pa sa mag kakapatid. Doon kami nabaon sa utang, kaliwat kanan ang naging utang namin sa mga kamag anak namin. Lahat lista ultimo ata pinang regalo noon ng mga tiyuhin at tiyahin ko ay isinama sa lista. Kaya naman nahinto si Ate Bea sa pag aaral, na 3rd year college na din ng mga panahong yon. Dahil hindi naman na kaya ni Papa at Mama na pag-aralin kaming lahat. Pumayag silang pag trabahuin sa Manila si Ate Bea na nag-apply bilang isang receptionist sa isang hotel doon. Nang makapag trabaho na si Ate Bea kahit konti ay nakakapag padala naman siya ng pera. Pero hindi parin sapat para mababawasan ang utang namin noon. Hanggang sa lumaki ang tubo at napilitang ipagbenta ang lupang kinatitirikan ng bahay namin ngayon. Tampulan kami ng kung ano anong kwento at pintas ng mga tao sa baryo namin noon, maging mismong mga kamag anak namin. Hindi rin nawawala ang pagkukumpara ng mga ito sa mga pinsan namin. Hanggang sa di na kinaya ni Mama ang mga pangungutya ng sarili niyang kapatid. Para iiwas kami sa masasakit na salita ng mga ito ay nag pasya ang mga magulang naming at lumuwas na din kami ng Maynila. Agad namang nag desisyon ang Ate Bea at nangutang sa katrabaho nito at mag loan para sa pamasahe naming lahat. Isang linggo pagkatapos akong grumaduate ng high school ay agad agad kaming umalis ni hindi man lang ako naka pag paalam sa mga kaibigang ko. Pag dating namin sa Manila hindi naging madali ang buhay namin. Tumira kami sa squatter sa sobrang liit ng bahay ay di na kami halos magkasya kaya naman wala kaming gamit kundi mga pinggan, baso, kutsara, isang kaldero at kawali lang , buti na lang at naisip ni Mama na mag barbeque at samalamig. Sakto naman kasing malapit yon sa eskwelahan kaya naman agad na naghanap ng mapwe-pwestohan para sa pag titinda. Ako naman at sina Ate Elise at Ate Bea ay napag pasyahang mag trabaho habang nag aaral. Naging libangan ko ang pag susulat ng nobela. Nang pinabasa ko kay Ate Elise ang natapos kung nobela ay pinilit niya akong ipasa yon sa isang publishing company. Noong una ay nag aalangan ako kasi sa tingin ko kulang pa ako ng experience sa pag susulat, pero ikinangulat namin na natanggap at pinag sulat pa ako ng isa pang nobela hanggang ang isa ay naging series na. Nag tuloy tuloy ang swerte namin dahil na rin sa tiyaga ng mga magulang namin ay nakapagtapos din kami ng pag aaral.Nakapag asawa naman ng foregner si Ate Bea. Nang makarating sa America si Ate ay penetisyon agad niya sina Papa at Mama hanggang sa ang kasunod na ay ang bunso naming kapatid, ako si Ate Elise at Kuya Ben nalang ang na iwan. Hindi naman makaalis alis agad si Ate Elise dahil sa lumalaki na din ang boutique nito. At ako naman ay pinag iisipan parin ang pag alis. "Mauna na ako sainyo girls bibisitahin ko muna ang parlor ko baka nagdala na naman ng Papa si Sugar don." Paalam ni Carlota sa amin pag kauwi namin galing sa kakilala nitong nagbebenta ng mga orchids. "Ok text mo na lang ako kung dito ka uuwi mamaya." Sabi ko dito. "Yeks, jowa lang ang peg ko kailangan may update?" Parang kinikilabutang sabi nito. sabay kaming napahagalpak ng tawa ni Marie. "Pwede din naman." Magkasabay ulet naming sabi ni Marie. "Alam na ba officer niyo na aattend ka sa alumni?" Tanong nito ng kaming dalawa na lang. "Hindi pa. Wala pa naman akong kino contact maliban sa inyong dalawa ni Carlota." Napaka active kaya ng section niyo,madalas ka ngang tinatanong sa akin ng mga friends mo dati.” Nakaramdam ako ng lungkot sa narinig ko, “sigurado ako masasabunutan ka ni Chris pag nagkita kayo.” “Kumusta na pala siya?” “Ok naman buntis na siya ngayon ang alam ko nasa Bacolod siya ngayon taga doon ang napangasawa niya.” “Nakahanap din pala ng katapat ang babaing yon.” Masaya kong may pamilya na ang dating play girl kong kaibagan. “Nakakainggit nga eh madami na sa batch natin ang may kanya kanyang pamilya na.” parang nag de-day dreaming na sabi nito. “Bat naiinggit ka diba nga engage ka na din ngayon.” Napasimangot ito ng bahagya.”Oo nga pero gusto ko nang magka baby bakla.” “After ng wedding niyo di trabahuin niyo ni jowa mo.” Suhestyon ko dito, biglang namula ang pisngi nito. “Pano? Eh pareho kaming walang experience.” Nahihiyang sabi nito. Napatakip ako ng bibig.”Oh my gosh, wag mong sabihing?” Napatango ito. Napahagalpak ako ng tawa sa edad kasi nito at sa tagal na nila ng jowa nito napakaimposible naman kasi. Hindi naman sa ok sa akin ang premarital s*x kaya lang sa bastos ng bunganga ni Marie aakalain mo talagang madami na itong alam sa mga ganong bagay. Hinampas ako nito sa braso.”Makatawa ka naman wagas.” Napipikong sabi nito. “Halika may mga libro akong makakatulong sayo para diyan.” Aya ko dito tumayo ako at binuksan ang isang maletang puno ng librong mga isinulat ko, at yong iba naman ay ginagamit ko sa pag susulat. Isa isa nitong tiningnan ang mga libro. “At talagang may mga reference ka para sa mga erotic novel mo.?” “Syempre kailangan ko yang mga yan mangangamote ko pag wala yang mga yan.”Nanunuksong tiningnan ako nito. “Lakas mong makapang asar isa aka din pala.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD