"Grabe ah! Akala ko kung ano ng nangyayari sayo, kanina pa ako door bell ng door bell wala namang sumasagot kaya kinalampag ko na itong gate mo." Bunggad sa akin ni Marie. Binuksan ko ang gate at pinapasok siya sa bahay.
"Nag-luluto kasi ako bakla, naka headset pa ko kaya di ko narinig." Sagot ko dito at pa takbong pumunta sa kusina. Sumunod naman ito sa akin.
"Nag text kaya ako sayo di mo na receive?" Anito at tinikman ang niluluto ko.
Kinuha ko ang cell phone ko at cheneck ang message nito.
"Wala naman akong na recieve." Sabi ko.
"Hay naku baka na traffic naman sa ere, any ways high way, may scope pala ako ngayon." Nakangiting sabi nito sa akin. Kinunutan ko ito ng noo.
"Ano na naman yan, akala ko buwag na ang The buzz? " biro ko dito kahit kelan talaga makwento parin ito.
"Sira,yong mga tsismosa sa amin nag tanong kung ikaw ba daw yong bagong dating at kayo nga ba daw ang may ari ng bahay na ito." Sabi nito.
"Oh, anong sabi mo naman?
"Di sinabi ko ang totoo,nag tanong nga kung anong sekreto mo eh."
"Anong sagot mo naman?"
"Ang sabi ko ang sekreto mo ang wag makealam ng buhay ng may buhay," natatawang sabi nito. Napatawa na din ako.
" Hahaha! Hay naku bakit pa kasi pinatulan mo, ano naman ang naging reaskyon?" Tanong ko dito habang nag sasalin ng niluto kong caldereta sa tupper ware.
"Di ayon nag hulasan sabay uwi ng bahay, tinablan din ng mga hiya." Naka ismid na sabi nito. Sabay ulit kaming humagikhik.
"Ito dalhin mo na pag uwi mo." Abot ko sa tupper ware na may lamang ulam.
"Ay sarap talagang bumisita dito may lafang lagi, nga pala sumama ka na sa akin sa martes ah. Mag me-meeting na para sa alumni natin." Anito. Bigla naman para akong kinabahan sa narinig. "Oopps! wag mong sabihing aatras ka napag usapan na natin yon diba? nag-sayang ka lang ng pamashe tas uurong yang buntot mo."
Napabuntong hininga naman ako sabagay ano pa bang ikinatatakot ko.
"Sige na nga." Napipilitang sabi ko.
"Good para makita mo din si Jay." Nanunudyong sabi nito. At kumuha ng ice cream sa ref.
"Nag-kikita kayo?" tanong ko dito.
"Twice." Lumunok muna ito bago sumagot. "Noong kasal ni Cams, invited siya doon tas noong binyag ng anak ni Anabell ninang ako doon, at ninong naman siya non remember? ng magka chat tayo naikwento ko sayo yon noong last month lang." Anito tumango tango naman ako ng maalala ko.
"Magkikita nga kami pag nagkataon." Sabi ko na lang.
" For sure, bakit? Nenenerbyos ka?" Tudyo nito sa akin.
"Baliw hindi ah! Di ko nga alam kung anong mararamdaman ko." Sabi ko sabay upo. At nakisubo na din sa ice cream na nilalantakan nito.
"Asus, muntik na nga kayong maging kayo noon diba malay mo ito na yong chance ninyong dalawa." Kinikilig na sabi nito.
Flashback
"Nak ng kalabaw naman oh, napag diskitahan na naman tayo ng kalbong yon." Inis na inihagis niya ang walis tingting kaya naman tumalsik ang tubig at natalsikan ng putik ang blusa niya. Na lalong ikinainit ng ulo niya.pinarusahan kasi sila ng English teacher nila. Nahuli kasi sila nitong nag cutting clases sa period nito. Nalate kasi sila ng pasok kaya naisipan nilang mag cut na lang, mahilig kasi itong magpahiya sa klase.
"Sinabi mo pa tayo lagi na pag iinitan non." Nakasimangot na sabi ni Carlo aka Carlota.
"Ok na din ito kesa patakbuhin tayo ng naka paa sa ball ground hanggang matapos ang klase niya."
"Sabagay mas lalo pa tayong iitim pag nagkataon." Nangingiting sabi niya. At pinag patuloy ang pag kuskos sa pader ng cr.
Nang hapon ding yon ay nagkaayang tumambay muna sa likod ng school nila malapit kasi sa dagat yon maraming puno ng niyog at malalaking puno kaya naman malilim doon. Wala namang tindang isda si Mama kaya nag paalam ako kay Ate Elise na mahuhuli akong umuwi dito."
" Inoue!" Narinig kung tawag sa akin ni Marie. Naging klasmate ko ito noong nasa grade school palang kami. Nagkahiwalay lang kami ng nasa high school na.
"Oh bakit?" agad na tanong niya rito ng makalapit na ito sakanya. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.
"Totoo ba naparusahan na naman daw kayo ni Sir Manny?" Tanong nito.
"Wow ang bilis naman ng balita nakarating agad sayo.?" Sabi dito ni Chris.
"Sikat na naman tayo." Ani naman ni Carlota.
"Sus kelan ba tayo na laos sa tsismis." Kibit balikat na sabi ko sa dalawa.
"Wala ba kayong balak magsipag tino. Kung nagseseryoso lang sana kayo magkakasama sana tayo sa iisang section." Anito sabay upo sa tabi namin.
Section 2 kas ito samantalang kami ay Section 4.
"Laos ang beauty ko don bruh, ang sososyal kaya ng mga studyante doon, tamo pati ikaw nahawaan na din ng kasosyalan doon" Sabat ni Carlota.
"Oy hindi ah, may pangarap kasi ako kaya nag sisipag ako sa pag aaral." Anito.
"So kami walang pangarap?" Singit ni Chris.
"Bakit meron ba? Parang wala yata teacher enemy kayong tatlo eh." Sagot nito.
"Hindi naman kami bumabagsak sa mga grades namin eh masaya na kami don." Ako na ang sumagot dito. Kasi baka mamaya mag kainitan pa madalas pa namang hindi magkasundo ang dalawa.
"Hay bahala nga kayong tatlo, ang hirap niyong pag sabihan." Nakukunsuming sabi nito. Nagkatinginan naman kaming tatlo at napatawa.
***
"Oy tropa may bago na naman daw transferee ah, nasa Section 2 daw."si Joey
Lunes ng umaga vacant sila sa unang subject.
"Babae o lalaki?" tanong ni Martin. Ang klasmate naming mukhang babae. Puro babae kasi ang nasa bunganga nito.
"Oo pare, labanos at ang sexy.' Nakangiting sabi ni Joey sabay upo sa katabing upuan ni Chris. Nasa pangatlong row kami nakaupo nila Chris, at Carlota.
Kami naman ay nakikipag kwentohan sa klasmate naming nasa unahan ng upuan. Ang section namin ang pinaka masayang section, doon kasi nagipon ipon ang mga sakit sa ulo ng mga teacher. Mula sa ibat ibang section kami galing, yong iba dating section 1 o kaya naman ay dating taga section 2. Kaming tatlo naman ay galing sa section 3 noong 3rd year, pero kahit puro pasaway close kaming magkakaklase.
"Saang school galing?" Tanong dito ni Anabelle.
"Galing daw sa National." Sagot ni Joey at nakidukot ng cheppy na kinakain ni Anabelle.
"Matalino kung ganon." Singit naman ni Nelody.
"Siguro mukha naman eh, saka sa National yon ah!" Ani Joey. National semi private na eskwelahan yon, isang sakay mula sa eskwelahan namin.
"Asus baka mukha lang." Biglang sabi ni Carlota kaya naman lakas ng naging tawanan namin. Nang hapong yon ay vacant ulit kami. Ang saya lang diba? kaya naman kanya kanyang gulo na naman ang buong klase. Yong iba kwentuhan lang ng kwentuhan, ung iba naman may mga dalang guitara at kantahan naman ang trip. Maya maya pa ay dumating na ang adviser namin kaya naman nanahimik agad kami may kasama itong studyanteng lalaki. Na hindi pamilyar sa akin ang mukha.
"Good afternoon Ma'am" Sabay sabay naming bati dito.
"Good afternoon class. We have a new student here, Jay de Vera, pero ang iba kilala na si Jay. Dati ng studyante si Jay dito. Sige Jay humanap ka na ng mauupuan mo. Get your note books at kopyahin niyo ito." Sabi nito at humarap na sa pisara at nag sulat.
Agad na nag bulongan ang mga ka-klase ko.
"Hoy Valen diba yan yong klasmate niyo noong second year?' Pabulong na tanong dito ni Chris.. Nginuso pa nito si Jay na naglalakad na papuntang likuran, sa row 2.
"Oo, ang gwapo na nga eh dati palubo lubo lang yan ng sipon." Anito. Nag hagikhikan kami sa sinabi nito.
"Shhh! Quiet class." Saway sa amin ni Ma'am. Tinakpan naman namin ang mga bibig namin.
Muli kong sinulyapan ang bago naming klasmate. Mataas ito sa edad na 16. Baka nasa 5'7 na ito, maputi at namumula mula ang balat nito, maliit na matangos ang ilong at may makipot na labi. Sumulyap ito sa akin siguro naramdaman nito na may nagmamasid dito. Agad naman akong yumuko at nag simula ng magsulat.
***
Isang lingo ang matuling lumipas sa buhay studyante namin. Pinatawag kami ng President ng club na sinalihan namin ni Marie. Malapit na kasi ang buwan ng Wika. Isa ako sa singer sa school namin, nagsimula yon ng first year pa lang ako. Bali dalawa kami noon kaya lang nagtransfer sa ibang school si Joy noong 3rd year kami.
"Mag re-recruit tayo ng mga bagong member sa club, magpapa audition para sa dancer at sa singer. Pati na sa acting. Kelangan ng mag practice agad para naman hindi masyadong nakaka apekto sa pag-aaral niyo. Mag-aasign ako ng mag ja-judge sa bawat isang talent. Ani ng Adviser ng club naming si Sir Rod.
"Kelan naman Sir? Para makapag paskil na tayo sa bulletin board sa gate." Ani ng secretary namin.
"Bukas ng hapon sana kung maasikaso niyo."
"Kami na po ni Sec. ang bahala doon." Sabi naman ng sgt.arms namin na lalaki .
"Ok, dismiss na natin itong meeting ng maaga kayong maka-uwi." Anito.
Pag uwi ko naman sa bahay ay saktong naghahain na ng hapunan si Ate Bea at Ate Elise. Agad akong nagpalit ng damit. Buti wala pa si Kuya tiyak na papagalitan na naman ako noon kasi ginabi na ako ng uwi. Mas strikto pa naman yon kesa kay Papa.
"Ma, magpre prelim na po kami next month. Kaelangan makapag bayad ako kahit kalahati ng tuition fee ko." Kumakain na kami ng sabihin ni ate Bea yon kay Mama.
Bakas ang pagkabahala sa mukha nito. Nasa ikalawang taon na ito sa kolehiyo si Ate Bea.
"Hayaan mo, anak at sasabihin ko sa Papa mo mamaya pag dating." Ani ni Mama. Malungkot na ipinag patuloy namin ang pagkain. Malamang iuutang na naman nila ang pang tuition ni Ate sa kamag-anak namin. Buti sana kung agad agad mag papahiram ng walang salita eh pero tiyak na pagsasabihan na naman ng mga kapatid nito si Mama ng kung ano ano.
****
Araw na nang audition. Pinuntahan ako ni Marie sa room namin. Isa kasi ako sa mga na assign na mag judge. Pero hindi ako pumunta maaga akong uuwi para makatulong sa pag lalako ng isda kailangan na kailangan namin ng pera ngayon kaya naman tumakas ako pauwi. Sa likuran pa nga ng school ako dumaan eh.
Kina umagahan.
"Hoy bakit wala ka kahapon?" Tanong ni Malyn nang maka salubong ko ito sa daan pa puntang room sa T.L.E. Etrep. ito samantalang ako naman sa Agri.
"Galit ba si Sir?" Balik tanong niya dito.
"Hindi naman hinahanap ka lang, nga pala tatlong singer ang makakasama mo ikaw na daw ang bahala mamayang hapon doon sa tatlo." Anito nag mamadali ng naglakad papunta sa room nito.
Pagkatapos ng klase ay pumunta agad ako sa room na pinag pra praktisan namin pag kumakanta kami. Nakita agad niya ang tatlong bagong member. Si Denis at April ay 3rd year section 1 at mag kaklase. Si Shy San Juan naman ay ang bagong transferee na tinutukuy ni Joey noon sa amin.
"Ate Inoue pa pahirapan mo ba kami? Tanong ni April sa akin.
"Naku hindi ah, dto lang naman ako para I tour kayo hahaha oh ayan pumili na kayo ng mga cd na gagamitin niyo' sabi ko dito at tinuro ang lalagyanan ng mga tapes at cd sa isang stante doon.
"Kakanta na ba kami agad?" tanong naman ni Denis.
"Hindi ko alam, pero pumili na lang kayo ng pyesang pagaaralan niyo sigurado ako na makakasama na kayo sa mga program ngayon kasi kulang na kulang sa mga singers ngayon ang S&D club."
"Talaga ate?" excited na tanong ng dalawa. Pagkatapos ng konting briefing ay nagsiuwian na din kami.
****
"Putakte ngalay na ako dito." Reklamo ni Chris. Andito kami sa likurang bahagi ng school at nag babalak tumakas sa last period namin sa pang umagang klase.
"Mag diet ka kasi, lakas makareklamo ako nga itong nahihirapan dito." Reklamo naman ni Carlota. Ito kasi ang umaalalay kay Chris para makasampa sa bakod.
"Ang sisipag kasi nating magpractice kaya ito ang napapala natin." Natatawang sabi ni Jona nakasampa na sa kabilang pader.
"Malay ba natin na mamayang hapon na yong activity natin sa Filipino." Sabi naman ni Anabelle. Na nakataas ang palda hanggang tuhod. Tinatawanan ko lang ang mga itsura nila, ako kasi ang pinakamabilis sa akyatan ng pader. Hinubad ko na din ang sapatos ko at itinali ang dulo ng palda ko.
"Bilisan niyo pataas na ang tubig di na tayo makaka-alis dito eh." Ani Vallen. Malapit na kasing mag high tide malapit kasi ang school namin sa dagat kaya minsan pumapasok ang tubig nito sa pader.
"HOY ANONG GINAGAWA NIYO HA!" Narinig naming sigaw mula sa likuran kaya naman nagmamadaling lumundag sa pader si Chris. Magtatakbuhan na sana kami kung hindi lang namin narinig ang tawanan ng mga ka-klase naming lalaki.
Pag lingon namin mag kakasama sina Kaleb Ace,Arjay,Joey at Martin.
"Tumatakas na naman kayo noh?" Tumatawang sabi nito ng makalapit sa amin. Walang ka effort effort na nagsipag sampahan din ang mga ito sa pader at tumawid sa kabilang daanan na walang tubig.
"Eh kayo ano namang ginagawa niyo dito?" tanong naman dito ni Anabelle.
"Nag ka-cut din tulad niyo." Sagot ni Kaleb, habang inisa-isa kaming tiningnan nito.
"Hala ang dami na naman natin, sigurado lagot na naman tayo sa adviser natin." Nag-aalalang sabi ni Jona.
"Wag kayong mag-alala wala si Ma'am, hindi pa kasi time kaya hindi pa kami pinapayagang lumabas ng gate." Sabi naman ni Martin.
Sabay sabay kaming napabuntong hininga sa relief, buti naman kung ganon dahil tiyak na malilintikan ang mga grupo namin nila Martin .Pag wala kasi ang grupo namin ewan ba? at nawawala din ang grupo nito nakikigaya din sa amin, madalas ngang nagiging meeting place namin ang lugar na ito. Dahil din sa pag ka-cutting naging kasundo namin ang grupo nito at nag tatakpanan kami ng mga kasalanan lalong lalo na sa pag cutting classes na ang usapan.
"Basta ba walang sumbungan ah, dating gawi." Sabi ko dito. Bago tumalikod at umalis kasama sila Chris.
"Oo naman." Narinig kong sagot ni Joey.