Biyernes ng hapon. Araw ng pag bisita namin sa garden sa Agri. Habang nag aalis ng mga d**o sa paligid ng tanim kong kamoteng kahoy ay lumapit sa akin si Marie, dala dala ang asarol nito.
"Nabalitaan mo ba yong ipinag kakalat ni Shy?" tanong nito ng makalapit sa akin.
Itinigil ko ang pag bunot ng d**o at sinulyapan ito.
"Ano naman yon?" Naka kunot noong tanong ko dito. At pinagpag ang lupa sa kamay ko.
"Mas maganda pa daw ang boses niya sayo. Ikaw ba daw ang main singer sa club" Sabi nito at pinag patuloy ang pag bubungkal ng lupa.
"Wala akong pake! Kahit anong ipagkalat niya wala akong pakealam sanay na ako sa mga kamag anak pa lang namin qotang qota na ako sa ganian." Pabalewalang sabi ko dito. At alam naman ng mga nakakakilala sa akin na ako yong tipo ng taong hindi naiinggit o naiinsecure sa kung sino.
Kung si Joy nga na madalas kong makalaban sa singing contest noong nasa grade school pa lang kami eh hindi ko nakakagalit siya pa kaya. Pag pinatulan ko ang pinagkakalat niya ikakasaya pa ni Shy yon. Kaya bakit ko ibibigay ang hinihingi niyang gulo. Ramdam ko naman ang pagka disgusto niya sa akin twing nagkikita kami. Kaya mas ok na umiwas na lang.
Nang hapong yon ay hindi agad ako nakauwi, nag practice na kasi kami sa club kaya medyo madilim dilim na.
Mas binilisan ko pa ang hakbang ko, nang mapansin kong ako na lang pala ang naglalakad sa hall way palabas ng school unutusan pa kasi akong isara ang room kaya naiwan ako.
Nang nakalabas na ako ng gate ng school at makitang wala na ding studyanteng nag aabangan ng masasakyan ay tahimik akong nag dadasal na sana may makita pa akong trycle na nakaparada o jeep na masasakyan.
May 15 minutes na kong nag hihintay sa labas pero wala pa ding nadaan. Nag sisimula na din mag sindihan ang mga street light.
"Lagot ako nito kay kuya" mangiyak ngiyak na sabi ko sa sarili ko. "kung bakit kasi tinanggihan ko pa ang alok ni Raf di nasa bahay na ako ngayon." Nagkakamot sa ulong sabi ko ulit. Wala akong pakealam kong mag mukha man akong baliw wala namang nakakakita sa akin. Dahil madilim na ang parteng kinatatayuan ko pundido ata ang ilaw kaya naman nag sisimula na akong mag imagine ng mga nakakatakot.
Hindi na ako makapag hintay ng masasakyan, nag desisyon na akong maglakad na lang pauwi baka maya maya may dumaan naman ding sasakyan.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng may humintong motor sa harapan ko.
"Sakay na hatid na kita" sabi ng sakay ng motor madilim na at di ko maaninagan ang kung sino man ang sakay non. Kung hindi pa ito ilawan ng paparating ding motor ay di ko makikilala.
" Ikaw pala Jay naku malayo ang sa amin nakakahiya naman." Nahihiyang sabi ko, hindi ko alam na may motor pala ito, ngayon ko lang kasing nakita ang motor nito.
"Ok lang, malapit lapit naman yong baryo namin sa inyo, saka baka magtampo sa akin si Raf niyan." Tukso nito sakin nito, barkada ito ni Raf klasmate namin na matagal ng nanliligaw sa akin pero basted lagi kasi mukhang totoy. Ayoko ngang mabansagang pedophile.
Lalo tuloy akong nahiya sa sinabi nito.
"Baka may dadaan pa namang jeep hintayin ko na lang."
"I doubt it na meron pa last trip na yong dumaan kani kanina lang sige na delikado ng tumambay pa dito." Sabi nito inilibot ko ang tingin ko sobrang dilim na nga ano bang aasahan mo sa probinsya pag ganitong oras lagat ng tao nasa loob na ng bahay nila, at dahil ayokong makurot sa singit. Umangkas na ako sa motor niya at humawak sa balikat nito.
Kinabukasan
"Aruyyy!!! Meron akong nakita hindi ko sasabihin kapag akoy pinilit sasabihin ko na rin." Pakanta kantang sabi ni Carlota. Pag pasok na pag pasok ko pa lang sa room namin.
Hindi ko ito pinansin at umupo sa katabing upuan nito.
" Wala ka bang ishe -share?" nakangiting tanong ni Carlota sa akin habang maarteng inaayos ang buhok niya.
"Ano naman yon?" Patamad na tanong ko dito?
"Yong alam mo na yong nakita ko kagabi?"
Napakunot noo akong napatitig dito." bakit ako ang tinatanong mo eh ikaw nga itong nakakita? ang aga aga lutang ka na naman."
"Ako pa talaga ang lutang bat pa ba ako aasang ma gegets mo? napaka slow mong kausap." Na iimbyernang sabi nito. inis kong tinampal ito sa braso.
"Aray ah, slow na mapanakit pa." anito habang hinihimas ang nasaktang braso.
"Ano ba kasi yong nakita mo."
"Kelan pa kayo naging close?"
"Nino?"
"Nino pa? ni Jay, bakla nakita ko kayo kagabi naka angkas ka sa motor niya."
"Ah, yon ba buti nga naisabay niya ako kagabi eh medyo kinapalan ko na din ang mukha ko kesa mapagalitan ako ni Kuya."
"Ang lucky mo naman pala bakla, ano mabango ba?" kinikilig na tanong nito.
"Bat tinatanong mo yan?"
"Hello, bakla alam mo namang crush ko si Papa Jay, bigay ka naman ng unting info dyan"?
"Kailangan ba pati amoy niya? mukha naman siyang naliligo araw araw diba?"
"Hay naku wag mo ng sagutin, imbis na kiligin ako maiinis lang ako." Anito sabay talikod sa akin.
Bastos din talaga itong kausap minsan.
Two weeks later madaming ganap ang nagdaang dalawang linggo sa buhay studyante namin. Andong nabigla ako sa balitang nag transfer ulit si Hanna Joy sa school namin ibig sabihin lang noon ay magkakasama na ulit kami . At ang pinaka gusto ko talaga ay hindi na ako mag tya-tyagang pakinggan ang mga pag yayabang ni Shy twing practice namin dahil may makakabonding na din ako sa wakas, kahit pa nakakausap ko naman ang ibang member doon iba parin pag ka close ko talaga ang makakasama ko
"May damit ka na ba para bukas?" tanong ni Chris sa akin, umiling ako mag kakasama kami sa canteen nang hapong yon pagkatapos ng huling subject namin naisipan naming mag meryenda muna.
"Hindi ko naman kailangan ng damit para bukas sa back stage lang kami ni Hanna Joy." Sagot ko dito. May program kasi bukas sina April at Denis ang may intermission number. Back up lang kami ni Hanna Joy kay Shy.
"Pansin ko lang to mga bru mula ng dumating yang Shy na yan naiitsapwera na kayong original na singer ng All Star Club." Ani Jona.
"From the name it self ALL STAR ah, pero parang siya na lang ang star ngayon." Duktong naman ni Chris . inabot nito sa akin ang C2 at burger na hawak.
"Ok, lang yon di ko naman kina career ang pag kanta." Sabi ko dito. Hilig ko lang naman kasi yon at minsan nagagamit ko din lalo na sa P.E madalas na eexempted ako sa mga activities.
"Mapapel kasi yong bruhang yon, sipsip pa kaya nga madami ng nag sisipag alisan sa All Star Club club." Sabi ni Carlota.
"Sinabi mo pa, ito pa may chicka pa ko sa inyo." Pabulong na sabi ni Carlotta imwenestra nitong lumapit pa kami sa kanya kaya naman inurong namin ang mga upuan namin palapit dito.
" Game bakla ano yan." Naeexcite na sabi ni Jona. Ako busy naman pa pag nguya.
"Ito na nga mga bru balitang nililigawan daw yan ni president natin." Pabulong na sabi nito sabay na nagtakip ng bibig si Jona at Chris. Di naman ako nagulat sa narinig ko madalas kong nakikitang magkasama ang dalawa after ng practice namin.
"Pinatulan ni Kaleb yon." Gulat na sabi ni Jona.
" Kaya pala napapadalas ang pag silip silip non sa section natin." Ani Chris.
" Ano naman nakita ni Kaleb don, mas madaming magagandang studyante sa school natin di lang yang si Shy." Sabi ni Jona at ipinagpatuloy na ang pagkain.
"Ikaw ba naman palay na ang lumalapit di pa ba tutukain ng manok." Sabi dito ni Chris.
"Hoy ikaw ano namang masasabi mo, kanina ka pa nakikinig lang dyan." Kalabit sa akin ni Carlota.
Uminom muna ko bago ako sumagot.
"Parang di na kasi kailangan ng opinion ko lahat na ata ng panlalit don sa tao narinig ko na." Pabalewalang sabi ko. Napahagikhik naman ang tatlong loka loka sa harapan ko pinag patuloy na namin ang pagkain at nagsimula naman silang mag kwentohan tungkol sa mga crushes nila. Di ako nakakarelate sa topic nila.
Program sa school.
Nagkakagulo na sa backstage, ngayon na kasi I-aanounce kung sino ang mga nanalo sa nagdaang botohan sa pag ka president ng school organization at iba pang mga kumandidatong opisyales.
"Ate kinakabahan ako baka mamaya pumiyok ako." Sabi ni April sa akin sabay hawak sa kamay ko. Naramdaman ko nga ang pamamawis at panlalamig ng kamay nito tanda ng kinakabahan nga ito.
"Sa una lang yan, basta bago kayo umakyat ng stage huminga muna kayo ng malalim." Sabi ko sa dalawa at tumango tango naman ang mga ito.
"Kasi naman ate bakit kami agad yong pinakanta mga bago lang kami." Reklamo ni Denis.
"Bakit anong gusto niyo maging taga punas ng mga cd na kakantahin ni Shy." Seryosong biro ni Hanna Joy sabay nguso sa katabing panig kung saan naroon si Shy at nag bo-vocalization.
"Makalolon sana ng lamok ang bruhang yan." Pabulong na sabi ni April. At nag dilang angel nga si April dahil naubo nga si Shy. Dali dali naman itong binigyan ng tubig ni Patric ang dakilang alalay nito. pinipigilan naming wag mapatawa pero ng mapaubo ulit ito ay kumawala na ang pinipigilang tawa ni Denis kaya naman napatingin sa amin ang dalawa at inirapan kami.
"Hay naku naglipana talaga ang mga insekyurang insekto sa lugar nato." Parinig sa amin ni Shy. Madals siyang magparinig at dahil sanay na kami. Nagkatinginan na lang kami at lihim na napatawa sa sinabi nito muli kaming tiningnan ng masama nito.
Nang mapansin niyang wala kaming balak putalan ang patutsada niya ay nag walk out na ito at naki halubilo na lang sa mga dancers kasama si Partric. Andon din kasi ang pina pacutetan nito. May lahi atang higad ang babaing iyon hindi na lang makontento kay Kaleb at nag papacute pa kay Paul na kapareha ni Malyn sa interpretive dance.
Lumabas muna ako saglit para mag pahangin sobrang init dahil sa dami namin, nang biglang makasalubong ko si Chris.
"K-kanina p-pa k-kita h-hinahanap, buti nakita kita." Hinihingal na sabi nito. "Oh ito may dala akong damit suotin mo." Sabay abot sa akin ng paper bag na hawak niya.
Agad kong tingingnan ang laman ng paper bag.
"Floral dress? Di ako nag susuot nito." Sabi ko maganda naman ang damit hindi naman mukhang kurtina ng bintana. Simple lang ito at hindi aabot sa tuhod ang haba. At may kasama pang doll shoes.
"Basta suotin mo na wag ka ng magreklamo dyan." Sabi nito at tinulak siya papasok sa Cr ng mga babae.
Pag labas ko ng Cr ay wala na si Chris. Nagkibit balikat na lang ako at pumunta na ulit sa back stage. Pag dating ko doon ay nakita ko din na iba ang suot ni Hanna Joy.
"Ikaw din nagpalit ng damit." Takang tanong nito.
" Binigay sa akin ni Chris may kasama pang doll shoes." May bahid pag tataka din sa mukha nitong sabi sa akin.
"Ano naman kayang trip ng babaeng yon, sabagay ok na din." Sabi ko na lang.
Ilabg saglit pa ay nagsimula na ang program. Unang nag perform si April at Denis kinanta nila ang The Gift ni Jim Brickman. Nakakakilig silang tinganan habang kumakanta. Napanindigan nito ang maging lalaki ng ilang minuto habang kumakanta.
Pagkatapos ng duet ng dalawa ay nag tatalon itong lumapit sa amin.
" Ang galing niyo." Magkapanabayan pa naming sabi ni Hanna Joy.
"Talaga mga ate, naku buti na lang talaga di kami pumalpak." Nakahawak pa sa dibdib niyang sabi ni April.
"OK TITANIC GROUP KAYO NA ANG SUSUNOD MAG READY NA KAYO." Sigaw ng isa sa mga kagrupo namin. Nang matapos mag bigay ng speech ang principal namin.
Isa isang umakyat sa stage ang mga kasali sa palabas. Reenacment ng movie ng Titanic ang gagawin. Si Shy ang solo na kakanta ng My Heart Will Go On. Back up singers lang kami ni Hanna Joy. At dahil back up singer sa gilid ng stage sa pinaka dulo kami naka pwesto. Sa hindi nakikita ng mga studyante dahil natatakpan ng props na barko.
Nag simula ng pumailan lang ang musika. Nag simula ng kumanta si Shy ng nasa kalagitnaan na ay biglang nawala ang tunog ng microphone nito. Biglang sumulpot ang Adviser namin at senenyasan kaming ipag patuloy ang kanta. Kaya ang nang yari ako ang sa melody at si Joy ang nag second voice. Inis na bumaba ng stage si Shy habang nag papapadyak.
Ang lakas ng hiyawan at palakpakan ng matapos ang pag tatanghal namin. Pinaka malakas ang sigawan at palakpakan sa section namin habang china-chant ang pangalan namin ni Hanna Joy na pinapangunahan nila Chris at Carlota.
Pag baba namin ng stage ay nakasimangot na mukha ni Shy ang sumalubong sa amin.
"Masydo kayong papapel, akala niyo naman sikat kayo." Sabi nito.
"Look who's talking, pasalamat ka pa nga dapat sa amin at sinalo namin ang intermission number natin." Sabi dito ni Hanna Joy.
"If I know baka kayo nga ang may gawa kaya nawalan ng boses ang microphone ko.' Nakataas kilay na sabi nito.
"Aba naman talaga masyado ka namang hindi feeling niyan." Muling sabat ni Hanna Joy.
"Hindi ako feeling dito, baka kayo ang feeling? feeling mga sikat eh laos naman!" mataray na sabi nito. Nakita ko ang pag kuyom ng kamay ni Hanna Joy. Tinitigan pa ito ni Shy na parang nang iinis kaya nakita kung itinaas na ni Hanna Joy ang kamay niya sakto namang pag dating ni Kaleb kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Hanna Joy bago pa nito masaktan si Shy.
"Baby buti na lang dumating ka, pinag kakaisahan ako ng dalawang impaktang yan." Pa baby talk na sumbong nito kay Kaleb. Nagkatinginan naman kami ni Hanna Joy at muli sanang,aambaan ito ng sampal kung hindi ko lang hinigit ang damit nito, malamang naalog na ang utak ng babaeng ito ngayon.
Nakita ko naman ang pagdating ng adviser namin sa club.
"Anong nangyayari dito?" tanong nito ng makalapit sa amin.
"Yang dalawang yan Sir binu bully po ako." Sumbong nito sa amin.
"Ano? Teka teka wala kaming ginagawa sayo ah." Inis na sumabat na ako. Naku talaga naman baka ako na ang makakasapak dito sa Shy nato.
"Anong wala?" nananahimik ako dito tas paparinigan niyo ako ng masasamang salita dyan." Kunwaring napapahikbi na ito. Nakita kong kinukusot kusot pa nito ang mata kaya naman nag kalt amg maskara nito. Nagmukha tuloy itong bruha.
"Aba naman hindi ka rin naman pala talaga feeling sinungaling ka pa." Sabi ni Hanna Joy alam kong galit na ito dahil sa higpit ng hawak nito sa kamay ko.
"Kita niyo Sir oh ang sama nila sa akin." At tuloyan na ngang umiyak ito. Ay talaga namang sarap sabunutan at sapakin ng gagang toh, naku! Kung wala lang dito si Sir nginud-ngod ko nato. Inis na sabi ko sa isip ko.
"Ok ok stop crying Shy." Alo naman dito ni Sir habang tina tap ito sa likod. "kayong dalawa" baling nito sa amin "dalawang beses kayong hindi muna makakasali sa mga event ng club natin."
Ano kami pa talaga ang paparusahan nito. Mag sasalita sana ulit ako pero naunahan na ako ni Hanna Joy.
"Ok lang sir mag qu-quit na lang po kami mukha namang kayang kaya na ng bagong singer niyo lahat." Nakangiting sabi ni Hanna Joy at hinila na ako palayo sa nakangangang adviser namin.
Kinabukasan naging usap usapan ang pag kakatanggal namin sa All Srar Club, qote ang pagkakatanggal hindi sinabi na kami mismong nag terminate sa sarili namin sa club na yon.
"Kung ako talaga ang nandoon kahapon pinadugo ko na ang nguso ng babaitang yon." Nang gigigil na sabi ni Carlota.
"Kung wala lang doon si Kaleb pinatikim ko na na yon nag pigil lang ako." Ani ko habang nakapangaumbaba sa mesang pinag tatambayan namin.
"Inawat mo kasi ako nakatag isa sana tayong dalawa." Sabi ni Hanna Joy na itinigil ang pag tipa ng gitara nito.
"Opps,Opss tama na muna yan. Ito pampalamig ng ulo niyo." Alok ni Jay na kararating lang kasama sina Chad, at Raff na may dalang soft drinks at bananacue.
"Buti naman at may tsibug tayo." Sabi ni Chris at kumuha ng isang stick ng bananacue.
"Kay Sabrina ba tong bananacue?" tanong ko. Si Sabrina Matalumpati yong klasmate ko sa Agri. taga Section 5 ang nagtitinda ng masarap na bananacue, unti lang kasi ang asukal at di gaanong hinog ang saging saba na ginagamit nito.
"Oo my loves ako ang bumili niyan for you." Hirit ni Raf sa akin sabay upo sa tabi ko. Ginulo ko naman ang buhok nito. Dati ko pang hilig gawin sa kanya yan noong hindi pa siya uma-amin sa pag sintang pururut niya sa akin.
"My loves, ginagawa mo na naman akong baby eh." Inis na reklamo nito sa akin.
"Mukhang baby ka naman talaga ah. Mukhang baby amoy matanda." Pang iinis ko dito.
"Maiinlove ka din sa akin pag dating ng panahon." Inilapit nito ang mukha niya sa akin sa pagkabigla ko napa atras ako kaya naman muntik na akong mahulog sa upuan kung hindi ako nahawakan sa balikat ni Jay.
Napatingin tuloy ako sa kanya. Ang lapit mukha niya sa akin. Sa lapit pati nunal sa gilid ng mata niya ay nakita ko.
Naramdaman ko ang hiningang nag galing sa ilong niya kaya naman napakurap kurap ako. At biglang umayos ng upo.
"Tama na yan ikain mo na lang muna yan Raff." Maya'y sabi ni Jay at tiningnan ako, bigla akong nagbaling ng tingin ko nakaramdam kasi ko nang pag kailang.