Pagmulat nang aking mga mata ay napadpad na ako sa nakaraan ni Fredo. Nakakadiring isipin na makikita ko na ang mga kasamaang pinaggagagawa niya. Or so I thought… Nasa loob na ako ng bahay nila. Bagong lugar ito sa paningin ko dahil hindi ito ang bahay na napuntahan namin ni Jaxton. Medyo malaki ang bahay na tinatapakan ko ngayon kahit na walang second floor. Pagdungaw ko naman sa bintana ay napansin kong nasa probinsya ako dahil sa ambiance ng paligid kung saan nagtitilaok ang mga manok, sagana ang paligid sa puno, ‘yong gate nila na gawa lang sa kahoy, at iba pa na mapapansin sa mga kabahayan kapag nasa probinsya ka. Pagbaling ko nang tingin ay napakunot na lang ang noo ko sa mga batang kalalabas lang sa mga kwarto nila. They were all five, and the oldest was... him. Namukhaan ko ag

