Rodella and Reynaldo have a big problem

1522 Words
KABANATA 12 RODELLA POV Wala siyang ideya, kung paano siya makahanap dito ng bakanteng kubo man lang. Wala naman talagang maninirahan dito sa liblib nakukublihang matataas ng mga punong Mangga. Hindi niya alam kung papano siya mabubuhay sa gitna ng gubat na ito. Siguradong mamatay siya sa gutom kung ganito ang kalagayan niya. Mag-iisang araw na rin, dahil sa mabilis na lumipas ang oras na wala siya sa kanilang tahanan. Siguro 'y masaya na ang Madrasta niya at kapatid ng wala siya. Masosolo rin nila ang kan'yang pamana sa ama niya, kung sakaling bawian ito ng buhay. Nag-aalala rin siya sa kalagayan ng kan'yang Ama. Masyado lang naman kasi siyang nagpadala sa bugso ng kan'yang damdamin kung kaya 't umalis siya ng hindi alam ng Ama niya. Pero pinipigil niya ang kan'yang sarili na isipin ang ama niya. "Kasalanan nila pala kung bakit namatay si Ina!" nakasimangot niyang kilay habang nakakamao ang isa niyang palad. Napaluha siya sa tuwing naaalala ang sinapit ng ina nang nabubuhay pa. Grabi pala ang naranasan na paghihinagpis ng magulang niyang babae sa kan'yang ama. "Mahirap patawarin ang taong nagkasala sa aking Ina. Ang Madrasta ko at si Ama, ang naging dahilan para mawala ng maaga si Ina!" Garalgal niyang tinig. Labis siyang nanlumo sa oras na malaman niya ang katotohanan. Kaya hanggang sa ngayon ay gusto man niya makita ang kan'yang Ama ay nauunahan pa rin siya ng galit. Na kahit sinong tao ang nasa sitwasyon niya ay makakaramdam rin ng ganito. "Hindi sana Misirable ang buhay ko. Hindi sana ako ganito!" Puno ang kan'yang tinig ng pagkamuhi sa kan'yang Ama at Madrasta. "Kung naging maayos lang rin ang itsura ko 'y nakapag-aral rin ako at natupad ko ang mga pangarap ko!" Naiínis niyang saad. Kahit na mag-isa siya ay patuloy siyang nagsasalita at nagsasabi ng kan'yang hinanaing. Naririto pa rin siya sa malaking buhay na bato at patuloy na umiiyak. Halos mabasa ng mga luha niya ang kan'yang braso na pinalilibutan ng balot na tela. Ito kasi ang parte na may pilay niya. Nayuko siya at napuno ng huni nang pag-iyak ang buong paligid. Heto siya ngayon at mag-isang nilalandas ang kan'yang nararamdaman. Nasa edad na rin siya sana para makatayo sa sarili niyang mga paa, pero nauunanahan siya ng takot at pangamba sa sarili niyang kakayahan. Wala siyang mukha na maiharap, lalong-lalo nasa mga Tao na halos apihin at abusuhin ang kan'yang katauhan. Ang kamang-mangan niya sa trabaho at sa antas ng edukasyon, kung bakit wala siyang panlaban. Wala siyang maibuga rin kung nais niyang maghanap ng trabaho. Ngayon ay katapusan na siguro ng buhay niya. Hindi niya na makikita pang muli ang kalupaang ito. Wala ng magandang paraiso siyang maaanigan. Nakakaramdam na siya ng pagkahilo, dahil sa haba ng kan'yang nilakad mula sa kanila, papunta dito. Napagod talaga siya ng husto. Hindi siya naging handa sa kan'yang paglisan sa mansyon. Naiwan niya ang mga damit niya, na kailangan niya sana para sa kan'yang pamalit. "Ano kaya ang sistema nila ngayon, ng wala ako?" Palaisipan niya at tanong sa kan'yang sarili. Naglatag na lang siya ng higaan na gawa sa dahon ng palapa. Naglatag siya upang mahiga. Malapit na rin na mag-agaw dilim. Buti na lang ay hindi pa umulan. Dahil sa kapag nag-iba ang panahon ay nakakatiyak siyang mababasa siya ng ulan. Nakatulog siya sa lugar ng gubat na ito. Natatakot rin siya pero, kailangan niyang labanan ang anuman takot. Hindi niya alam kung kakayanin pa niyang lumaban. "Hindi ko na ata kaya pa," bulong niya habang nakahiga. Nilalamig na rin siya kaya nangangatog ang buo niyang katawan. Parang lalagnatin na naman siya... "Mamatay na ba ako?" tanong niya sa kan'yang sarili. Nagdaan pa ang ilang oras at dinalaw na rin siya ng antok. Maaaring bukas ay gumaling na rin siya. Nilagnat siya kasi ngayon, ng dahil sa braso niyang namalmaan sa pagtalon niya kanina. Bumigat na rin ng tuluyan ang talukap ng kan'yang mga mata, na pahiwatig na inaatok na siya. REYNALDO POV Sa Edad niyang 27 ay wala pa rin siyang nagiging kasintahan. At sa loob ng mahabang panahon na pagiging single ay masaya naman siya. Hindi siya interasado sa mga kababaihan. Supladong gwapo siya, matangkad, may mala-abs na katawan at kung mangangahas na lapitan siya ng mga babae upang magtapat sa kan'ya ay paprangkahin niya talaga. May magagandang babae naman sa kanilang paaralan na pinapasukan niya ngayon, pero balewala lang sa kanya. Siya na talaga ang pinakasupdladong haeart trub ng kanilang paaralan. Habang nanonood siya ng K-drama sa kan'yang cellphone ay sumagi sa isipan niya ang babaeng nakilala niya lang. "Ano kaya ang pangalan niya Rodelyn ba?" tanong niya sa kan'yang isip. " Mali ata?" dugtong pa niya. " Di bale baka may tadhana pa naman kami para magkita?'" Naiiling niyang sabi kanyang sarili. Gusto niyang makipagkaibigan sa babae ngunit parang wala ata sa kondisyon ng pag-iisip ang taong 'yon. Siya pa talaga ang sinungitan ng babaeng minalasakitan niya kahapon. Wala talaga silang lupa dito sa Angono, balak palang ng Mommy niya na bumili dito ng lupa sa probinsya. Masarap kasi talaga ang sariwang hangin dito, sa lungsod ng Maynila ay napakainit. Doon dati siya nag-aral, lumipat lang siya dito. Hindi niya kasi kayang makipagsapalaran doon talaga. Mamatay ata siya ng maaga sa sobrang init. Mahina kasi ang puso niya sa ganitong sistema ng panahon. Ayos lang naman na mainit pero, para sa kan'ya ay mas mabuti ang mahangin na kahit mainit ang panahon. At dito lang 'yan na makakamtan sa probinsya. Kaya nilakad niya ang mga dokumento niya upang dito siya makapagpatuloy ng pag-aaral sa Lugar ng Rizal. Hindi lang siya na binatang may angkin talino at kakayahan sa pag-gawa ng mga Tula at mag-guhit ng mga katawan at composer na liriko ng isang kanta. Magaling rin siya sa larangan ng sports swimming. Naipamalas niya ang kakayahan ito nang nasa edad na sampu pa lang siya, kaya sa panahon na 'yon ay nadiskubre niya sa kan'yang sarili ang ganitong klase ng talento. Hanggang sa manalo siya at mag-uwi ng bronze medal at nagkamit siya ng mga sertipikong kaakibat ng kanyang abilidad at kahusayan sa larong ito. Habang nanonood ay nakasandig ang ulo niya sa mini sofa, na naririto sa kan'yang nirentahang appartment. May malawak naman na kwarto ito, at kasya dito talaga ang limang tao. Tinawag niya itong mansyon para sa kan'ya. May matawa man sa kan'yang katawagan ay wala silang magagawa. May ugali siyang ayaw niya. Ang Pinakaayaw niya ay ang maingay sa silid. Mabilis kasing uminit ang ulo niya. Gustong-gusto niyang mag-isa, siya lamang. Lumipas ang oras ay nakaramdam na siya ng antok dahil sa halata na rin sa kan'yang paghikab. Pasadong alas-unse na ng gabi, pero mahirap para sa kan'ya ang dalawin ng antok at ang kinaugaliaan niya lang ay ang manood muna bago siya matulog. Kung tutuusin ay napakaswerte niya sa buhay dahil sa iisa lang naman siyang anak ng kanyang mga magulang. Nasa abroad lang ang mga ito, kaya parang malungkot rin ang buhay niya. Kaso sa loob ng limang taon na pamamalagi niya dito sa Angono, ang mag-isa sa buhay ay natutunan niya na. Sabagay nasa edad na rin naman siya upang magdesisyon ng mag-sariling sikap sa buhay. Hindi alam ng mga parents niya ay nag-pa-part time siya dito sa isang sikat na restaurant. Kahit na sagana siya sa pera na ipinapadala sa kan'ya ay hindi niya 'yon na ginagastos. Sa halip ay nakatabi lamang ito. Kung kailangan na kailangan lang niya ito gagastusin. Sa madaling salita ay masinop siya sa paghawak ng pera. Literal ang gumastos pero iba siya, gagastusin niya ang pera sa mabuting pamamaraan. Palihim siyang tumutulong sa organization ng programa para sa mga Batang may malnutrition na pangangatawan. Itinutulong niya ito at libre ang donasyon niya para sa mga bata. Kaya ang laki ng paghanga sa kan'ya ng mga guro mula sa elementarya. May kaisipan kasi siya na mas masarap ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap, at totoo ito. Kaya dito sa Angono ay hindi boring ang buhay niya. Kung baga 'y abala siya sa mga organisasyon na makakatulong sa mga kabataan. Isa talaga siyang binata na may magandang halimbawa sa mga bata. Bago pala siyang matutulog ay may tumawag sa cellphone niya. Narinig niyang tumunog ito, kung kaya 't sinagot niya ang nasa kabilang linya. Narinig niya ang boses ng kanyang Mommy na natataranta "Mom, calm down po!" "Son__ your Dad is getting die!" natatakot na tinig ng kan'yang Mommy. "Ano Mo__m?! What Happened?" natatakot niyang tanong. Sa narinig niyang problema ng kan'yang Mommy ay nawala ang lahat ng sigla sa kan'yang mata. "Your Dad... Huhuhuhu! Huhuhuhu! Inatake siya ngayon lang," saad nito na halos maiyak-iyak na... Napaup siya sa kan'yang kama. Naluha siya sa sinapit ng kan'yang Daddy. Hindi siya makakaalis na ngayon, bukas na... Gabing-gabi na kasi. "Momm! Mom!" "Son!" Naputol na ang kanilang pag-uusap dahil sa nawalan ng signal sa kanilang kominikayon. Patuloy siyang naupo at napayuko sa labis niyang pagdurusa. Labis ang kan'yang panghihinayang dahil sa nawala ng maaga ang Daddy niya. Marami pa naman siyang pangarap kasama ang kan'yang pamilya, pero wala na. Wala na ang kan'yang pinakamamahal na haligi ng tahanan. "Dad! Why?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD