KABANATA 11
RODELLA POV
Namumugto pa rin ang kan'yang mga mata sa kaiiyak ng dahil sa nalaman niya kagabi na katotohanan. Akala niya 'y totoo ang pinamulat sa kanya na dahilan kung bakit namatay ang kan'yang ina? Napagtanto niya na hindi pala sa panganganak sa kan'ya namatay ang pinakakamahal niyang ina. Kundi dahil sa panloloko ng kan'yang ama nang nabubuhay pa ang ina niya. Kaya ang katotohanan na ito ang nagpahina ng kan'yang kalooban.
" Nangaliwa ka pala! Ama! Ang sama-sama nyong Ama. Wala kayong puso! Pinatay n'yo si Ina... At kung hindi dahil kay Madam, Soledad hindi ko malalaman... ang lahat! Huhuhuhuhu!" Abungal niyang iyak sa loob ng kan'yang maliit na silid. Binuhos niya ang kan'yang hinanakit sa galit sa kan'yang ama. Ayaw niya itong makita. Ganoon rin ang kan'yang Madrasta at mga kapatid.
Sumapit na rin ang umaga sa kan'yang silid at hanggang ngayon ay wala pa siyang tulog. Hindi siya nakatulog sa nalaman niyang katotohanan.
"Rodellang impakta!" sigaw ng kan'yang mga kapatid, habang padabog na nilalapat ang mga kamay nila sa pinto. Wala pa kasi siyang naluto na pagkain, kagabi pa. Kaya halos magmaktol sa galit ang mga 'yon sa kan'ya. Para sa kan'ya ay wala s'yang pakeelam sana kung walang niluto siyang pagkain. "Dapat sila naman ang maghanda ng kanilang mga pagkain!" naiínis niyang sabi sa kan'yang sarili. Mahina lang ito pero puno ito ng hinanakit. Wala siyang gana sa lahat ng bagay. "Ayoko silang makita sa ngayon," bulong niya pa.
"Impakta ayaw mong buksan itong pinto. Nagugutom na kami. Kapag nalaman ito ni Mommy... Mananagot ka sa kan'ya!" sigaw ni Shiela.
"Rodella! Buksan mo 'to! Kapag hindi mo ito binuksan... Makakatikim ka sa 'kin, kapag nabuksan ko 'to?!" Pambabanta naman ni Shaina. Ang pinakamaldita kay Shiela.
Nagtataasan na ang mga tinig ng mga ito sa galit sa kan'ya. Halos masira na ata ang pinto sa kadadabog ng mga kamay nila sa kan'yang silid. Nagsisigaw na sila sa galit. "Naku Rodella, mapapatay na kita talaga?!" saad pa na pambabanta ni Shaina.
Kahit anong pambabanta nito sa kan'ya ay hindi niya sinunod ang kagustuhan ng mga kapatid. Nanindigan siya sa kung anó ang nasa kan'yang damdamin. At sa tigas ng puso niya ngayon ng dahil sa hinanakit ay wala siyang iniisip kundi ang makaalis muna dito sa mansyon. Gusto niya munang magpalipas ng sama ng loob. Na kahit sana saan siya dalhin ngayon ng kan'yang tadhana ay haharapin niya ng bukal sa kan'yang loob.
Nag-isip siya ng paraan, upang makatakas sa impyernong mansyon na ito. Hindi niya na alam ang naiisip niya ngayon, ang importante ay makatakas siya dito sa kan'yang Madrasta na mapanakit. Gayunpaman ay gusto niyang umalis na upang iwasan ang kan'yang Ama, hindi niya kaya pang harapin ito. Baka kapag na makausap niya ang ama, niya ay siguradong makakapagbitiw siya ng masasakit na salita dito. Kaya ang mga bagay na 'yon ang iniiwasan niya.
"Kailangan kong magpalubag loob muna... Nakakaramdam na ako ng labis na pag-iisip. Gusto ko lang muna magpagaan ng loob. Alam ko na wala akong Kaibigan dito sa Angono. Ano ang gagawin ko?!" malungkot niyang hinanaing habang nakatingala ang kan'yang ulo at nag-iisip siya kung papaano makakalabas dito sa kan'yang silid.
Tumingin siya sa bahagi ng kan'yang likuran. Nakita niya ang bintana na nagpapahiwatig na kailangan niyang tumalon dito. "Natatakot ako! Pero gagawin ko na," bulong niyang may halo na pangamba. Pangamba na nagsisimulang manalaytay sa kan'yang puso. "Kakayanin ko kayang tumalon. Baka mamatay ako sa gagawin ko?!" nag-aalinlangan niyang saloobin.
Gayunpaman ay napalitan ng lakas ng loob ang kan'yang takot. Naulinigan niya ng bomoses na mula sa labas ng silid niya. Dito na siya nagsimulang mangatog. Nanghihina na naman ang kan'yang mga tuhod sa sobrang takot. "Si Madam, Soledad!" Bakas ang kan'yang pag-aalala na baka siya 'y maabutan dito. Masasaktan na naman siya nito. Mukhang nagsumbong na naman ang mga kapatid niya. Kahit natutulog siguro ay ginising talaga nila para pagalitan siya. Nakatitiyak siya na bubogbugin siya nito sa pamalo. Kahit nasa edad na siya ay hindi talaga siya kakaawaan ng Madrasta niya. Sa halip ay mas lalo pa siyang sasaktan. Kaya malakas talaga ang loob nilang saktan siya dahil sa hindi alam ng kan'yang ama ang ginagawa sa kan'ya.
Pero siguradong umalis na ang kan'yang Ama. Umalis ng may masamang kalooban rin katulad niya. May hindi sila pagkakaunawaan na mag-ama. Kung kaya 't siguradong manlalamig ang kanilang ugnayan nilang mag-ama. Dahil sa patuloy na pagtatampo n'ya ay s'ya na ang magpapakalayo-layo, para maghanap ng sariling matutuluyan. Ninais niyang mag-isa muna para talaga maibsan ang lahat ng problema na kan'yang kinahahara p sa ngayon.
"Rodella! Rodella! Impakta buksan mo 'tong pinto?!" Sigaw ni Ginang Soledad. Galit na galit na rin ito. Nakakatiyak siya na kapag binuksan niya ang pinto ay malilintikan siya.
Narinig niya na pinapakuha na kay Shaina ang susi ng kwarto niya. Naglakad s'ya malapit sa may bintana at nag-iisip siyang tumalon na para makatakas siya. Nakakaranas siya ng trauma sa pamalo. Siya lang naman ang nakakatikim ng ganitong sistema ng pangugulpi. Ang kan'yang mga kapatid ay lumaking hindi napapalo kaya matitigas ang mga ulo talaga. Hanggang sa nagsilakihan ito at maging ganap na mga dalaga.
Kumapit siya sa magkabilang gilid ng bintana upang iayos ang kan'yang sarili mula sa pwesto niya. Nakatindig siya upang balakin na tumalom at automatikong tatalon na lang s'ya. Mabilis siyang lumundag at sa kan'yang paglundag mula sa itaas ng 2nd floor niyang kwarto ay namalmaan ang kaliwa niyang braso, tumama kasi ang braso niya sa isang nakasandal na kahoy at hindi niya ito nakita. Patuloy siyang naglakad at mabilis na umalis sa kanilang mansyon. Naglusot pa siya sa isang lagusan ng imburnal. Buti na lang ay natuyo na 'yon. Dahil sa mataas na init ng araw palagi. Kaya dito siya napadaan palabas sa kanila. Kapag sa gate siya dumaan ay mayroon na private body guard kasi sila, kaya mahirap kung doon siya magpupunta. Nagpatuloy siya hanggang sa makalabas sa loob ng kanilang mansyon.
Samantalang kina Soledad, Shaina at Shiela ay napuno sila ng labis na pagkapoot kay Rodella.
"Walang Hiya na Impakta na 'yon! Natakasan tayo?!" Inis na bulyaw ni Ginang Soledad, sabay pinagtatapon nito ang lahat ng mga natitirang gamit sa kasuotan ni Rodella.
"Mommy! Paano nangyari 'yon?!" takang tanong ni Shiela.
"Impakta talaga! Hindi bale babalik at babalik rin si Rodellang Unggoy dito!" Nakangising bigkas naman ni Shaina.
Halos magwala na si Soledad sa sobrang galit kay Rodella. Inawat ng Dalawang maldita ang kanilang mommy upang tumigil na. Nakakasiguro naman ang magkapatid na babalik si Rodella rin sa kanila.
"Mom! Relax? Calm down please?!"
"Paano ako kakalma huh?!" Galit nitong tanong sa anak.
"Sa tingin mo Mom? Tatagal siya sa gugustuhin niyang buhay? Hahahah... Mas lalo siyang pagpipiyestahan ng mga tao noh? Hahah." Halakhak ni Shaina.
"You're right__!" sumang-ayon na rin si Soledad. Mukhang maniwala sa sinabi ng kanyang malditang Anak. Tumigil na ito sa pagwawala, pero nakasimangot pa rin ito.
"Diba Mom? Kaya tara na? Magluto ka na Mom... Nagugutom na talaga ako Mom!" Nakasimangot na hiling ni Shiela. Hinila nila palabas ng silid ni Rodella ang kanilang Mommy na kasing pareho nila ng mga ugali.
_____________________________
Old Woman meets Rodella
Nagising siya sa isang maliit na kubo at nanginginig ang mga braso niya at buong katawan. Mataas ang kan'yang temperatura pa rin. Nagtaka lang siya kung kaninong bahay ang napuntahan niya. Nakita niya sa kanyang paligid ang mga kagamitan sa pang-albularyo. Natakot siya sa mga nakita niya, pero patuloy niyang inilibot ang paningin niya sa lugar ng bahay na ito. Tahimik lang ang kubong ito at malayo sa kabihasnan ng kabahayan ng mga tao. Tanghali na rin siyang nagising ang alam niya ay natumba siya sa kanyang paglalakad. Sa subrang kirot ng kanyang braso ay nawalan siya ng malay kanina. At ngayon ay naririto na siya sa kubo.
"Na-saan ang mga Tao dito? Tao Po! May tao po ba dito?" Hinahanap niya ang nakatirang tao dito, pero walang sumasagot.
Hanggang ngayon ay wala pa rin na pagbabago ang kanyang braso. May naglagay sa kan'ya ng puting tela at mukhang sa tingin niya ay kagagaling lang ito sa pag-gagamot.
"Sino kaya ang nagtapal sa 'kin nito?" bulong niya at tanong sa kan'yang sarili.
Napatingala na lang siya nang makita ang isang matanda na may dala-dalang isang timba ng tubig. Nagulat siya sa isang matandang nakapiring ang isa mata. Mukhang bulag ang kanan bahagi ng mata nito. Kaya sa makita niyang itsura ng matanda ay kaagad siyang nagtanong.
"Sino po kayo? Bakit naririto ako sa ínyong kubo?"
"Ahh... Mabuti at nagising ka na Hija?" pag-iiba ng matanda.
"Sino po kayo? tanong ko?" Biglang layo niya sa matanda.
"Ahh Hija. H'wag kang matakot sa 'kin. Kung naiisip mo na masama akong tao ay hindi ako ganoon na tao. Ako pa nga ang tumulong sa 'yo. Nais ko lang na gamutin ka dahil sa naawa ako sa 'yo... Nakahandusay ka ng matagpuan kitang walang malay sa gitna ng gubat. Ako si Aling Lagring, matagal na akong naninirahan dito sa bundok, kasama ko ang aking asawa at dalawang anak. Wala sila dito nasa kaingin sila ngayon," mahabang paliwanag niya.
"Ahh okay po," tugon niya. Lumapit na siya nang bahagya upang makausap ang matanda na abala naman na ipagtimpla siya ng kape at bigyan ng tinapay.
"Hija. Maupo ka na dito. Kumain ka muna. Sa itsura mo 'y namumutla ka?" Pang-aalok sa kan'ya ng matanda.
"Sige Po," Naupo siya at naging mailap pa rin na ipakita sa matanda ang kan'yang mukha.
"H'wag kang mag-alala nakita ko na ang mukha mo kanina. Hindi naman ako natatakot sa 'yo. Mukhang mabuti kang tao. Sadyang pinagkaitan ka lang ng itsura Hija." Puno ng ngiti habang nagsasalita si aling Lagring.
Gumaan na rin ang pakiramdam niya ng siya 'y makakain ng tinapay at makainom naman ng mainit na kape.
"Salamat Aling Lagring." Malumanay niyang pagbigkas at pagbubukas ng kan'yang bungaga.
"Walang anuman Hija. Teka pala... Nais kong makita ang iyong palad. Pakisuyo na ilahad mo ang palad mo sa 'kin?" Hiniling ng matanda sa kan'ya na iabot niya ang isa niyang palad.
Dahan-dahan niyang inilagay ang palad niya sa lamesa at agad naman na hinawakan siya sa kamay ng matanda.
"Hija...! May hiwagang naghihintay sa 'yong kapalaran. May isang bagay sa 'yo na darating. At kailangan mong ingatan ito. Hindi lang 'yan may kaakibat na mabuting dulot na magpapabago sa iyong buhay... Maniwala ka lang sa isang engkanto na magbibigay sa 'yo ng magandang kapalaran. Ayon ito sa guhit sa 'yong palad. May isa rin binata ang iibig sa 'yo dahil sa taglay mong angkin na kagandahan!" Halos mamilog ang mga mata nito habang sinusuri nito ang palad niya.
"Ho?! Hindi ako naniniwala sa gànyan po!" sabay tinanggal ang palad niya sa matanda.
" Pasen'ya na po. Kailangan ko na pong umalis... Sige na po Aling Lagring... Salamat po pala sa pagkain," natatakot niyang tinig.
Naiiling naman ang matanda sa pagtalikod niya.
Natakot kasi si Rodella sa engkanto na binanggit ng matanda sa kan'ya. Mabilis siyang umalis at nagpatuloy sa kan'yang paglalakad. Nais niyang makahanap ng matutuluyan, kahit pansamantala lang. Pero sino naman kaya ang magpapatuloy sa kan'ya sa ganito niyang itsura? Hindi niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng kan'yang kapalaran. "Bahala na?" bulong niya. Naupo siya sa isang batong malaki upang magpahinga. Gusto niya talaga ng matahimik na kapaligiran. Dinama niya ang katahimikan ng makubling kabundukan dito sa kanilang lugar. Ngayon lang siya nakalabas kaya lulubusin niya na. "Kailangan ko rin bumalik kay Ama, kapag maayos na ang aking pakiramdam.," bulong niya.