KABANATA 3
Pinuntahan ni Ginang Soledad si Rodella, dahil sa kumukulo na naman ang dugo nito sa kan'ya. Gusto siyang saktan muli nito. Kumatok iyon mula sa kan'yang kwarto at sa takot niya 'y agad niyang binuksan ang pinto Pagbungad palang ng mukha ng kan'yang Madrasta ay sumalubong sa kan'ya ang nakanot na mga kilay nito at halatang galit na galit 'yon sa kan'ya. Nagsimulang mangatog siya, halos mag-untugan ang kan'yang tuhod sa pangangatal. Alam niya sa kan'yang sarili na ang dahilan pagpunta nito. Dahilan sa nangyari kanina. Siguradong mag-uusisa ito sa kan'ya.
"Hoy. Impakta ka talaga! May sinumbong ka ba sa Ama mong imbestigador?! Naiínis na ako sa in'yong dalawa. Kung hindi lang ako nagpadala sa damdamin ko sa Ama mong siraulo ay wala sana kami dito ng mga anak ko!" Pangungutya ni Ginang Soledad sa kanilang mag-ama. Taas noo at boses nitong minaliit ang pagkatao ng kanyang Ama.
Hindi na napigilan ni Rodella, ang sarili na mangatwiran sa kan'yang Madrasta. Nagpantig kasi ang tainga niya sa kanyang mga narinig. Ganoon rin naman, masasaktan rin naman siya, kaya pagkakataon niya na humingi ng tulong sa kanyang ama. Pero natatakot pa rin siya. Nasa ibaba pa ang Ama niya at sa lawak at laki ng kanilang tahanan ay bago pa siya makarating sa ibaba ay marami na siyang pasa.
"Kasalanan n'yo naman talaga! Kung bakit ba naman kayo nagpakabit pa kay Ama. Masyado kasi kayong maluho at pinakikinabangan n'yo lang naman kay Ama ay 'yong pera at ang pamana na maiiwan sa akin!" Habol niyang katwiran. Todo talaga siyang sumagot sa Madrasta niya, para mas lalo pa 'yon na magalit sa kan'ya. Ang mahalaga ay nasabi niya 'yong gusto niyang sabihin. Mabigat kasi sa dibdib niya kung palagi niya itong kinikimkim.
"Ahh, gan'on pala? Palaban ka na ngayon, Impakta kaah! Porket ba nandyan ang Ama mong matanda na ay malakas na ang loob mong sumagot ah!" Dinuro-duro siya ng Madrasta niya. Halos sundut-sundutin s'ya sa tagiliran ng utak niya. Halos na kumalog sa pabalik-balik na pagsundot malapit sa gilid ng kan'yang utak.
"Madam tama na ho! Masakit na ho!" habang pinipilit na takpan ang palad niya ang ulo niya. Iniiwas niya upang hindi maapektuhan ang kabuuang bahagi ng kan'yang ulo.
"Bobo! Kahit magmakaawa ka sa 'kin, hindi kita pagbibigyan kang impaktang Unggoy ka. Hindi kita titigilan!"
Akmang na hinalbot ang buhok niya upang mas mapadapa at masubsob ang kan'yang mukha sa sahig. Nauntog na naman ang ulo niya doon sa semento. Dahil sa lakas ng paghatak ni Ginang Soledad sa kanyang kulot at mahabang buhok.
Kahit anong sigaw niya sa pag-iyak ay hindi talaga siya maririnig. Dahil sa naisipan ng Madrasta niya na lagyan ng damit ang kan'yang bunganga. Saktong wala siyang ngipin at sa magkabilang gilid lang ng kan'yang gilagid ay may tig-isang pangil ang natira. Kaya naman ay todo suksok ng Madrasta niya sa damit na kinuha nito.
Sa mga oras na ito habang ginagawa sa kan'ya ang mga bagay na 'yon ay wala siyang inisip kundi, kung paano makakaalis sa ganitong labis na pang-aabuso sa kan'ya ng kanyang Madrasta.
"Ano?! Sige umabungal ka at ganito na lang palagi ang gagawin ko sa 'yo?! Hindi ka magtino palagi, ay araw-araw mo 'tong mararanasan. Hay! Nakakatuwa talagang ilampaso ang mukha mo sa sahig!" Nanggigil na tinig ni Ginang Soledad.
"Bagay ang mukha mong pangit sa semento!"
Tinawanan pa siya ng mga kapatid niya sa ama na sila Shaina at Shiela nang makita siyang nakakaawa at nakakatawang nilalang.
"Hahah, may Unggoy na nilampaso hahahh!" Halos napakalaking ngiti sa labi ang pinukol sa kan'yang harapan.
"Oo nga. Mukhang pulubi hahhaa. Naku ! Kawawa naman tong Unggoy na 'to!" sabay na hinila ang kan'yang buhok. Malala ang panunukso nito sa kan'ya. Kaugaling-kaugali ni Ginang Soledad ang mga anak nito. Wala man lang na nagmana sa ugali ng kanyang Ama. Na kahit kadugo niya sa ama ay wala man lang nakakuha sa kabaitan taglay ng kan'yang Ama.
"Tama na Shaina. Ang sakit naah! Parang awa mo na. Tama na?!" Pakiusap niya. Hindi niya alam kung pakikingggan siya, pero sinubukan niya pa rin na makiusap sa kanila na tigilan na siya. Pagkatapos ni Ginang Soledad ay mga kapatid niya naman. Nakakasawa na rin ang ganitong trabaho ng kan'yang pamilya.
"Opps! Hiniling ni Unggoy na tumigil na ako hahahha. Paano kung ayaw ko. May magagawa ka ba? Rodellang Unggoy?!" Patuloy na panlalait sa kan'ya ni Shaina. Tawa iyon ng tawa. Halos umeko na nga sa buong paligid ng kan'yang silid.
Samantalang naisipan ni Don, Lorenzo na puntahan ang kan'yang anak sa kwarto nito. Palaisipan kasi ang sinabi sa kan'ya ni Rodella kanina. Dumating lang kasi ang si Soledad kaya naputol ang sasabihin ni Rodella. Parang hindi kasi siya mapakali sa gustong ipahiwatig sa kan'ya ng panganay niyang anak. Batid niyang may masamang saloobin iyon na gustong iparating sa kan'ya. Malaki ang kan'yang pagkukulang sa anak niya . Matapos ang sinapit ng kan'yang asawa habang ipinapanganak noon si Rodella ay napabayaan niya na 'to. Namatay ang Dating asawa niya sa sakit sa puso. Mahina ang puso ng kanyang unang minahal na babaeng si Ysabelle, sayang nga lang at hindi na nito naabutan pa ang kanilang anak na si Rodella, habang umeedad at nagdadalaga.
Patuloy siya sa paglalakad patungong silid ni Rodella. Baka gising pa naman iyon at kailangan niyang makausap ito. " Anak pasensya ka na sa 'kin. Marami akong bagay na hindi naibigay sa 'yo bilang Ama mo," isip niya. Ito ang kan'yang sasabihin kapag nakapasok siya sa kwarto ng kan'yang anak.
Saktong bungad ni Lorenzo nang makita niya ang kabit niyang si Soledad at mga anak niya. Naroroon sina Shaina at Shiela. Labis siyang nagtaka kung bakit naroroon 'yon sa silid ni Rodella.
"Bakit, sa ganitong oras ay naririto pa kayong tatlo? Anong ginagawa n'yo dito huh?!"
Napakunot noong tanong niya dito. Naguguluhan siya lalo sa inasta ni Soledad.
"Huh, eh. Ah eh... Syempre inaalam ko lang si Rodella kung maayos ba s'ya ? Ibig ko bang sabihin kasi...baka may lagnat siya, ganun. Ito kasing anak mo eh, mahilig maglihim sa akin. Hindi kasi malapit ang loob niya sa 'kin. Kaya ako na ang kusang loob na pumunta rito. Diba mga Anak?" Kabadong paliwanag nito kay Lorenzo..
"Ahh oo Ma!" Alanganin tugon ng dalawa.
Nahahalata ni Lorenzo na parang may inililihim si Soledad, sa kan'ya. Pero agad lang niya na ikinakalma ang sarili upang hindi na humaba ang usapin na ito. Gusto niya lang ay ang makapanayam ang kan'yang dalaga.
Napadako ng tingin siya kay Rodella, dahil parang nahalata niya na galing sa pag-iyak ang kan'yang anak.
"Wait Honey. Matulog na tayo? Pahinga ka na at may trabaho ka pa diba?" Pag-iiba ni Soledad sa kan'ya. Parang ayaw siyang palipitin sa anak niyang si Rodella.
"Ano ba Soledad?! Bakit ka ba natatakot ka na lumapit ako sa anak ko, huh?!" Nagtaas tono na tanong niya kay Soledad.
Garalgal ang tinig na tinugon ang tanong niya.
"Wala naman Honey!" Natatakot nitong tinig.
Palapit na sana si Lorenzo, nang pigilan siya ni Rodella. Dahil sumigaw ito.
"Ama! Matutulog na 'ko?!" Hiling ni Rodella.
Napahinto si Lorenzo sa paglapit sa kan'yang anak.
"Oh, diba Honey? Matulog na tayo. Bakit ba kasi nanghihinala ka sa 'kin. Ewan ko ba sa 'yo Honey? Tara na kasi?" Sabay hila ni Soledad kay Lorenzo.
Napatakip ng kumot si Rodella upang magkunwaring matutulog. Hindi kasi lalabas ang kan'yang Ama kung hindi siya mahihiga. kaya nag-isip na siya ng paraan para hindi siya malapitan ng Ama niya. Kailangan niyang magpanggap na maayos na tila ba na walang nangyari.
"Okay. Good night na Anak ko. Matulog ka na Rodella. Pasen'ya ka na sa 'kin kung wala na akong oras sa 'yo?" Malayo na si Lorenzo mula sa higaan ng kan'yang anak. Patalikod na silang dalawa ni Soledad habang nakasulyap kay Rodella. Kanina pa kasi siya inaaya ni Soledad na magpunta na sa kanilang silid. Nakukulitan na siya dito. Tahimik siyang naglakad at pinabitaw niya sa pagkakayapos sa kan'ya si Soledad.
"Parang Ahas ka naman kung makayapos!" pagsita ni Lorenzo.
"Shaina at Shiela. Halika na?!" Nayayamot na pagyaya ni Soledad.
Pinatay na ni Lorenzo, ang ilaw upang hindi masyadong maliwanag ang kwarto ni Rodella. Mahal na Mahal niya ang kan'yang anak. Kaso sa sobrang pagkaabala niya sa trabaho ay nawawalan na talaga siya ng oras sa anak. Lumabas na sila sa kwarto, kasama ang kanyang kabit at mga anak rin.
Lumipas ang oras ay balisa pa rin si Rodella, dahil sa hindi n'ya mapigilan ang sarili niya na maiyak. Dahil sa araw-araw na pang-aabuso sa kan'ya ng pamilya niya sa ama. Masasakit na latay ang natatamo niya. "Ayoko ng Mabuhay pa!" usal niya dahil sa napapagod na siyang mabuhay pa. Nakaupo siya habang umiiyak. Nabasa ng mga luha niya ang kan'yang unan at kumot. Palihim siyang naiiyak at tanging siya lang ang makakarinig ng kan'yang pagsinghot.