KABANATA 4
Sa tuwing lumilipas ang panahon ay mas tumintindi ang pangmamaltrato sa kan'ya ng kanyang Madrasta at mga kapatid. Paulit-ulit na lang na inaapakan ang pagkatao niya. Hindi na nga siya lumalaban pa, kahit sa salita. At sa araw-araw na iyon ay nagnanais na niyang mawala sa mundo. Pero sa tuwing iniisip niya ang kan'yang Ama, na kung mawawala siya ng maaga ay baka maging kawawa sa kanila ang Ama niya.
Nakakasiguro siya na kapag wala ng silbi ito, siguradong aapak-apakan na lang ang pagkatao nito ng kan'yang Ama, gaya ng ginagawa sa kan'ya ngayon. Patuloy siyang inaabuso at lalong tumitindi ang galit niya sa mga 'yon. Pero naniniwala siya na ang D'yos na lang ang bahala sa ganitong mga tao. Hindi man sa ngayon ang kanilang karma ay pagdating sa oras ng sila 'y hahatulan. Pero kung mauna man sa kanya na humingi ng tawad ay handa naman siyang magpatawad, sa kabila ng mga ginawa nito sa kan'ya.
Wala na naman ang kan'yang Ama, kasi nasa trabaho na naman muli 'yon. Wala rin ang mga demonyo sa tahanan na ito. Tanging nag-iisa lang siya sa malaki at malungkot ng kanilang bahay. Nakaupong tinatanaw ang kabilang dako ng lugar na puno ng mga bulubundukin na mga bundok at matataas na puno. Parte kasi sila ng Rizal, Rehiyon 4A- Calabarzon, sa Angono. Dinadama niya ang katahimikan ng wala sa kan'yang pumipiit.
Sa kabila ng hangin na dumarampi sa kan'yang pangit na mukha ay hindi niya mapigilan ang sumagi sa isip niya ang mapapait niyang karanasan ngayon na Adulto siya...ang karanasan mula sa Madrasta at mga kapatid niyang walang puso ay nakakainis talaga.
Nasa Dalawamput- apat na siya ngayon. At bilang isang Adulto ay hindi niya naranasan at naramdaman ang panahon ng siya 'y bata pa lang. Wala siyang naging karanasan man lang na kung paano na maging masaya sa papel ng kanyang pamilya. Ang inaasam-asam niyang masayang pamilya ay hindi kailanman niya naramdaman. At tanging pagdurusa lang ang nakakamit niya palagi.
Hindi rin siya nakapag-aral, hindi niya naranasan ang makatungtong sa elementarya at High school. Wala siyang karanasan na makapag-aral. Makahalubilo ang kan'yang mga kaklase at guro ay hindi rin. Hindi niya nasubukan ang magsulat ng Dikit-dikit na sulatin. Ang magbasa ng A,E,I, O,U ay wala siyang nalalaman. Ang magbasa ng alphabetical na letra ay hindi niya rin alam.
Sa madaling salita ay hindi siya nakaramdam ng kung papaano makilahok sa Gawain talakayan. Ang makapaglaro kasama ang kapwa niya bata noon ay hindi niya naranasan. Sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang ganitong sitwasyon ay hindi niya mapigilan ang sarili na humikbi sa kaiiyak.
Naaawa siya sa kanyang sarili. Dahil sa bukod na mangmang siya ay hindi pa man lang siya na nagkakaroon ng Kaibigan. Hindi niya alam kung paano makipagkaibigan sa ngayon. Nahihiya siyang lumapit sa mga tao. Dahil sa kinakatakutan siya at nilalayuan. Wala rin na nangahas na manligaw. Dahil nga sa pangit siya ay kinaaayawan siya. Sinumpa ata ang mukha niya, dahil sa paligid ng pisngi niya may balahibo na itim. Dalawang ngipin sa magkabilang gilagid, bale apat lahat. Para siyang nawalan ng ngipin o gaya ng bagong Bata na lalaki pa lamang. Maiitim ang kan'yang mga balat. Matangkad na payat may 5'2 ang tangkad niya. Bilugan ang mga mata at sarat ang ilong. Kaya itong mga katangian niya ang patuloy na bumabagabag sa kan'ya.
"Anak ng Unggoy! Impakta!" Bukang-bibig ng mga taong nakakakita sa kan'ya. Kapag inuutusan siyang bumili ng pagkain ng kanyang Madrasta ay ganitong salita ang naririnig niya. Sa tuwing naririnig niya 'yon sa mga tao ay labis na dinudurong ang puso niya.
Utusan lang ang trato sa kan'ya ng pamilya niya sa ama at kagaya nga ng sinasabi nila patungkol sa kan'ya na mga 'yon ay naiisip niya nga na baka "Anak nga talaga ako ng Unggoy?" Namuong kaisipan niya.
Gusto niyang tanungin minsan ang kan'yang Ama, na kung bakit ganito ang kan'yang itsura? Kung bakit sinasabi ng karamihan na Anak ng Unggoy raw siya at impakta. Eh, batid niyang anak siya ng tunay na tao at hindi ng isang Hayop. Kaya nagtataka siya sa mga paratang ng mga tao patungkol sa pagkatao niya at gampanin niya bilang tao dito sa mundong ibabaw.
Minsan rin na gumagawa siya ng Larawan. Mahilig siyang gumuhit ng mga mukha ng mga "FAIRY", dahil sa natutuwa siya sa mga kwento ng mga prinsesa. Dahil sa lóob ng masalimuot na buhay ng mga 'yon sa kanilang mga kalaban ay nagawa nitong makatakas mula sa kadena o sa masasama na taong nakapaligid sa kanila. Dito siya kumukuha ng inspirasyon sa tuwing pakiramdam niyang malapit na siyang bumigay.
Naalala niya noong nanonood siya ng mga Cartoons at Animation. Buhay na buhay ang sarili niya na kapag ang pinapanood niya ay mga Disnep Princess. Tulad ni; Cinderella, Snow White, Aurora, Jasmine, Belle, Pocahontas, Alice at Rapunzel. Doon niya napapanood ang mahika na naging simbolo ng pag-angat ng bawat prinsesa.
At sa lahat ng mga nabanggit na prinsesa ay ang pinakapaborito niya na storya ay ang kay 'CINDERELLA' dahil sa mahika ay nakadalo si Cinderella sa pagtitipon. Gusto kasi ni Cinderella sa isang magarbog sayawan. Ang Madrasta at mga kapatid nito ay imbitado sa sayawan. Si Cinderella lang ang naiwan sa mansyon. Buti na lang ay may Fairy na nagpakita kay Cinderella at iyon ang tumulong dito na makapunta sa pagdiriwang.
Ang pangarap na maranasan ni Cinderella ay ang maisayaw ng maharlikang Binata at maikasal dito. Pero sadyang mapait ang kapalaran. Dahil sa may limitasyon lang ang mahikang iyon. Kailangan ay bago na sumapit ang alas-dose ay makaalis na ito sa palasyo. Kaya naman ay sa pagmamadali nitong tumakbo ay naiwan nito ang sandalya na mag-uugnay muli sa kanilang dalawa ng Prinsipe.
Bumalik nga muli sa dating buhay si Cinderella at namuhay ulit kasama ng pamilya nito. Utusan rin at kaiba lang sa buhay ni Rodella, kasi mas malala ang sinapit niya sa kan'yang Madrasta. Hindi tulad ng kay Cinderella, ay pinahihirapan lang 'yon sa pagkilos sa mga gawaing bahay. Samantala siya ay bukod sa nahihirapan na siya ay inaabuso pa ang kan'yang pisikal na pangangatawan. Ang patuloy na hagupitin ng pamalo at pag-duro-duro sa kan'ya at pananambunot ay magkaiba sa karanasan ni Cinderella.
Kaya sana 'y balang araw ay maranasan niya na kahit minsan ay maging prinsesa siya. Maranasan man lang niya na gumanda ng dahil sa isang mahika. Pinapantasya niya na sana 'y may Fairy o Diwata man lang ang mapadpad sa kanilang lugar at maawa sa kan'ya. Baka sa Diwatangtang iyon ay maging dahilan ng kan'yang pagbabagong pisikal. Syempre kapag nagbago ang kan'yang pangit na postura ay magbago rjn ang buhay niya bilang ordinaryong tao na walang itinatago na itsura. Hindi na siya pandidirihan o lalaitin man ng sinuman. Lalong-lalo na ng kan'yang Madrasta. Ang gusto lang naman niya ay maranasan na kahit sandali, Ang maging mahalaga ang papel niya sa lipunan. O sa madaling salita ay ituring siya na mahalagang tao. Iniidolo at pinupuri.