Talking Dentures- Owned by Reyna Luna

1452 Words
KABANATA 5 ELENA 'S FATE IN THE CAVE Sa lugar kung saan napipikit sa kirot si Diwatang Elena. Naroroon siya sa isang tagong yungib. Hindi siya masusundan doon ng mga masasamang Diwata, na sumugat sa kan'yang braso ngayon. Nadaplisan kasi siya ng espada ng kapwa Diwata niya. Pinilit niyang makatakas mula sa mga Diwatang pumanig kay Diwali Cleopatra. Tumakbo siya ng sapilitan, para sundin ang kasunduan nilang dalawa ni Reyna Luna. Tanging siya lang ang makakapag-ingat ng pustisong iyon, para sa Kaharian ng 'Engkatadias Diwatas', lumisan siya ng may takot. Takot na hindi niya magampanan ang tagubilin sa kan'ya ng Reyna. Nagdadalawang isip pa siya nang una. Pero kalunan ay tinatagan niya ang kanyang loob at nilisan ang kaharian. Nag-isip siya ng mabuti kung talaga bang iiwanan niya si Reyna Luna. Naalala niya sa kan'yang sandali bago siya makalabas ng kaharian ay inisip niya ang mga Diwatang kasama niya nang palang siyang tumakas mula sa magulo nilang kaharian. Maraming dugo ang lumusak sa loob ng kahariang ito. Dahil sa napakarami talagang nasawi sa gitna ng masalimuot na Digmaan. Ang ala-alang binitiwan sa kan'ya ni Reyna Luna ay nagdulot sa kan'ya ng katapangan at katatagan na kayanin ang silakbot at nakakagulat na kaganapan sa kanilang mundo. "Reyna Luna sana 'y sa aking pagbabalik ay naririyan ka pa?! Magpakalakas upang mabawi ang Kaharian sa kamay ng inyong kapatid na Si Diwali Cleopatra." Manginig-nginig niyang salita habang mag-isa siya sa gitna ng tahimik na yungib dito sa lugar na kan'yang nilandas. Ginagamot niya ng mga oras na ito ang kan'yang sugat. Dahil sa napakalalim ng espadang nakasugat sa kan'ya. Muntikan na ngang maputol ang bahagi ng kan'yang braso. Ang buong akala niya ay hindi na siya mananatiling buhay. Akala niya ay mapapasama na siya sa mga Diwatang napaslang. Nakakatiyak siyang na hahanapin siya ni Diwali Cleopatra sa Kaharian na 'yon. Siguradong makukutuban si Diwali Cleopatra, na siya ang nagtago ng mahiwagang pustiso ni Reyna Luna. Kailangan niyang maingatan ito. Pero nararapat lang na may isang nilalang siya dito sa mundo na kan'yang napuntahan, ang mapagkatiwalaan niya ngayon. Hindi pwedeng nasa kamay niya lang at hawak-hawak ang Pustisong ito. "Kailangan kong makatagpo ng isang nilalang na pwedeng mag-ingat nitong pustiso? Pero paano ko siya mahihikayat? Kung ganito naman ang itsura ko. Punong-puno sa dugo at halatang kakaibang uri sa mga tao. Namuo niyang kaisipan sa oras na nilalagnat sa sugat na kan'yang natamo. "Nilalamig ako ngayon, paano kung madakip nila ako na nasa kamay ko pa rin ang mahiwagang pustiso na pagmamay-ari ni Reyna Luna?! Nakakatiyak akong katapusan ng aming kinabukasan sa Entadias Diwatas. Marami pa rin na kauri ko ang nangangailangan ng tulong. Dapat na makaisip ako ng paraan upang mas mapanatag ang lóob ko!" Mahabang lintanya niya habang nilalakbay ang sariling dugo mula sa kan'yang braso. Gagamitin niya pantapal sa kan'yang sugat ay ang dahon ng amarilyo at kumuha siya ng dahon pa ng bayabas para maampatan ng napakabilis ang sugat na patuloy pa rin sa pagdurugo. "Aray! Aray! Ang sakit!" Namimilipit siya sa sobrang hapdi ng dahon na itinapal niya sa sugat. Ang ibang dahon ay dinikdik niya at ang iba naman ay dinerekta na lang niya mismo sa sugat. Mas mainam kasi ang dahon ng amarilyo para kahit papaaano 'y mapigil ang pagdurugo ng kan'yang sugat. Tinaasan na rin siya ng temperatura na nagpapahiwatig na malapit na siyang panghinaan ng loob. Kailangan niyang manatili na gising upang hindi siya maisahan ng kan'yang mga kalaban. "Mananatili akong matatag para sa inyong lahat mga Diwata. At para rin sa inyo Reyna Luna. Kailangan kong magpalakas upang maisakatuparan ko ang tungkulin ko bilang Diwata," usal niya sa kan'yang sarili. May malaking papel siya sa kanilang Kaharian. " Ano pa ang silbi na ako ang pinagkakatiwalaan ng mahal na Reyna. Nararapat lang na ako ang maging ihemplo upang makatakas mula sa pagkaka-alipin ang mga inosenteng Diwata at ang aming Reyna Luna!" Nagkuyom ang mga palad niya habang binibigkas ang kan'yang mapanakit na saloobin. Nagulat siya ng mayroon nagsalita sa kanyang likuran na may maliit na tinig na tumugon sa kan'yang sinabi kanina. "Hello! Diwatang Elena," tinig ng pustisong nasa loob pa ng maliit na kahon. Kulob ang boses nito. Nanlaki ang mga mata ni Diwatang Elena dahil sa nagsasalita ang Pustisong dala-dala niya. Ngayon niya lang nalaman na may pambihirang tinig itong pustiso na ito. "Huh?! Ba-bakit kaah nagsasalita?!" tanong niya habang unti-unting binubuksan ang maliit na kahon. Pinilit niyang umupo at maging kalmado lang. Bumungad sa kan'ya ang pustiso na may malalaking hugis ang ngipin. Tila napatilapon niya ang kahon sa sobrang pagkagulat. Naialis túloy sa lagayan ang pustiso. "Aray naman! Bakit mo naman ako hinagis?" tanong ng pustiso sa kan'ya. "Bakit ka ba kasi nagsasalita ayy? Natatakot ako sa 'yo?" Garalgal na tugon niya sa pustiso. "Pakiusap ilagay mo ulit ako sa lagayan ko?!" utos ng pustiso sa kan'ya. Agad naman niyang sinunod ang pustiso... Naawa kasi siya. At kung hindi nga lang na pagmamay-ari ni Reyna Luna ay nais Niya itong iwanan. Inilagay niya na ang pustiso sa maliit na kahon, kung saan ito dati nakasilid. "Teka, Diwata Elena. Batid kong may masama kang pakiramdam. Ninanais kong gamutin 'yan?" usap ni Pustiso. Nanlaki ang mga mata ni Diwatang Elena. Dahil sa ngayon lang siya nakagisnan ng pustisong nagsasalita at nakikipag-usap pa sa kan'ya. Ngayon lang niya nalaman ang sikretong ito sa mahiwagang pustiso na pinatago sa kan'ya ni Reyna Luna. "Lumpit ka na Diwata Elena. Hindi naman ako mangangagat. Hindi ako kumakagat sa mga Diwatang kauri ng aking Reyna!" usal pa ng pustiso. Malayo siya mula sa pwesto ng pustiso. Dahil sa hindi pa rin maalis sa kan'ya ang Kaba. Sabagay baka nga 'y alam rin ito ng Reyna na nagsasalita talaga ito. Baka ito ang dahilan kung bakit ninanais ni Diwala Cleopatra na mapasamay itong pustiso. Kaya naman ay dahilan nga sa Pustisong ito ay manganib ang kan'yang buhay. Pero saganang kan'ya ay layunin niyang ingatan ang mga tagubilin sa kan'ya ni Reyna Luna. Kung hindi niya ito matutupad ay parang nagtraydor na siya sa Reyna. Maya -maya pa 'y nagkusa na siyang lumapit sa pustiso. Inisip niya na baka totoo nga ang sinabi nito na kaya siyang gamutin. Agad niyang itinapat sa ngipin na 'yon ang braso niyang may sugat. Kasi dito nagmumula ang kan'yang mataas na lagnat ngayon. Kinakailangan niyang gumaling upang maisagawa na ang kan'yang plano. Namangha siya sa resulta ng mahika ng pustiso. "Ang galing! Nawala nga...!" Nanlalaking mga mata ni Diwata Elena, kinapa-kapa niya ang kanyang braso, nawala na talaga ang sugat. Nanumbalik na muli ang kan'yang lakas sa dating mahina. "Ano? Naniniwala ka na ba sa 'kin?" tanong ng pustiso. May kaliitan ang tinig ng pustiso na para bang katulad ng Chipmunks ang tinig ng boses. Kaya kahit sinong makakarinig dito ay mapapatalon sa sobrang takot. "Oo na... Pero kakaiba kang pustiso ka. Ngayon lang sa aking talambuhay nakadiskubre ang katulad mong nagsasalita?" Halos na hindi pa siya makapaniwala sa pustiso. "Oo. Pero alam kong matatanggap mo ako. Narinig ko ang mga sinabi mo kanina. Ninanais mo akong maibigay sa isang nilalang na hindi mo kauri?" tanong ng pustiso. "Ayy... Narinig mo pala ang aking binigkas. Makakatotohan iyan Pustiso. Layunin kitang maitago sa isang tao dito sa mundo. Kailangan-kailangan kita pag-ingatan upang hindi ka makuha sa 'kin ni Diwali Cleopatra. Layunin kong maibalik ka kay Reyna Luna sa Tamang oras. Nararapat kong ibigay muna sa taong nangangailangan ng tulong mo rin," mahabang paliwanag ni Diwata Elena. "P-pero ang taong mag-iingat sa 'kin ay dapat na may puso at kailangan ng aking mahikang alindog." Makasaysayan na tinig ni Pustiso. "Teka. Ano ang ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Diwata Elena. "May kapangyarihan akong mag-paganda ng isang katauhan, na kapag naisuot ako ng may kasukat sa 'kin. Ang sinuman na tao ang may katungkulan ns mag-iingat sa 'kin ay may kahilingan na dapat kong sundin. Kung ninanais niya akong maisuot ay dapat kasya ako sa kan'yang bunganga. Ang dati kasing Reyna na pinaninilbihan ko ang Lola nila Reyna Luna, ay may kakaibang sukat ang ngipin." Buhay na buhay ang tono ni Pustiso habang na nagpapaliwanag sa kan'ya. "Naayon pala talaga ang katulad mo sa may bukal na puso. Hindi ka nararapat na mapunta sa masamang nilalang. Hayaan mo at hahabapan kita ng tao na pakikinabangan ka at magiging amo mo pansamantala," usal ni Diwata Elena. "Sige... na... Kailangan mo ng magpahinga. Marami ka pang lalakbayin. Isarado mo na ang lagayang ito at matutulog na rin ako?" kahilingan ni Pustiso. Agad naman na sumunod si Diwata Elena. Sa paglipas ng buong gabiay hindi dalawin ng antok siya. Kailangan niyang magmatyag. Tahimik lang siyang nakatanaw sa lóob ng yungib na ito. Nakasandal lang siya sa isang napakalaking buhay na bato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD