KABANATA 6
RODELLA POV
Nagising siya dahil sa isang tinig na naririnig niya. Malapit sa kan'yang harapan ang pinanggagalingan ng boses.
"Hoy, impakta! Bumangon ka nga d'yan sa pagkakahiga mo?!" Nakakgimbal na utos ni Ginang Soledad sa kan'ya. At saka na lang siyang katauhan at napatda sa pagkakahiga, ng dahil sa tubig na isinaboy nito sa kan'ya.
"Ayy... Madam?! Pasensya na ho. Sa sobrang pagod ko ay napasarap ang aking tulog," Nanghihinang boses niya ng makatugon siya kay Ginang Soledad. Tumayo siya sa higaan upang bumangon. Alam niyang magagalir ito kapag hindi niya magawa ang pinag-uutos nito sa kan'ya. Kailangan mabilis ang kilos niya. Kung hindi ay makakatikim na naman siya ng pananakit.
Kahit na basang-basa siya ng dahil sa tubig ay patuloy pa rin ang pagiging kalmado niya. Hindi pwedeng sumagot siya, kung hindi lagót na naman siya. Kailangan niyang mapanatili ang kan'yang sarili na hindi siya papaapekto.
"Ano pangit?! Bilisan mo ng maglakad. Magluluto ka pa sa kusina ng almusal!" Singhal pa rin ni Ginang Soledad. Hinila nito ang kan'yang damit para mapabilis ang paglalakad niya. Nakasimangot na 'yon sa kan'ya dahil halata na ang pagsalubong ng mga kilay nito. Nababatid niyang malapit na 'yon maging Dragon. Kaya 't karipas na siyang magtungo sa kusina kahit basang-basa pa siya.
SA KUSINA
Habang nagluluto siya ay nabibingi na siya sa ingay ng tatlo sa may lamesa... Nakita niyang pinagtatawanan siya ng mga iyon. Nasisiyahan sa labis na pangungutya sa kan'ya. Hindi niya mapigilan ang sarili na lumingon sa mga iyon. Halos sa mga narinig niya sa kanila ay nadurog talaga ang puso niya.
" Hoy! Anak ng Unggoy? Ayokong pangit ang lasa niyan na niluluto mo, huh?! Baka kasing pangit 'yan ng mukha mo hahaha?!" pang-iinsulto ni Shiela. Grabi ang laki ng pagkakabukas ng bunganga sa halakhak sa kan'ya. Mga kapatid niyang walang ginawa kundi ang mag-paganda.
Yumuko na lang siya at pinagwalang-bahala n ang mga naririnig niya sa tatlo at nakatanaw sa kanyan ang Madrasta niya na hindi maalis ang ngiti nito. Pinagtatawanan, ginagawang walang kagaguran at walang awa sa kanya. Ginagawa lang siyang na palaging utusan. katulong lang dito at hindi bilang anak. Hindi siya aasa Kay Ginang Soledad, na sasawayin nito ang dalawang anak na dalaga.
Lumipas ang oras ay naluto na ang kan'yang niluto na adobo, Kaya gaya ng pusang nag-aagawan ay nag-uunahan ang tatlo sa paglapit sa inihandang niyang mga pagkain sa lemesa. Natulala lang siya sa mga gawain ng kan'yang pamilya sa ama. Alam niyang mamaya pa siya kakain, 'yong mga tira-tira na ang kakainin niya.
Mismisan na lang ang makakain niya gaya ng pinapakain sa hayop. Pero para sa kan'ya mas maayos pang bigyan nila ang alaga kanilang K9 kaysa sa kan'ya. Kaya labis na dinudurog talaga ang puso niya. Kahit na kasi ay natatakam na siya para kumain ay hindi maaari.
Nakatayo lamang siya ng tuwid at pinagmasdan lang ang tatlo kung gaano kasugapa sa mga pagkain. Halos wala ng matira sa mga plato. Inubusan siya ng kanin at ulam. Nagulat na lang siya dahil sa tinig ng nakasimangot na Madrasta. Matapos kumain ay mag-uutos na naman sa kan'ya.
"Impakta, mamaya huh? ay mamimili ka sa palengke ng mga gulay? Ayúsin mo ang pagpili ng mga sariwang gulay. Gusto ko 'yong walang sira ang dahon, at berdeng-berde ang mga dahon. Kapag lang na nagkamali ka sa mga utos ko! Makakatikim ka naman sa akin?!" Pananakot na tinig ng kan'yang Madrasta.
"Opo!" mabilis niyang tugon. Napuno ang mga tinig niya sa pangamba at takot na baka 'y magkamali siya.
"Hayy! Salamat, nabusog na rin ako. Mom, hindi na ako makalakad. Sa sobrang dami ng nakain ko. Mamaya pala Mom, may meeting kami sa School?" saad ni Shaina.
"Baka gabihin ako sa pag-uwi Mom. Isasama ko si Impakta sa school ko Mom?" natatawang hiling nito sa kan'yang Mommy na si Soledad.
"Oo sige Anak. Wala naman problema..." Binibigkas nito habang nakatalikod. Papunta na kasi si Soledad sa kwarto nito sa itaas.
"Oh Impakta, pumayag na si Mommy. Ikaw ang magbubuhat pala ng mga gamit ko ahh?"
Mataray na tinig ni Shaina.
"Ate... Hindi nga?! Isasama mo si Rodella na impakta?" tanong ni Shiela.
"Oo bakit? May balak kasi ako sa kan'ya hahaha!" Malakas na tawa ni Shaina.
Nakigaya na rin si Shiela sa pagtawa.
Nakita ni Rodella, ang mga kapatid niya na may masamang balak sa kan'ya. Pero kung hindi naman siya sasama ay baka managot na naman siya sa kan'yang Madrasta. Kailangan niyang mag-ingat na lang, sa banta ng panganib sa kan'ya. Siguradong pagpipiyetahan siya ng mga estudyante sa sikat na Unibersidad dito sa Angono. Baka asarin lang siya doon. Dala niya ang takot sa kan'yang sarili kung magpunta na siya sa paaralan na maraming tao.
"Oh! sige na Impakta-h! Maligo ka rin huh? At magbihis ng maayos. Ayokong nakakatakot ka doon?" Pagpapaalala ni Shaina sa kan'ya.
Tumalikod nasa kan'ya ang mga kapatid niya upang mag-ayos na rin ng kanilang mga sarili.
Naiwan siyang kumakain ng mga natitirang pagkain. Nakakatawa siyang pagmasdan dahil sa halos magkalat sa kan'yang bunganga ang kanin. Mga kamay niyang napuno sa kanin. Kung baga ay namumulaklak sa kanin ang kanan kamay niya.
Pagkakataon niya sana na makakain ng maayos pero, wala ng ulam at kanin pa sa kaldero. Inubusan talaga siya ng tatlong mga sugapa. Kaya matataba ang tatlo. Siya lang ang payat na payat. Mukhang lumitaw na nga ang mga buto niya sa kan'yang balat. At kung wala lang siyang balat na ay paniguradong nagkalasag-lasag na ang kan'yang mga buto. Pagkatapos niyang kumain ay naligo naman siya.
Makalipas ang kalahating oras...
"Hoy Impakta bilis-bilisan mo na nangangawit na akong maghintay sa 'yo?!" Nayayamot na tinig ni Shaina.
"Oo sige, naririyan na," tugon niya. Itinaklob na rjn niya sa kan'yang mukha ang balabal na binili niya sa kan'ya ng Ama niya. Bunuhat niya ang mga gamit nila Shaina at Shiela papuntang paradahan ng mga Tricycle. Pagkadating nila sa tricyle ay pagod na pagod siyang naupo sa may likuran ng Driver habang dala-dala ang mga gamit ng mga kapatid niya.
"Ate... Matanong ko lang bakit gànyan ang itsura mo?" Nagtatakang tanong ng Driver.
"Hahah kuya... Nais mong malaman? Anak kasi yan ng Unggoy hahaha!" Pagsingit ni Shiela sa tanong sana ng Driver, para sa kan'ya. Natatawa si Shiela at Shaina sa naging katanungan ng Driver.
"Ah eh, kaya pala!" Binilisan ng Driver ang pagpapatakbo ng Tricyle nito dahil sa takot na ito sa kan'ya. Para Hindi na makita pa ang kan'yang itsura ay nagbalak siyang magtaklob ng buong mukha niya. Batid niya sa kan'yang sarili na kinakatakutan siya ng lahat ng tao dito sa mundong ibabaw. Nasa isip niya kung bakit pa siya binuhay ng kan'yang Ama, hindi sana niya lahat mararanasan ang ganitong sitwasyon. Ang labis na pangmamaltrato sa kan'ya at panunukso ay nakakapanghina ng kan'yang kalooban.
Siya na rin ang nagbayad ng pamasahe, na imbes sa mga kapatid niya. Hindi man lang siya hinintay ng dalawa. Kaya naiínis siya sa mga trato nito sa kan'ya. Pero na kahit anong pagkayamot niya sa mga 'yon ay wala naman siyang magawa.
Halos ayaw hawakan ng Driver ang pera na ibinayad niya Kaya 't sa inis niya ay inilapag na lang niya sa upuan ng Driver ang pera na pambayad niya sa pamasahe.
"Anak ng Unggoy nandidiri ako sa 'yo?!" Sigaw ng Driver sabay alis. Hindi na lang niya pinansin ang sinabi ng Driver sa kan'ya. Dahil pilit niyang kinakaya ang mga salitang araw-araw niyang naririnig sa mga taong nakakasalamuha niya.
Ang mga kapatid naman niya ay iniwan na siya. Unti-unting humakbang siya patungong paaralan. Tinakpan niya ng itim na salamin ang mukha niya at inayos ang kan'yang balabal upang hindi makita ang kabuuan niyang mukha.
Sa paaralan
Naglalakad siya at hinahanap kung nasaan ang mga kapatid niya. Palingon-lingon siya sa malawak na Unibersidad na ito. Maraming mga estudyante ang nakatingin sa kan'ya. Mukha kasi siyang manang sa porma ng kan'yang kasuotan. Parang Muslim tuloy ang dating ng kan'yang postura.
Nanginginig na ang kan'yang mga tuhod. Dahil sa ngayon lang siya nakapasok dito sa pangarap niyang paaralan. Matagal na niyang pinapangarap na makapasok dito sa Unibersidad kapag nakapagtapos sana siya ng pag-aaral sa High school. Ang kaso kahit Highschool ay hindi siya nakatungtong. Hanggang tingin na lang siya sa mga estudyante.
Naisipan muna niyang maupo sa bench upang magpahinga sandali. Pinagmasdan niya ang buong paligid. Hindi na lang niya pinansin pa ang mga bulung-bulungan sa kan'ya ng mga estudyante. Ang mahalaga sa kan'ya ay masaya siya ngayon. Dahil sa nasaksihan niyang muli ang magagandang tanawin dito sa loob ng paaralan sa Angono. Napuno man siya sa panghihinayang na at kalungkutan ay patuloy siyang mabubuhay para sa kan'yang Ama.