Harm to Rodella

1980 Words
KABANATA 7 Rodella POV Nakakaawa siyang tao. Nasa kamay siya ng mga estudyanteng may balak sa kan'ya ng masama. Pumalibot sa kan'ya ang mga estudyanteng 'yon. Sinundot-sundot na naman ng mga babaeng iyon ang kan'yang utak, na ikinakalog ng loob ng kan'yang utak sa loob . Ninais ng mga 'yon na pilitin na tanggalin sa kan'ya ang balabal sa mukha niya. Natatakot siya sa posibilidad na mangyari, kung magpapatuloy pa rin ang mga estudyanteng ito, na pilitin siyang makita ang kan'yang mukha ay lalo siyang malalagay sa panganib. Kinabahan siya, mas kumabog ang dibdib niya nang hawakan siya sa mga kamay upang hindi siya makapalag. Alam niya na aabusihin ng mga ito ang kan'yang pagiging mahina at mahiyain. Naluluha na siya sa mga pinag-gagawa sa kan'yang mukha. Pinilit na tanggalin ang salamin niyq para makita ng lahat ang mga mata niya at mukha. Wala na siyang nagawa pa dahil pinagtulungan na siya ng tatlo, bukod sa isang babae. Maawain ang isa at hindi kayang masikmura nito ang panunukso sa kan'ya. "Totoo nga si Shaina?! Napakapangit niya!" Nagulat na sabi ng isang Estudyanteng si Jovie. Sa narinig niya ay mas lalo na nanghina ang loob dahil sa nalaman niya. Ang may pakana pala ng lahat ay ang kan'yang mga kapatid. Pinagsusulatan ng Pentel pen ang buong mukha niya at maging ang kanyang katawan. Ginawa siyang hayop. Pinaglaruan at pinagtawanan. Bigla na lang siyang itinulak ng isang babae na kinaupo niya sa mga batong graba. "Kadiri! Nasa-an na ba sina Shaina at Shiela. Akala ko kukunin nila ang mga gamit nila dito sa Yaya nilang kamukha ng Unggoy!" nakakunot na wika ng mayabang na grupo ng mga kababaihan na kaharap niya. "Please... H'wag n'yo naman itong gawin sa 'kin?! Hindi naman ako masamang tao. Pakiusap?!" Kahilingan niya sa lider ng grupo. Halos lumuhod siya upang makiusap. Batid niyang sasaktan siya nito. Nasa likod sila ng Comfort room ng mga kababaihan. Doon siya dinala ng mga 'yon upang wala sa kanilang makakita, sa gagawin sa kan'ya. Niyaya kasi siya kanina ng mga iyon at hindi pala totoo na nandito sila Shaina at Shiela sa C,r. Niloko lang siya. "Haiist. Jovie! H'wag ka ngang maging Wild sa tao ohhh! Nakikiusap na siya sa 'yo? Masyadong unfair ito. Wala naman siyang kasalanan sa atin. Parang ewan to ohh. Isipin mo naman na kapag pinatulan mo yung tao na walang kalaban-laban ay baka mat-banned tayo sa Rule's and Regulations dito sa School?!" Natatakot na paliwanag ni Clara, ang pinakabatang edad sa apat na babae. Hindi na kasi pa nito makaya ang nakikita na pang-aapi kay Rodella. Napatingin si Jovie kay Clara at sabay na sinampal nito nang ubod lakas ang Kaibigan. Bumakat ang kamay nito sa lakas ng pagkakadampi ng palad nito, sa pisngi ni Clara. Ikinalaki ng mga mata ng dalaga dahil sa nagulat ito sa ginawa ng Kaibigan. Sa buhay nito ay ngayon lang siya na napagbuhatan ng mga kamay ni Jovie. Napakalaking kamalian kasi ito. Ang pananakit sa isang tao na walang laban ay isang maling Gawain. Kaya tumututol si Clara sa pananakit ni Jovie. "Oh! Ano pipigilan mo pa ako?!" banat nitong tanong kay Clara. Sa tono ng boses nito ay galit na galit ito sa kan'yang Kaibigan. Hindi na lang umimik pa si Clara sa tanong ni Jovie sa kanya. Alam niyang mas lalong lalaki ang tensyon nilang Dalawa. "Ano? Kakampihan mo pa ang impakta na ito?!" singhal na tanong ni Jovie, kasabay nang pagturo nito kay Rodella. "Okay! Okay! Hindi na ako mangengeelam. Pero Jovie kung mahuli tayo... Sasabihin ko ang katotohanan. Ayokong ma-drop dito sa paaralang ito!" Malakas na tinig ni Clara. Nagagalit na rin siya. "Wha-t? Kapag ginawa mo__?!" putol nitong saad. "Isa pa Jovie! H'wag mo ng subukan na gawin sa akin 'yong ginawa mo kanina? Pasalamat ka na dahil kaya kong magpigil pa ng sarili ko!" dugtong ni Clara. "Oh? Nasaktan ka ba? Akala ko kasi bakal ang mukha mo eh," pang-iinsulto nitong tugon. "Hindi!" pagkukunwari nito, pero nasaktan talaga si Clara. "Hoy! Kayong Dalawa tumigil na nga kayo?" Pagsuway ng isa nilang kasama. "Ano na? Mag-aaway na lang kayo?! Isipin n'yo ang goal natin ngayon. Paano kung magalit ang dalawa sa atin? Masisira ang kasunduan natin na pera?! Gusto n'yo ba na mawala ang pera na sasahurin natin bukas?!" saad ng isa pang kasama, si Tricia. Napaisip ang Dalawa. Pero kahit ano ang mangyari ay buo ang pasya ni Clara na hindi ito sasama sa panunukso kay Rodella. Naiiyak si Rodella dahil sa patuloy na pagsambunot sa buhok niya. Tumaob ang mukha niya sa paghila ng kan'yang kulot na mahabang buhok. Kahit sumigaw siya ay wala sa kan'yang makakarinig. Dahil nasa likod sila ng paaralan. "Tama na?!" Pakiusap niya sa tatlong bumabanat at pinagtulungan siya. Habang sinasaktan siya ay hindi siya magawa na makalaban. Napapikit na lang si Clara. "Wait!" pagsita ng tinig mula sa kanilang likuran. Napatilapon si Rodella sa semento habang umiiyak. "Oh ayan na pala si Shaina at Shiela!" Masayang bigkas ni Jovie. Napalingon ang lahat ng grupong iyon. Si Rodella ay nakayuko lang. Napahawak siya sa kan'yang buhok. Masakit na ang anit niya sa malakas ng paghila sa kan'ya. Nang makalapit sila Shaina at Shiela. "Nasa-an na ang bag namin, Impakta Rodella?!"sigaw na tanong ni Shaina. Nagulat siya sa pagtawag na naman sa kan'yang pangala na Impakta, ito ang palagi niyang naririnig sa kanyang mga kapatid. Bakit ganoon? Maging dito rin sa mga mag-aaral nasa kanyaharapan niya. Manginig-nginig na siya, na kahit ano pa ang pagmamakaawa niya ay wala pa rin. "Sha-i-na! " Garalgal niyang tinig. "Sheila?!" Please tigilan n'yo na 'ko?" dugtong niya. Natawa lang ang lahat... Nangingibabaw ang tinig nila Shaina at Shiela, kagustuhan pala ng Dalawang ito na pagtulungan siya ng mga kamag-aral nito. Buong akala niya talaga ay sinama siya dito upang pumunta sa pulong na mamaya. Pero hindi pala. Bukod sa pinagbuhat siya ng mga gamit ni Shaina at Shiela ay pinasadya pala siya na papuntahin dito sa likod ng paaralang ito para dito siya saktan ng patago. Napayuko siya, tinatakpan niya ang kan'yang sarili. Gulong-gulo na siya sa mga nangyayari sa kan'yang sarili. Sa pagtilapon sa kanya kanina ay nasugatan siya sa mga bato. Patuloy pa rin sa pagtawa ang mga kapatid niya at mga kaklase nito. "Hahahah!" Halakhak ng dalawa. "Hahahah! Ang pingit! Pangit mo kasi?! By the way Guys... Siya nga pala ang Unggoy na sinasabi kong Yaya namin sa mansyon!" Pangsisinungaling ni Shaina. "Ahh... Nakakadiri siyang lapitan. Naamoy ko siya kanina, ang baho-baho niya. Amoy hindi mawari. Yuckkk!" sabay na sinipa siya sa kan'yang tagiliran, kaya naman ay napahiyaw siya sa sobrang sakit. "Kawawa naman!" sigaw ni Clara. Nilapatan siya nito. Kaya pareho silang pinagsisipa. "Arayyy!" "Tama na!" "Hahahha!" sabay-sabay na tawanan ng apat. _______________________________ "Hoy! Tigilan n'yo siya!" Madiin na sabi ng isang binatilyo. "OHHH! si Reynaldo nandyan. Patay tayo Shaina?! Kasalanan n'yo ito. Nandamay pa kasi kayong magkapatid!" natatakot na tinig ni Jovie. "What?! Iiwanan mo kami ni Shiela... Don't worry babayaran kita," saad ni Shaina. "Tuparin mo Shaina at sinunod kita dyan!" Pambabanta ni Jovie. Nag-aaway na ang Dalawa. Nagkaroon na sila ng pagtatalo. Sa paglapit ni Reynaldo Kay Rodella, ay naramdaman niya ang mainit na palad na nagmumula sa binatang ito. Tinulungan siyang tumayo. Nakaramdam siya ng hiya sa binata. Napakagwapo nitong Lalaki. Naisipan niyang itago ang mukha niya ulit sapamamagitan ng kanyang balabal. Agad niya itong pinulot upang ilagay sa ulo niya. "Miss are you okay?" tanong sa kan'ya ni Reynaldo. "Ahh, aray!" Nahawakan kasi siya ni Reynaldo sa kan'yang braso. Nasa braso niya ang sugat na iniinda niya ngayon. "Sorry, Miss," panghihingi nito ng tawad sa kan'ya. Tumayo na rin sa pagkaka-upo si Clara. Napakasama ng pukol naman nang tingin nito kina Shaina, Shiela at sa iba nitong mga kasama. "Kayong lahat ay sangkot dito. Malalaman ito ni Mrs, Reyes, ang inyong ginawa n'yo? mali ito?!" seryosong mukha at tinig ng binata. Lumapit sina Shaina at Shiela kay Reynaldo upang pigilan na isumbong sila. Matatanggalan sila ng karapatan na makapag-aral dito sa paaralang ito. "Please?! Reynaldo! H'wag mong sabihin kay Ma'm?" Pagmamakaawa ni Shaina at Shiela. Nakukunot ang noo ni Reynaldo, at muling nagsalita. Sa tono ng binata ay hindi ito sang-ayon sa mga malditang mga kababaihan na ito. "Hindi! Buo na ang aking desisyon?!" "H'wag...!" sabay na kahilingan ng iba pang kaklase ng mga kapatid ni Rodella. Sumigaw si Clara, " Oo. Dapat lang 'yan sa kanila, Reynaldo!" singit nito. nakaturo ang daliri nito sa grupo nila Shaina at Shiela. Bumalik muli ang tingin ni Reynaldo kay Rodella. "Hindi, nakakaawa ang ginawa n'yo sa taong ito? Kilala nyo ba ang sinaktan nyong lahat?!" Sigaw na tanong ni Reynaldo sa kanilang lahat. "Hayy... Yaya ko 'yan!" Nagmamadaling tinig ni Shaina. Nakayuko lamang si Rodella at patuloy na tumutulo ang mga luha sa ilalim ng balabal. Sa mga narinig niya sa mga kapatid niya ay labis talaga siyang kinahihiya ng kan'yang mga kapatid. Nais niyang maparusahan ang mga kapatid niya. Pero baka mas lalo ng magiging kumplikado ang lahat kung makakarating pa ito sa guro na sinabi ng binata na 'yon. Siguradong mas pag-iinitan siya ng kan'yang Madrasta at mga kapatid kung sasang-ayon siya sa kagustuhan ng binata. "Oo... Yaya niya ako," mahinang saad niya. Sumang-ayon siya sa sinabi ni Shaina. "But__!" Naputol na sabi ni Reynaldo dahil sa sumingit siya. "Please... h'wag na sana itong makalabas. Atin-atin na lang ito!" "P-pero!" sabi ni Clara. Hindi ang dalaga na sumang-ayon sa kan'yang naging desisyon. Kumibit balikat sina Shaina at Shiela. "You see... Reynaldo. Totoo ang lahat?!" pang-iinsulto na tanong ni Shaina. Nawalan ng imik si Reynaldo at naiiling lang. Mukhang napahiya ito sa harapan ng lahat. Umalis iyon sa kanilang harapan. Batid niya na napahiya ang Binata sa ginawa niya. Nagtawanan ang grupo nila Shaina at Shiela. "Hahah! Hahahaha! Hahahah!" "Hindi pa tayo tapos, Rodellang Unggoy!" Pagbabanta ni Shaina sa kan'ya. Sinambunutan naman ni Shiela si Clara. "Mula ngayon ligwak ka nasa grupo namin?! Magsama kayo ni Impakta!" "Aray!" Kinabig ni Rodella ang kamay ng kan'yang kapatid. "Tama na?!" Saktong ala -una kaya may panibago ng Guro ulit ang mga iyon. "Tara na Shiela at Shaina... Baka mahuli tayo Kay Sir__!" kinakabahan na tinig ni Jovie. "Pasalamat ka Clara!" sabay na binitawan ni Shiela ang buhok ni Clara kasabay nang pagtulak nito nang malakas dito. Napaupo muli si Rodella. Naupo silang dalawa. Dahil sa lakas nang pagtulak ni Shiela. "Bilis na Shiela, Tama na 'yan!" Sabay-sabay silang tumalikod. "Imapkta... Umuwi ka na-ahh!" Pahabol na lang ni Shaina habang tumatakbo papasok sa silid nito. Panatag na ang loob ngayon ni Rodella at Clara. "Salamat pala sa pagtulong mo?!" "Wa-la i-yon Bhe?" tugon ni Clara. "Ah, eh, kinagagalak kitang makilala. H'wag kang mag-alala. Hindi naman ako natatakot sa 'yo. Hindi ako bumabase sa itsura ng Tao," dugtong ni Clara. "Pero bakit mo hinayaan na makaalis sila?!" Hindi na si Rodella umimik pa sa tanong sa kan'ya ni Clara. "Sa-lamat!' nangingiting tugon niya. "O sige na bye na... Kailangan ko na rin pumasok!" Nagmamadaling saad nito. Nagpaalam na ang dalaga sa kan'ya, upang pumasok na rin. "Okay sige," Naiwan siyang mag-isa. Nawala na rin sa kan'yang tanaw si Clara. "Aray!" Hindi maalis sa kan'ya ang ganitong tinig. Naisip na niyang umalis na. Napagtanto niya na ginawa lang talaga siyang tagabuhat ng gamit ng mga kapatid niya. Pinaalis nila ako! Dahil wala na silang kailangan sa 'kin?!" bulong niya na naiinis ang tinig. Bigla na lang sumagi sa kanya na may dapat pa pala siyang bilhin sa palengke. Minabuting nang maglakad siya nang dahan-dahan at nagtungo sa pamilihan. Habang patuloy na naglalakad ay bumalik muli sa kan'yang isipan ang binatang napahiya ng dahil sa kan'ya at Reynaldo ang pangalan nito. Ang totoo 'y humanga siya sa lalaking 'yon. "Nakakainis ka Rodella! Ikaw na nga ang tinulungan... Ikaw pa ang nagpahiya sa kan'ya!" Napukpok niya túloy ang kan'yang ulo sa sobrang pagsisisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD