KABANATA 8
DIWATA ELENA POV
Minasdan niya ang madawag na mga kapunuan dito, na kan'yang nakikita sa mundong ito. Hinawi-hawi niya ang mataas na mga damo, dahil hanggang ulo niya na ito. Napakadamo talaga dito. Halos matakpan ng matatalas na talahib ang ganda ng puno ng manggang iyon. Maraming mga baging na pumailaylay sa mga sangang natuyo na. Habang naglalakad siya ng tahimik ay nagsasalita ang Pustisong dala-dala niya. Napakadaldal talaga ito. Parang gustong-gusto niya ng na mapasakamay ngayon ng taong mag-iingat dito. Naiírita na rin kasi siya sa mala- ship munks na boses nito.
Ninais niyang hindi ito kausapin pero kailangan niyang gawin. Pinilit niya lang na hindi na lang magsalita pa. Dahil sa baka magmumukha lang siyang baliw kapag mayroon na makakakita sa kan'ya. Maayos nga sana kung matatanaw siya nang makakakita sa kan'ya habang nakikipag-usap sa pustisong ito. Nakatago lang ito sa kan'yang lagayan na bag, gawa sa nilala na dahon ng palapa ng buko at pinalamutian ng maraming perlas at Dyamanteng binigay sa kan'ya ng Reyna bilang pabuya sa pagtitiwala nito sa kan'yang pagiging tapat ba lingkod.
"Eh, na-saan na ba tayo Diwata Elena?"
"Baka maligaw na tayo?! Saan tayo mapupunta nito? Baka mapunta tayo sa napaka-delikadong lugar? Natatakot ako sa magaganap!" paulit-ulit ni Pustiso na tanong sa kan'ya. Pero ayaw niya itong sagutin.
"Parang awa mo na, pustiso?! H'wag ka ng maraming tanong pa! Mamaya naman ay iyong malalaman kung saan tayo manatili. Mag-agaw dilim na rin kasi. Kaya kailangan niya nang maging mabilis sa paglalakad," saad niya na may pagkaseryoso ang dating.
Sa kan'yang mga sinabi ay naisipan na manahimik tuloy ang nakatagong pustisong madaldal. Mahirap talaga na may kasamang ganitong madaldal. Kung may mga Diwatang manlalakbay rin dito sa panig ng mundong ibabaw na Earth ay baka mahuli siya kaagad dahil sa kakatanong nito sa kan'ya.
Patuloy siyang naglakbay sa mundong ito. Nakaramdam na rin siya ng pagod. Dahil sa napakalayo ng nilakbay niya. Kung tutuusin ay ang mga binaon niyang mga pagkain ay hindi sapat sa kan'yang mahabang paglalakbay. Saganang kan'ya ay mukhang malayo-layo pa siya sa kabihasnan ng mataong lugar. Naririto pa siya sa may madawag at madilim na gubat. Hindi pa rin niya matanawan ang anumang tirahan dito. Kaya parang nawawalan tuloy siya ng pag-asa na mahanap ang tao na mag-mamay-ari ng pustiso.
Isinandal niya ang kan'yang ulo sa puno. Naisipan niya kasing umakyat sa sanga upang doon sa may malaking butas siya magpahinga.
"Wala na akong tubig... Nais kong kumuha ng tubig sa batis dito? Pero saan ko matatagpuan ang malinis na batis? Kung nasa gitna lang ako ng gubat?" katanungan niya sa kan'yang sarili. Napapisip siya ngayon, nag-aalala siya sa kan'yang sarili na kung hindi siya makakakuha ng tubig ay maaari siyang maubusan ng enerhiya at matuyuan pa siya ng tubig sa katawan. Kailangan pa naman niya ng Bitamina para madagdagan ang kan'yang lakas. Hindi niya kakayanin ang sarili na Mabuhay pa kung mapabayaan niya ang katawan, syempre manghihina siya.
"Diwata Elena... Ako rin ay nakakaramdam ng uhaw," usal na naman ni Pustiso.
"Huh?!" Nanlaki ang kan'yang mga mata sa gulat. Nagulat kasi siya sa pustiso. Dahil sa nag-salita itong na nauuhaw ito. Ngayon lang siya talaga nakasaksi ng ganitong kaganapan.
Panandalian lang siya na ngumiti.
"Walang oras na hindi mo ako pinatawa pustiso." sabay inilabas niya ang kahon sa kan'yang bag upang ilabas sa bag ang pustiso. Muli niyang binuksan ang maliit na kahon. Gusto niya na masilayan ang itsura ng madaldal na pustisong ito.
"Hoy! Diwata Elena... Narinig mo ba ang sinabi ko sa 'yo?" maliit na tinig ni Pustiso.
"Ahh hahahah... Ikaw talaga?"
"Anong ako... Gwapo ba?!"
"Huh?" Mas humagikhik siya ng tawa.
Tumawa nang tumawa si pustiso. Lalo ng naging nakakatawa ang ngipin na ito. Dahil sa mas lalong lumaki ang mga ngipin nito na mayroon na malalapad na hugis.
" Bukas na tayo maghahanap ng batis. Madilim na upang maghanap pa tayo batis. Hindi na pwede ngayon. Kasi maaring may makahalubilo tayo na mababangis na mga hayop, na gumagala dito sa gubat na ito." Paliwanag niya kay pustiso. Hawak-hawak niya ang pustisong nakalagay sa kan'yang tuhod at seryosong kinakausap.
"Oo sige,"
"Oo sige magpahinga ka na... bukas rin ay maaga tayong maglalakbay dito sa lugar na Ito. Pero hindi ko maalis ang pangamba ko na baka isang araw ay madakip ako at mapasakamay ka naman ni Diwali Cleopatra?!" Puno ng malungkot na tinig ang pagkakasabi niya kay pustiso.
"Kaya nga, nararapat na mag-ingat tayong dalawa. Maglalakbay tayo pero kailangan natin magsubaybay sa ating paligid. Maliwanag ba? Kaya huwag kang mabahala?!" Seryosong paliwanag ni Pustiso.
"Okay, sige na. Muli muna akong ibalik sa aking kinalalagyan upang ako 'y matulog na rin." dugtong pa nito.
Nanatili pa rin siyang nakayuko ang ulo at tahimik na nakikinig sa mga sinasabi ni Pustiso. Hindi niya pinansin ang sinabi ng pustiso sa kan'ya.
"Diwata Elena,.. pakibalik na ako... Batid kong nag-aalala ka ngunit, patuloy pa rin tayong maniwala kung ano ang maging tadhana nating dalawa. Pero ang dapat na isipin mo ay ang salitang pinagkatiwala sa 'yo ni Reyna Luna, ang ingatan ako. Kaya magpakatatag ka at ikaw ang magiging pananggalang ko sa anamang badya na iginuhit sa akin ng Tadhana." Pag-uulit na bigkas ni Pustiso at paliwanag sa kan'ya.
Namangha siya sa angkin kahusayan sa pagpapaliwanag ni Pustisong madaldal. Hindi lang pala madaldal ito. Dahil sa kabila ng pagiging madaldal nito ay mayroon pala ito na natatagong talino sa pagtalakay ng kahalagahan ng buhay. Ang pagiging matatag at palaban sa hinaharap ang ibig sabihin sa paliwanag nito at iyon ang kailangan niyang gawin. Nakatulog na silang Dalawa ni Pustiso. Ipagpatuloy nilang Dalawa ang paglalakbay sa ikaliwa nilang araw dito sa daigdig ng mga tao.
Rodella POV
Pagdating niya sa palengke ay namili siya ng mga dapat niyang bibilhin na gulat at prutas na sariwang-sariwa. Tinandaan niya ang binilin sa kan'ya ng kapag ang gulay ay mayroon na maberdeng dahon ay ito ay nagpapakita na ang gulay na 'yon ay sariwang-sariwa. Ganon rin sa prutas ay halata naman sa kulay ng balat nito. Kaya dapat mas maging mapili siya sa pagbili ng mga iyon. Dahil sa kung magkakamali na naman siya ay tiyak na mananagot siya sa kan'yang madrasta. Ayaw niyang masaktan ulit at madagdagan na naman ang sakit ng kanyang katawan.
Tahimik siyang bumalik sa mansyon. At habang patuloy na naglalakad ay nakasimangot sa kan'ya ang kan'yang madrasta... Nakita dito ang anyo ng lion na gusto ng makakain ng laman, ng isang kauring Hayop. Nakapamaywang pa iyon sa kan'ya, na napahiwatig na may nagawa na naman siyang kasalanan.
"Impakta bakit ang tagal mong dumating?!" Gigil na tinig at pasigaw na tanong ng kan'yang madrasta sa kanya.
"Ah eh, Madam... Naghatid po ako kina Shiela at Shaina," Manginig-nginig niyang tugon. Hanggang ngayon ay para siyang estatwa na na walang pandama. Nakatayo siya sa pinto habang pinagagalitan siya ni Ginang Soledad.
"Alam ko! Pero napaka-tanga mo?! Wala naman akong sinabi sa 'yo na magtagal ka diba?!" Halos nanlalaki ang mga mata nito habang tinataasan siya ng boses nito.
"Magluto ka na! Nagugutom na ako!" Sigaw pa at habol ng kan'yang madrasta.
Madali siyang nagtungo sa Kusina upang bilisan na kumilos. Kailangan niya na makapagluto ng mabilis. Pero hindi niya kayang maging mabilis ang proseso ng pagluluto. Dahil sa hindi naman na madali ang pagluluto ng Sinigang na baboy. Mas Lalo siyang nataranta nang muli siyang sinigawan.
"Bilisan mo?!"
"O-po naririyan na... Kaluluto lang!"
"Ayoko ng pabagal-bagal!"
"O-po!"
Isang oras na nakaproseso ang baboy sa pagluluto. Hindi talaga madali na makapagpalambot ng mga ito. Kaya matyaga niya itong niluto. Agad niya itong dinala sa lamesa upang ihain sa kan'yang madrasta...
"Ang tagal-tagal mo? Alam mong nagugutom na ako?!" Nakakunot na reklamo nito sa kan'ya.
"Ka-kasi..." Naputol niyang salita. Dahil sa dumating ang mga kapatid niyang maldita.
"Oh... Sakto na pala ang gabihan hahahaha!" Natutuwang sabi ni Shaina.
Hindi man lang siya pinansin ng kan'yang mga kapatid. Dahil sa pagkain lang ang pinansin nito.
"Si Impakta! Mukhang masarap ang niluto ngayon," bulong ni Shiela. Sa mukha palang nito ay napapasal na ito sa pagkain kung kaya 't agad na nilamutak ang pagkain nitong sinandok sa kan'yang plato.
"Kaya nga... Tamang-tama nagugutom na rin ako... Haist! Grabi ang haba ng meeting namin... Nakakapagod tuloy!" sabay umupo ito malapit sa lemesa at nagsandok ng punong-puno sa plato. Gutom na gutom itong kumain. Parang uubusan ito sa pagkain kung umasta.
Ang itsura kasi ng kanilang bahay... ay pagkapasok pa lang ng pinto ay bubungad na agad sa kanila ang kusina. Sinadyang idesenyo ito ng Architect, dahil sa naaayon ito sa kagustuhan ng Ama niya. Kahilingan kasi ito ng kanyang yumaong ina, kaya naman ito ang sinunod na disenyo. Tulad pa rin ng dati ay hindi siya nakakain pa. Hinintay niyang muli na matapos ang tatlo bago siya kumain. Na kahit nagtutuunugan na ang kanyang mga tiyan sa gutom ay kailangan niyang magtiis.
Kaya halos ang laki-laki na ng binagsak ng kanyang pangangatawan hindi naman dahil sa puyat kundi dahil sa kakulangan sa pahinga at pagkain. Nanood lang siya sa pamilya niyang malakas kumain. Pagkatapos nila ay tumayo na iyon upang magtungo na sa kanilang mga kwarto. Naiwan na muli siya na mag-isang nilalandas ang mga natitirang pagkain na hindi sapat nasa kan'yang bituka. Nakita niya na wala ng maayos na dami ang pagkain na natira sa kan'ya. Habang kumakain ay naluluha siya at nanginginig sa gutom. At ganito ang araw-araw na kan'yang nararanasan sa kamay ng kan'yang Madrasta at mga kapatid.