♛ H A T G 33: Savior ♛ ●Ione's POV● "Zeke, lasing ka lang umuwi ka na ipapahatid kita sa kanila." Pilit kong inilalayo ang pagkakayakap niya sa akin pero mas lalo lang niya itong hinigpitan. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit salungat ang sinasabi ko sa aking pakiramdam na para bang matagal ko nang hinahanap ang ganitong yakap. "Zeke bitawan mo ako." Halos napapaos kong usal sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin bagkus ipinatong pa niya ang ulo niya sa kanang balikat ko. Mariin akong napapikit at hinayaan na lang iyon. Diretso lang ang katawan ko at bagsak lang ang mga braso ko, gustuhin ko 'man na yakapin din siya pero ayoko. Hindi ko na lang pinilit alisin ang pagkakayakap niya, ngayon lang naman ito... Ngayong lasing siya. Sobrang higpit nang pagkakayakap niya sa akin na par

