♛ H A T G 32: Hug ♛ ●Ione's POV● Sa mga nagdaan na araw naging normal na lang, lumipas na ang pasko at bagong taon na walang kakaibang nangyari. Naging busy na rin kami sa kani-kaniyang mga gawain hindi na rin ako napapadalas sa RS, kailangan kong mag focus sa pag-aaral malapit na rin kasi ang graduation at next month February na prom night na namin. Itong sila Kyla at Astrid todo isip kung ano ang maganda nilang susuotin, hindi 'man lang nagtanungan sa isa't-isa kung anong mga ginawa nila nitong pasko at bagong taon puro kaharutan agad ang pinag-uusapan. Kaya napapailing na lang ako sa kanilang dalawa. "Ikaw ba Ione? Anong susuotin mo at sinong kadate mo?" Bigla nilang tanong at naghagikgikan pa. Nasa labas kami ng classroom dahil pinuntahan kami ni Astrid. Wala pa kaming ginagawa ng

