♛ H A T G 28: Reckless Street ♛ ●Ione's POV● "SI QUEENMYST!!" umalingawngaw ang malakas na tono ng boses ni Taniel dito. Ang ibang nakaka-laban nila napahinto at tumingin sa akin. Nakuha nila ang pagkakataon para mas umatake. Kahit naka-maskara ako hindi ko pa rin mapigilan ang pag ngisi ko habang sabay-sabay na pinag-susuntok at sipa ang limang kalaban ko ngayon. Nararamdaman ko ang mainit na labanan dito lalo na't kasama nila ako. Alam kong ang iba dito hindi pa rin makapaniwala na bumalik ako, kahit ang Block B hindi naka-ligtas sa akin ang bakas na pagka-gulat sa mga mukha nila. Marahas kong sinipa ang lalaking mag hahampas sana sa akin ng tubo, naka-boots ako ngayon kaya malamang basag ang mukha ng lalaking 'yon. Kaninang umuwi kami nila Astrid at Kyla hindi muna ako dumiretso sa

