♛ H A T G 27: Asian Gang ♛ ●Ione's POV● "Ione! Teka sandali! Saan ka pupunta?! Ione!" Binaliwala ko ang mga sigaw ni Astrid at Kyla, kahit masikip at siksikan sa lugar na ito pinipilit ko pa rin makisiksik sa dinaraanan ko hindi pwede tatanga na lang ako at aasa sa mga impormasyong aalamin ko kay Vince kailangan ding kumilos ako.. Ayokong tanggapin sa utak ko ang hinala ko gusto ko marinig mismo ng dalawang tainga ko ang totoo. "Ulol!! Ikaw ang una kong papatayin!!!" Habang papalapit ako sa isang makipot na pasilyo malinaw kong naririnig ang mga sunod-sunod na mura ni Zeke.. Alam kong siya 'yon, bahagya pa akong lumapit doon at nag tago sa gilid ng isang simento. Palihim ko silang sinilip at nakita kong hawak-hawak ng ST si Zeke na akmang susugod kay Zeus. Madaling malaman kung sino s

