NOTE: Too many foul words. Sorry. Kung maguluhan 'man kayo. Feel free to comment your questions. Thanks for reading guys! *hearts hearts* ♛ H A T G 26: Zeke's Life ♛ ●Ione's POV● Nanatili lang akong naka-tingin ngayon sa kanilang dalawa. Halos tumahimik ang buong paligid, para bang umurong lahat ng dila ng mga tao ngayon dito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko, hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba ito o nananaginip lang ba ako. Pero mas mukhang bangungot na yata sa akin ito. Kung kanina'y halos mabingi na ako sa sobrang ingay pero ngayon halos mabibingi na ako sa sobrang tahimik ng buong paligid. Hindi ko na alam... Para bang huminto ang pag dagundong ng puso ko, para bang tumigil ang buong sistema ng katawan ko lalo na ng pag-iisip ko. "Mukhang nagulat yata kayo sa nasa

