H A T G: CHAPTER 25

1872 Words

♛ H A T G 25: Two ♛ ●Ione's POV● Habang nag-lalakad kami sa isang makipot na pasilyo, unti-unti kong nalalanghap ang mga usok at sari-saring amoy. Mga taong nag-tatawanan, nag-rarap at mga puro mura na salita ang naririnig ko dito. Hanggang sa nakarating na kami kung saan ginanap noon ang fliptop battle ng Blood Rhyme Beat. Nang naka-pwesto kami sa gitna ng maraming tao, napansin kong wala na ang stage noong may fliptop battle, dahil siguro hindi pagligsahan ng isip ang mangyayari ngayon. Bahagya kong inilibot ang tingin ko, tulad pa rin ng dati pinalilibutan pa rin ng mga gangster at mga mukhang tambay lang sa kanto ang buong paligid dito. Sa totoo lang, kung titignan sila mga mukhang m******s ang itsura, pero meron din ditong matino manamit. Siguro, tulad namin hindi isang gangster.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD