Kabanata 33: Tila Mansyon

605 Words
"Siya ba yung tinutukoy nyo na bagong tigapagmana ng Gulok?", tanong ni Pinunong Tiago sabay turo sakin. "Oo, sya nga. Sa kanya ipinamana ni Onyok ang Gulok bago sya mapaslang ng mataas na uri ng aswang.", sagot ni Mang Juan. "Hmmm, nakakalungkot isipin na ganoon ang nangyari kay Onyok. Pagkarating ng labi ni Onyok dito ay inilibing agad namin.", sabi ni Pinunong Tiago. "Kumusta? Anong pangalan mo bata?", tanong nya naman sakin. "Tristan, Tristan Manabat po.", sagot ko naman. "Ilang taon ka na hijo?", tanong ni Tiago. "Magdi-disi-osto palang po bukas.", sagot ko. "Oh? Ayos yan! Ikaw ang pinakabatang naging Haribon sa edad na disi syete. At isa pa, kaarawan mo pala bukas!.", sabi naman ni Pinunong Tiago. "Di nga?! Malapit na birthday mo?", tanong ni Mang Lino sa akin. "Opo ahahaha, hindi ko lang sinasabi.", sabi ko naman kasi wala naman talaga mahalaga sa araw na iyon. "Nako dito ka pa magb-birthday ha. Anong petsa ba bukas?", tanong ni Mang Lino. "June 10.", sagot ni Louie. "Nga pala, mamayang gabi pa raw kayo makakausap ng Konseho. Pagkatapos ninyong kumain eh dadalhin kayo ng mga Mamahay sa inyong mga silid. Maaari kayong mamahinga o di kaya eh maglilibot sa paligid. Paalala ko lamang na huwag kayong pupunta sa likod na bahagi ng burol na ito.", sabi ni Pinunong Tiago. Yung huli nyang simabi, yun lang ang tumatak sa isip ko. Syempre, masarap ang bawal ika nga nila, kaya tuloy naeenganyo akong pumunta doon ngayon. Natapos na rin ang tanghalian. Ako naman eh nagpasikot-sikot mag isa sa loob ng kuweba. Pwede naman siguro. Sinabihan lang ako ni Mang Juan na huwag papasok sa mga saradong pintuan dahil kapag sarado, ibig sabihin hindi pwedeng pumasok ang bisita doon. Itim ang bawat dingding at pansin ko rin na halos walang kahoy sa loob ng kuweba bukod sa mga furnitures. Ang pinto, bintana, hagdan, cabinet, drawers, eh kung hindi gawa sa metal eh gawa sa semento at marmol. Maliwanag at puno ng ilaw ang paligid. Mayroong kusina na walang dingding sa kanang bahagi na kitang kita mula sa malaking hallway, isang malaking dining area na may mahabang mesa at mataas na kisame kung saan kami kumain kanina na nasa likurang bahagi, at may library din na napakalawak na nasa kaliwang bahagi naman. Isang malawak na hallway sa gitna na parang ginagamit sa pagdiriwang pero ngayon e malinis at walang kahit anong laman bukod sa carpet. May hadganan sa gilid ng library paakyat. Doon sa second floor ay puro may maliliit na kuwarto para sa mga bisita at Mamahay. May maliit na sala doon at ang nakakatuwa pa nga eh may TV ahahaha. Sinong mag aakala na may 70 inches wide Flat Screen TV dito?! Umakyat pa ako sa pangatlong palapag, puro kwartong nakasarado ang naroon. Sinabihan ako ng isang Mamahay na huwag aakyat ng ikaapat na palapag dahil nagpupulong ang mga Konseho. So basically, meeting room yung pinakataas na palapag. Walang bintana, at sinong mag-aakala na burol na bato lang ito na may kuweba. Napakalawak, siguro binungkal pa nila ito para gawing malaking mansyon. Habang naglalakad ako papunta sa hagdan pababa, nakasalubong ko si Pinunong Tiago na pababa rin. "Oh, Tristan. Naglibot-libot ka ba?", tanong niya sakin. "Ah hehe, opo. Tinignan ko lang yung paligid.", sagot ko naman. "Hindi ka naman siguro pumasok sa mga nakasaradong kwarto ahahaha panigurado, sisigawan ka ng mga tao sa loob nun.", sabi ni Pinunong Tiago. "Hindi naman po ahaha. Nakakamangha yung buong lugar. Sa labas parang burol lang na bato at nilulumot, pero sa loob napakalawak na mansyon.", sabi ko sa kanya. "Ahahaha. May istorya kung paano ito nabuo...", sabi ni Pinunong Tiago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD