Mahaba-habang byahe, tumigil din kami sa isang lugar sa Pampanga. Syempre, jumingle muna ko bago ulit bumyahe, kaunting kain. Inilipat kami ng sasakyan, isang bus at ang van naman na sinakyan namin ay umalis na. Magkakahiwalay kami ng upo at sa bawat upuan ay may makakatabi kaming mga lalaking naka-Chinese Collared Barong na makapal ang tela na parang cotton at kulay pula, fit na fit sa katawan nila. May takip ang mga mukha nila na para bang Baclava Hood na may disenyong maihahalintulad sa telang ginagawa ng mga Igorot. May dala silang salakot at may nasukbit na itak sa kanilang likuran. Isinara nila ang bintana ng bus na may kurtinang itim pa at nilagyan ng kurtinang itim ang pagitan ng pasahero at drayber para takpan ang bintana. Binuksan nila ang ilaw na kulay dilaw at isinuot sa ulo namin ang itim na katsa. Sobrang higpit ng sistema, nagtataka ako kung bakit ganoon.
Mga isang oras din ang itinagal, huminto ang bus. Tinanggal nila ang nakasaklob sa aming mga ulo at binuksan ang mga bintana. Ito ang talagang masasabi ko mula pa lamang sa loob ng bus, NAPAKAGANDA!!! Isang malaking burol ang bumungad sa amin. Ang burol na iyon ay mapapansin na isang purong bato at may kuweba sa ilalim. May ilog sa paligid na tahimik ngunit umaagos ang tubig, maliit na talon na konektado sa lawa ngunit hindi umaapaw. Malalaki at mabulaklak na mga puno sa paligid, samahan mo pa ng magagandang hardin ng bulaklak.
"N-Napakaganda....", sambit ko sa sarili ko dahil sa sobrang ganda. Lumabas ako sa bus, maaliwalas at hindi mainit kahit tirik ang araw. Kulay asul ang tubig at may maliliit na kubo sa paligid. May mga tao rin doon na nakasuot naman ng makapal at kulay Yellow Green na Camisa Chino, may basket silang dala, may hawak na panabas, naka salakot at may Baclava Hood din sa mukha na kulay Yellow Green at may disenyo ring mala-ethnic.
"Napakaganda nga... Hindi ako makapaniwala na ganito ang itsura ng Pugad...", sabi ni Yuri.
"Tara na, malamang ay hinihintay na tayo sa loob.", sabi ni Mang Juan.
Naglakad kami dala ang aming gamit palapit sa burol na bato. Binuksan ng mga bantay ang tarangkahan sa kuweba, sobrang nakamamangha nang masulyapan ko mula sa labas. Sobrang liwanag, di mo aakalaing kuweba iyon. Naglakad kami papasok sa loob, sinalubong kami ng mga babaeng nakasuot ng kulay puting damit na parang mga servant sa Ancient Korean Drama. "Narito na pala kayo. Sumunod kayo sa amin para kayo ay makapagpananghalian.", sabi ng isang babae. Nakatakip ang kalahati ng kanilang mukha ng telang itim. Napansin ko na halos lahat doon ay may saklob sa mukha at mata lamang ang kita.
Maganda ang bawat silid, sa isang silid kami pinatuloy at hinainan ng pagkain, isang malaking dining area. Masasarap na pagkain ang inihain nila kaya grabe ang pagkain ko, kahit bisita lang ako kain marino talaga. "Ang sarap ng luto dito kesa sa lugar namin.", sabi ko pa nga habang kumakain.
"Tawagin nyo lang kami kung mayroon pa kayong kailangan.", sabi ng mga babae bago sila umalis at isinara ang pinto.
"Bakit kaya may takip sila sa mukha?", tanong ng isa naming kasama.
"Dahil pinoprotektahan nila ang lugar na ito at ang kanilang sariling kaligtasan. May mga oras talaga na sinasalakay ang lugar na ito kaya ganun sila kahigpit.", sabi ni Mang Lino.
"Oh, narito na pala kayo Lino, Juan!", sabi ng lalaking biglang pumasok sa loob at nakasuot ng blue na Chinese Collared Barong na may kakapalan rin at may dala itong armas.
"Hmm, ikaw pala yan Tiago.", tugon naman ni Mang Lino at tumayo para kamayan ang lalaki sabay bigay pugay sa paglalagay ng bisig sa dibdib. "Mga bata, si Pinunong Tiago, ang Punong Tagapangalaga ng Pugad.", sabi ni Mang Lino.
"Ikinagagalak kong makilala kayo at salamat sa pagbisita sa Pugad. Nga pala, anong nangyari sa braso mo Juan?", tanong ni Pinunong Tiago kay Mang Juan. Nagbigay pugay din muna sila sa isa't isa bago tumugon si Mang Juan.
"Ah, wala to. Matagal na rin to eh, nayari sa labanan. Kinarne ng mga animal.", sagot ni Mang Juan.