Matapos ang nangyari kagabi, kinaumagahan ay mabilis kaming nag-ayos ng gamit dahil aalis na kami sa pugad. Tapos na ang pakay namin dito at paniguradong ako ay manunumbalik ng mag-isa sa lugar na ito.
Pumasok ang isang Mamahay sa komedor habang kami ay nanananghalian at sinabing naroon na ang bus na maghahatid sa amin pauwi. Pagpatak ng 1:30pm ay aalis na kami.
Dala ko ang aking gamit at isinakay muna iyon sa bus. Bumaba ulit ako para makapagpaalam kami nang sabay-sabay sa mga Konseho sa loob ng Bulalakaw. Nagpunta lamang kami sa tapat ng silid ng Konseho at ipinaalam sa kanila mula sa labas na kami ay aalis na. Hindi tumugon ang mga Konseho at ganun daw talaga. Sa labas ay nagpaalam naman kami kay Pinunong Tiago bago sumakay ng bus. Hindi ko alam kung nakita nila ang nakita ko pero alam kong nakatayo si Konseho Emarah sa tapat ng pinto habang nakatitig sa akin. Nasabi kong hindi sya napapansin ng ibang tao dahil walang umiiwas sa kanya, kahit ang mga gwardya ng Bulalakaw na kanyang katabi. Hindi ko na lamang pinansin at pumasok na lamang sa bus. Tinakpan muli nila ng itim na kurtina ang mga bintana, pati na rin ang malaking space sa pagitan ng pasahero at drayber para di kami makatingin sa bintana sa harap. Ang pagitan din ng mga upuan ng pasahero ay may kurtina. Sinakluban muli nila ng itim na katsa ang aming mga ulo.
Sakay ng bus, umuwi na kami sa Kamaynilaan matapos ang mga bagay-bagay na ginawa namin sa Pugad. May nabuo rin akong tropa kahit papaano, lalo na si Louie. Salubong agad sakin nila Ernesto, Patrick at Komang sa Lino's CafeBar. Sakay na kami nun ng van na sumundo sa amin sa Pampanga.
"Wohoi!!!! Kumusta ang misyon mo ha?", tanong ni Patrick.
"Ayos lang, marami akong nakita dun alam nyo ba?", sabi ko sa kanila.
"Makakapunta rin kami dun. Parte na rin kami ng Night Owls!", sabi ni Komang.
"Oo nga! Ngayon, isa na kaming Official Aswang Hunters!", sabi naman ni Ernesto sabay posing nilang tatlo.
"Mga baliw, wag kayo maingay tungkol dyan.", sabi ko sa kanila. Mga monggoloid ginawang power rangers.
"Nga pala, birthday ni Ramona sa lunes ah.", sabi ni Komang.
Hmmm, oo nga pala. Magde-debut yun si Ramona panigurado. Sunod na magb-birthday eh si Yvonne. Etong si Komang malayo pa birthday. Sina Patrick, katatapos lang birthday nila. Hehehehe, tandang-tanda ko mga birthday nila sa totoo lang dahil ang ibig sabihin ng birthday ng tropa ay makakakain ako ng marami sa handaan!
Hindi pa graduate sina Komang, Patrick, at Ernesto sa training nila sa Night Owls pero pansamantala silang pinapauwi para di makahalata ang magulang nila. Nag-insist daw kasi sila na baka hanapin sila ng pamilya nila kaya ngayon nagsinungaling sila na sumali sa one month youth camp. Kunware nagc-camping at hiking kuno. Ako eh mauuna nang uuwi sa amin, baka may naghahanap na sa akin eh.
Saglit lang kami sa Pugad pero pakiramdam ko tumagal kami ng isang buwan. Namiss ko agad ang lugar namin, hays. Pagpasok ko sa apartment ko, tumalon agad ako sa kama ko. Namiss ko ang kama ko! Namiss ko ang computer ko! Namiss ko ang electric fan ko! Namiss ko ang lahat!!!!!