Kabanata 42: Hapunan

525 Words
"Maligayang Kaarawan, Tristan!", pagbati ni Pinunong Tiago sa akin. Binati rin ako ng iba pagpasok ko ng Bulalakaw. Saktong hapunan noon, yung hapunan mas lalong gumara, as in engrande! Merong mga alak na inilagay sa mesa, mga wine at hard. Pakiramdam ko bigating tao ako ahahaha, may pa ganun eh noh? Feel ko talaga di ako bagay sa ganyang eksena kasi taena sanay na ko na nagb-birthday kasama lang ang tropa, o di kaya eh dun ako kela Ninang kasama sina Ramona at Rikrik, dun ako nagb-birthday. Minsan, umuuwi si Tito para ipasyal ako, pero mas madalas dumadalaw nalang ako kay Papa sa kulungan. Hindi ako madramang tao sa katunayan, hindi ko trip yung iyakan yung kung anumang nangyari sa buhay ko dahil naniniwala ako na lahat ay may dahilan. Basta, masaya ako na ganito ang naranasan ko ngayon, ahahahaha. "Oh, ayusin nyo mga kilos nyo sa hapag-kainan. Makakasalo natin ang mga Konseho. Sinundo lang sila ni Pinunong Tiago.", sabi ni Mang Juan sa amin. "Talaga? Makikisalo sila sa atin?", tanong ko. Taena makikita ko si Konseho Emarah, sana hindi awkward. "Oo, kaya kayo, lalo na kayo Jason at Lester, wag kayong masyado maingay kumain. Kalmado lang kumain ha.", sabi ni Mang Lino. "Pwede namin sila tignan?", tanong ni Lester. "Oo, pwede naman kaso wag kayong tititig. Tamang tingin lang.", sabi ni Mang Juan. "Nag birthday ka na po ba dito, Mang Lino?", tanong ni Louie. "Hindi, natapos na birthday ko nung pumunta kami dito. Pero si Juan at si Pepe nakapag-birthday na dito, at nakisalo rin ang mga Konseho sa amin. Narito rin sila sa hapag-kainan kapag nandito ang lahat ng mga pinuno ng iba't ibang samahan.", sagot ni Mang Lino. "Astig!!! Sana dito rin ako magbirthday sa susunod.", sabi ni Lester. Biglang pumasok ang mga Konseho sa loob komedor. Tumayo si Mang Lino at Mang Juan kaya tumayo rin kami at nagbigay pugay sa Konseho. Sa pinakadulong upuan umupo si Konseho Idanama, sa kanang hilera ay umupo si Konseho Arayat, katabi nya si Konseho Emarah. Katapat ni Konseho Arayat sa kaliwang hilera si Konseho Uwabon na katabi naman si Konseho Ofelya. Pinaupo ako ng Mamahay malapit sa upuan ni Konseho Ofelya, na may dalawang upuan ang pagitan dahil bawal kami lumapit sa Konseho. Katapat ko si Pinunong Tiago at katabi nya si Mang Lino at Mang Juan, at kahilera nila yung ibang mga lalaki. Katabi ko naman si Louie at yung ibang mga babae na kasama namin. Binati ako ng mga Konseho, hehe, birthday boy eh. Ayun, salo-salo sa hapunan at kaunting pag-uusap. Nakakailang si Emarah kasi tingin nang tingin maya't maya at hindi kami makaimik tungkol sa isa't-isa. Yukong yuko lang ako sa pagkain, busy-busyhan ampucha dahil syempre nakakatakot baka mapansin ng ibang Konseho na lumalabag ako sa natural na pamantayan. Natapos ang salo-salo at nagpasalamat kami sa pagsabay nila sa amin sa hapunan. Tapos nun hehehe ano pa nga ba? Inuman na. Pwede naman kasing magligalig basta't wala yung mga Konseho sa harap namin. Sinulit na namin yung masasarap na alak na inihanda ng Mamahay, pati alak na dala ni Mang Lino hindi nakaligtas, uuwi na kasi kami bukas ng tanghali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD