Kabanata 39: Si Emarah

689 Words
"Hays, makapahinga na... Sige, kayo na bahala kung gusto nyo pang umahon.", sabi ni Mang Lino. "Ako nga rin, nonood pa ko ng TV eh.", sabi ni Lester. "Tara na nga.", sabi naman ni Jason tapos tumayo na rin si Louie taena nagkanda hawa-hawa amp. "Di ka pa aahon?", tanong ni Louie sakin. "Di, mamaya pa ako. Nagrerelax pa ako eh.", sagot ko naman. Nag-eenjoy talaga ko sa init ng tubig tsaka sa liwanag ng Wisteria. Tapos sarap pa nakababad habang naka half laid at nakasandal sa malambot na clay. "Sige sige. Una na kami.", sabi ni Louie. "Ge....", tugon ko naman. Relax na relax ako taena. Yung towel na mainit-init eh nilagay ko sa mukha ko. p Parang inalis lahat ng problema ko sa buhay eh. 12:00m na rin pala nang mapasulyap ako sa suot kong waterproof na relo. Hays, Happy Birthday sa akin... Ano na kayang ginagawa ni Mama? At ni Papa? Kumusta na kaya yung kapatid kong si Toto sa kabilang buhay? Namimiss ko na sila.... Namimiss ko na talaga sila.... Habang nagrerelax ako, may narinig akong kung anong lumusong sa tubig. Tinanggal ko yung towel sa mukha ko at tumambad sa harap ko ang isang babaeng walang saplot. Mayroon syang napakaputing balat, mahabang buhok na kulay luntian, balingkinitan ang katawan nya, may kalakihan ang pwet at dibdib. Nakatagilid sya habang hinahaplos ang tubig, nakatayo sa harap ko ngunit nasa kabilang gilid ng lawa. Umupo sya at nagbabad sa tubig. Humarap sya sa akin and I swear nakatulala lang ako at wala akong masabi. Kitang kita ko kasi nang harap-harapan ang dibdib nya. "S-Sino k-ka?...", tanong ko na mautal-utal pa. "Ahmhmhm, hindi mo ba ako maalala?", tanong nya habang pangisi-ngisi. Taena si Emarah 'to. "I-Ikaw si Emarah?", tanong ko. "Oo, Tristan. Hays... Ang sarap talaga mamahinga dito...", sabi ni Emarah. "T-Teka... Ang alam ko m-may sinabi si Mang Juan na bawal kong tignan ang mga Konseho.", sabi ko sabay talikod. Taena naalala ko pa naman na baka patayin ako ng mga yun kapag tinignan ko sila sa mata. "Eh... Paano kung hindi lang tignan? Paano kung magkadikit na tayo ngayon?", sabi nya sabay yakap sa akin mula sa aking likod. Ramdam na ramdam ko na bumakat yung dibdib nya sa likod ko. Shyets! Shyets! Di talaga ako kumikibo dahil baka tinetest lang ako nito, baka mamaya kapag kumilos ako baka gawin nya iyong dahilan para patayin ako. "Ahmmhmmhmm! Hindi ka mabilis maakit hmm? Ikaw yung tipo ng lalaki na mabubuhay nang matagal...", sabi nya sabay langoy palayo sa akin. "M-Magpapahinga na po ako.", sabi ko sa kanya. "Ay... Gusto ko pa naman sana ng kausap ngayon. Hayst, ayoko pa naman ng nabibigo. Nagagalit ako pag nabibigo ako at masama akong magalit.", sabi nya. Kinabahan ako na baka mainis sya sakin kaya nag stay muna ako. "Humarap ka nga sakin.", utos nya na agad ko namang sinunod. "Hayss.... Guwapo, matangkad, at makisig na binata...", sabi nya. "Diba't kaarawan mo na ngayon?", tanong nya. "O-Opo, Mahal na Konseho.", sagot ko naman. "Wag ka na mag po at opo pag ako ang kausap mo. Hays, mukha ba akong matanda?", tanong nya. "Eh hindi naman. I-Ilang taon ka na ba?", tanong ko sa kanya. "Tatlong daan at tatlompu.", sagot nya. "TATLONG DAAN AT TATLOMPU?!", tanong ko na pasigaw sa sobrang gulat ko. "Shhh! Marinig ka ng mga bantay. Oo, 330 years na akong nabubuhay. Hayst...", sabi nya. "Teka, paano naman nangyari yun ha? Di ka ba tao?", tanong ko. "Hmmm... Tao ako. Kapag naging parte ka ng Konseho, magiging immortal ang pisikal mong katawan dahil isinakripisyo mo ang sarili mong kapahingahan para ipagtanggol ang mga tao sa abot ng iyong kakayahan.", sagot nya. "Eh... Paano ka naman naging immortal?", tanong ko. "Mula noong sinalakay ang Pugad ng mgap Aswang, napatay ang lahat ng mga sinaunang Konseho. Kaming lima, si Arayat, Idanama, Ofelya, Uwabon at ako ay sabay sabay na ginawang Konseho noong kami ay nasa ikalabing walo ng aming edad. Pumunta kami sa mundo ng mga Diwata at doon ay inilubog kami sa Sagradong Batis ng Dalisay na Kalooban. Mula noon ay naging immortal na kaming lima.", kuwento ni Emarah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD