Kabanata 38: Mahiwagang Hotspring

603 Words
Tinawag ako nung Mamahay mula sa pinto ng Bulalakaw dahil maghahapunan na raw kasama ang iba naming kasamahan. Tawag sakin Ginoong Tristan ahahaha ewan pero masyadong pormal yun ah. Sarap ng hapunan namin, mga lutong pangmayaman talaga. Nyeta sa apartment ko puro hakdog at eklog lang niluluto ko eh, buti pa dito makakakain na rin ulit ako ng maayos na hapunan huhuhu. Pagtapos ng hapunan, lumabas kami nila Mang Lino at Mang Juan kasama yung mga lalaking magiging lider ng mga sangay. Naligo kami sa lawa, eh hotspring daw pala yun kaya naexcite ako kasi sobrang lamig dun like as in nagyeyelo yung mga halaman sa gabi. Nauna na raw mag hotspring yung mga babae at nakabalik na rin sa silid nila. Tago yung pagkakagawa sa hotspring dahil may mga bedrock sa paligid o yung malalaking tipak ng bato. Tapos may dalawang puno ng Wisteria doon sa magkabilang gilid ng talon na nakatanim at para bang nagsilbing bubong nung lawa. So ayun, pumunta na kami roon sa hotspring. Ah grabe, palapit ka palang doon napakabango na nung amoy. Umaalingasaw raw yung amoy ng mabangong Wisteria at naggo-glow in the dark yung puno ampucha. Nakatowel lang kami nun, bawal ang damit sa hotspring parang Onsen sa Japan. Ang sarap siguro sa pakiramdam, sabi nila nakakatanggal daw ng lagnat, sipon, ubo, pilay, lamig, sore eyes, sakit ng katawan, pulikat, pagod, yung tubig nun. Taena daming milagro sa lugar na yun amp. Pag tapak ko palang dito, yung nerbyos ko kanina dahil dun sa mga Konseho na yan eh biglang nawala. Ayun, nagsipagligo kami dun, tapos nagtampisaw na parang mga bata, mga nasa limang lalaki rin pala ang magiging lider ng bawat sangay ng Night Owls, bale nasa tatlong babae rin pala yung iba. Masarap sa pakiramdam yung buhos ng talon pucha di na ko nalabas dun sa agos ng kasi as in napakasarap at napakainit sa pakiramdam. Lahat ng yun nagiging dahilan ko na para wag umalis dito sa Pugad eh kasi tignan mo naman, di nauubusan ng pagkain, secure ang lugar, may TV!!! Akalain mo yun may TV?! At ito ring hotsping hays, walang libreng ganito sa labas eh. Tumagal kami sa hotspring ng isang oras dahil sa sobrang sarap sa pakiramdam. Si Mang Juan at yung dalawa sa mga kasama namin eh lumayas agad dahil gusto na magpahinga. Mga 10:00pm na rin kasi pero hehe naiwan ako, si Mang Lino, si Louie, at yung dalawa pang iba namin kasama na si Jason at Lester. "Ehem, birthday na pala ng isa dyan bukas.", parinig sakin ni Mang Lino. "Oo nga ehem. 18 ka na pala bukas. Alam na yan ehem.", sabi naman ni Louie. "Bat parang paubo ubo pa kayo dyan eh nasa hotspring naman tayo na may kakayahang makapagpagaling?", pabiro kong tanong. "Ahahaha. Ano plano bukas?", tanong ni Lester. "18 ka na! Shot mo na yan!", sigaw ni Jason. "Ahahaha, di nyo alam, shuma-shot yan kahit di pa 18.", sabi ni Mang Lino. "Wohohooo kabataan!!!", sigaw ni Lester. "Ilang taon ka na ba?", tanong ni Mang Lino kay Lester. "20 po!", sagot naman nya. "Ikaw?", tanong ni Mang Lino kay Jason. "19 na ako, Manong Lino.", sagot ni Jason. "Ikaw?", sabay turo ni Mang Lino kay Yuri. "19 din po ahahahaha.", sagot naman nya. "Oh aba aba, si Tristan lang pala ang magiging 18 ah. Debutante!", sigaw ni Mang Lino. Nagtawanan sila sa sinabi ni Mang Lino. "Shot na yan bukas!!! Sagot ni Mang Lino!!!", sabi ni Jason. "Ahahaha, sige sige wag kayong mag-alala. Ang alam ko eh nagdala ako ng tatlong bote dyan eh.", sabi ni Mang Lino. Halatang lasinggero talaga amp.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD