Kabanata 37: Ang Konseho II

748 Words
"Hijo, wag mo sanang gawing basehan ano... pansin lamang namin na ang gumawa ng karumaldumal na pagpatay sa iyong kapatid ay isang Aswang. Batay lamang iyon sa palihim at mabilisang pag-iimbestiga namin sa iyong buhay. Nalaman namin ang nangyari sa iyong pamilya.", sabi ng Konsehong galit boses. "Oo, yun din ang aking opinyon tungkol diyan.", sabi naman ni Konseho malumanay. "Ngunit iyon ay nakabatay na lamang sa kung paano mo mareresolba ang lahat ng tungkol sa insidenteng nangyari sa iyong kapatid sapagkat ang paghihiganti ay nagdudulot ng kasiraan sa iyong sarili.", dagdag nya. "Ngayon, iaanunsyo na namin ang iyong ranggo bilang Haribon.", sabi ng Konsehong matandang babae. "Ang iyong ranggo ay Ikalabintatlong Haribon.", sabi niya, at syempre hindi ako nabigla. Nagtaka ako, inisip ko muna ilan ba ng Haribon. Taena labing apat lang pala dahil labing apat lang ang Armas ni Apolaki. Taena ibig sabihin nun pangalawa ako sa huli???!?!?!?! "Nakakagulat na ngayon lamang nagkaroon ng batang Haribon sa buong kasaysayan. Ngunit hindi iyon sapat para taasan namin ang iyong ranggo. Ang pagpatay mo sa isang Mataas na Uri ay sapat nang basehan para ilagay ka sa Ikalabintatlo, kung ikukumpara sa Ikalabindalawa na nakapatay na ng anim na Mataas na Uri at sa Ikalabing-apat na hindi pa nakapapatay ng Aswang. Wag ka mag-alala hijo, malayo pa ang iyong mararating at marami ka pang makakaharap. Para malaman mo ang iyong susunod na ranggo, mag papadala kami ng mga Agila na mag-aanunsyo ng inyong ranggo at misyon na siya ring magpapadala sa inyo ng inyong pondo na manggagaling sa amin. Bilang Haribon, hindi lang patungkol sa Aswang ang iyong magiging misyon, lahat ng nais na ipagawa sa iyo ng iba't ibang Konseho ay dapat mong gawin. Iyan ay iyong obligasyon at responsibilidad.", sabi ng Konsehong bakla boses. "Kung ganoon po, malugod ko pong tinatanggap ang inyong pagbibigay ng ranggo sa akin. May katanungan lang po ako.", sabi ko. "Ano iyon?", tanong ng babaeng Konseho. "Maaari ko po bang malaman kung sino sino kayo? Nakakalito kasi kung sino kausap ko eh ahaha.", lakas loob kong tanong. "Ayst!", napasinghap si Mang Lino sa sinabi ko. "Ahahahaha, gusto ko ang batang ito ha.", biglang sabi nung Konseho na mahilig ngumisi. "Ako ang Konseho sa Balanse at Kaayusan ng mga Nilalang sa Gubat at mga Tao, ako si Emarah.", pakilala ng Konsehong babae na mahilig ngumisi. "Ako naman si Arayat, ang Konseho Kontra-Aswang. Ang pangunahing kalaban natin ay ang mga Aswang kaya ako ang inatasang magsagawa ng mga pagkilos laban sa kanila.", sabi naman nung Konseho galit boses. Pakiramdam ko, isa syang matandang lalaki. "Ang aking ngalan ay Uwabon, ang Konseho sa pakikipag-ugnayan sa Kabilang Mundo. Ako ang nangangasiwa sa ating koneksyon sa mga Diwata sa kabilang mundo na syang nagbibigay ng gabay sa atin tungo sa magandang hinaharap.", sagot naman nung Konseho malaki boses pero malumanay magsalita. Pakiramdam ko isang matandang lalaki din yun. "Ako si Idanama, ang Konseho sa pangangasiwa ng Kaayusan at Kalidad ng mga Gamot, Pangontra, at Armas na ibinabahagi sa buong Pilipinas.", sabi ng baklang boses na Konseho. "At ako naman si Ofelya, ang Konsehong nangangasiwa para sa pagkikipaglaban sa mga Mambabarang at Mangkukulam.", sabi ng matandang babae na Konseho. Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon eh pinalabas ako ng silid dahil oras naman para kausapin ang mga bagong lider ng iba't ibang sangay. Kinamayan pa nga ako nila Louie at tinapik sa balikat bago sila pumasok sa loob ng silid. So eto, nagpasikot-sikot ulit ako sa labas. Gabi na pero gusto ko pang tuklasin yung iba't ibang bagay dito. Nakita ko na nagliligpit na ang mga Berdeng Tauhan ng gamit at nagpapalit naman ng bantay ang mga Pulang Tauhan sa paligid ng Pugad at sa taas at baba ng kawayang pader palibot. Yung nakakatuwa dito eh yung apat na malalaking puno halos takpan nang buo yung Bulalakaw. Ginawa nilang tree house yung mga puno at may mga matatalim na kawayan ang nakatali sa mga sanga ng puno. Mukhang malusog ang mga puno dahil purong-puro ang kulay at namumulaklak ito ng kulay orange na bulaklak na parang Narra. May nakausap ako na Berdeng Tauhan at sinabi nya na hindi natatapos ang pamumulaklak nung mga punong iyon. Ang astig at hindi ko akalain na may ganito dito sa Pilipinas. Yung ilog doon, direktang konektado daw pala yun sa dagat, siguro malapit lang sa Pacific Ocean o sa West Philippine Sea yung lugar. Maalat ang tubig at doon nanggagaling ang asin na ginagamit nila. Napakaraming hiwaga rito sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD