Kabanata 35: Mga Tauhan Sa Pugad

535 Words
Lumabas kami ng burol at nagtataka ako bigla kung ano bang tawag nila sa burol na iyon. "Ano bang tawag nyo dyan?", tanong ko kay Pinunong Tiago habang nakatingin sa burol. "Hindi talaga namin tinatawag na burol iyan, Burol na Bato ang tawag ng mga bisita dyan pero kami, kadalasan ang tawag namin dyan ay Bulalakaw.", sagot ni Pinunong Tiago. "Ang astig. Teka, yung apat na puno sa kwento mo, ayun oh. Apat na malalaking puno nga...", sabi ko nang mapansin kong may tig-dalawang dambuhalang puno sa magkabilang gilid na namumulaklak pa. "Dyan nila itinayo ang mga silid para sa Pulang Tauhan at Berdeng Tauhan. Kung makikita mo, napapaligiran tayo ng malalaking kawayan. Takot ang mga Aswang sa talim ng kawayan kaya itinanim nila iyan para magsilbing malaking pader. Pinagtibay iyan at sistematikong ginawa ng mga Pulang Tauhan para sa pagsasaayos ng kaligtasan at seguridad ng Pugad. Kahit mukhang pader iyan na may daanan sa ibabaw, buhay ang mga kawayan na iyan at patuloy na nagsisilbing proteksyon sa Pugad. Ang hardin sa paligid ay pinangalagaan ng Berdeng Tauhan. Sila rin ang nag-aalaga ng mga pananim na halaman, bulaklak, gulay, prutas, at palay. May maliit na farm din sa loob ng pugad kung saan inaalagaan ang mga baka, kambing, baboy, manok, at iba pang maaaring alagaan upang makadagdag sa supply ng pagkain para sa mamamayan ng Pugad. Sa madaling salita, parang isang syudad na ang Pugad. Ang mga tauhan ko sa loob ng Bulalakaw na tinatawag na Mamahay ay puro babae lamang, na sila namang naninilbihan para sa Konseho at mga bisita.", paliwanag ni Pinunong Tiago habang naglalakad-lakad kami sa may lawa. "Buti hindi sila naiinip dito...", sambit ko. "Hindi talaga, dahil bago namin sila tinanggap bilang isa sa tagapangalaga ng Pugad ay isinailalim muna namin sila sa mga pagsubok para patunayan ang kanilang mga sarili na kaya nilang manatili dito at iwanan ang buhay sa labas..", sabi ni Pinunong Tiago. "Bakit may takip sila sa mukha?", tanong ko, lubos-lubusin ko na ang pagtatanong. "Proteksyon para sa Pugad. Hindi namin alam kung hanggang kailan kami ligtas, kahit sa loob o labas. Nakatakip ang mukha nila dahil hindi maaaring makilala o maalala sila ng mga kalaban kapag may misyon sila sa labas ng Pugad. Isa pa, kilala ko ang lahat ng mga tauhan ko. Sa isang titig ko ng mga mata ay alam ko na kung taga-rito o taga-labas.", sagot ni Pinunong Tiago. "Eh, bakit ikaw po wala kang takip sa mukha?", tanong ko. "Hindi ko na iyon kailangan. Malakas 'to! Tsaka isa pa, hindi lang ako Punong Tagapangalaga ng Pugad, isa rin akong Haribon. Ahahaha!", sabi niya sa akin. "Eh????!!!!! Totoo?!", tanong ko dahil nabigla ako sa kanyang sinabi. Nakakagulat na may dalawang "Sense of Responsibility" sya. Ang pagiging Punong Tagapangalaga at pagiging Haribon. "Ahahaha, oo. Ako ang Ika-anim na Haribon, at ang tawag sa armas ko ay ang Minasbad.", sabi nya sabay pakita sa akin ng napakagandang espada. Para syang mahabang itak. Napaka-elegante. "W-Woahh... Mas mukha pa yang epektibo kaysa sa Gulok ah.... Nga pala, paano mo nalaman na ikaw ang Ikaanim?", tanong ko. "Ang Konseho ang nagtalaga sa akin sa ganoong ranggo. Malalaman naman natin mamaya kung pang-ilan ka sa mga Haribon.", sagot nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD