Chapter 1
Orabelle POV
*Bzzzt bzzzzt bzzzt*
Kapa sa kaliwa.
Kapa sa kanan.
San ko kaya nilagay yung cellphone na yun?
Ay oo nga pala, sa ilalim ng unan!
Pagkakuha ng phone syempre tingin muna sa mga socmed kung may kaganapan ba or chismis na masasagap pero buti nalang wala.
Makabalik na nga sa pagtul------
*BLAG ?
*BLAG ?
*BLAG ?
Istorbo naman! Napabangon nalang ako para buksan kung sino man yang istorbo na hinayupak. Wala na kong pake sa itsura ko basta ko nalang binuksan ang pinto para bulyawan yung nagpapangit sa umaga ko.
"Umagang umaga panira ng gising! Ano ba kasi yun?!" pikit mata kong sigaw sabay kamot sa ulo kahit wala naman akong kuto, ewwwww.
"Hoy orabingot! Lagi mo nalang ako sinasagot ng ganyan! Sana talaga multuhin ka nila mama tsaka papa!" ay si kuyakong pala.
"Kuya naman! Wag ka manakot, sorry na!" Sabay beautiful eyes.
"Di mo ko madadala sa mga pacute mong yan orabingot!" inis pa ring sabi ni kuyakong.
"Kuya naman kasi orabelle, hndi orabingot" nakanguso na ko ngayon. Orabingot kasi lagi tawag sakin niyan kapag galit or naiinis.
"Ewan ko sayo! Kumilos ka na dyan kasi magpapa-enroll tayong dalawa sa school" sabay kaltok sakin.
"Aray naman! Nananakit ka naman eh. Oo na kikilos na ko, hmpf!" Sabay sarado ng pinto.
After 1234567890 years natapos din ako mag-ayos ng sarili ko. Wala naman akong masyadong kaarte-arte sa katawan. Yung suot ko nga oversized hoodie lang tsaka skirt, cute naman na ko kaya no need na magmake-up.
Wala na pala kaming parents ni kuyakong, iniwan na kami last year. Malungkot pa din kami ni kuyakong pero kapag kaming dalawa lang makulit talaga kami pero pag sa ibang tao hindi kami masyado nakikipag-usap, nakakatakot maattach baka mawala din sila kagaya sa magulang namin.
LAG ?
Napatalon tuloy ako sa sobrang lakas ng pagkatok, nakatulala na pala ko dito sa harap ng salamin. Ang daldal ko kasi nagkwento pa ko.
"Orabingot! Ano ba kanina pa ko naghihintay sayo sa baba, napakabagal mong kumilos!" reklamo ng reklamo talaga yun.
Pagkababa ko syempre sumalubong na sakin yung nakabusangot na mukha ni kuyakong. Nginitian ko nalang siya pero hindi pa rin pala talaga effective.
Pagkapasok ng sasakyan, syempre seatbelt para safe noh, mahirap na.
"Ahm kuyakong, pwedi paconnect ako? Bluetooth ko lang patugtog tayo habang nasa byahe" kalikot lang ako ng kalikot ng phone, nunh di sumagot si kuya lumingon na ko.
"Kuya? Connect ko na ha?" Hindi ko na siya hinintay sumagot, tampo lang yan hahaha
WHAT? by SB19
[An: Guys stream niyo ang What? by Sb19, maganda siya promise! Kung may A'tin na nagbabasa nito, kung meron man, blue heart naman diyan!]
"Orabelle"
Biglang salita ni kuyakong kaya hininaan ko muna baka magalit na naman eh.
"Bakit kuya?"
"Alam mo namang tayo nalang dalawa magkakampi, wala na sina mama't papa. Mag-aral tayong mabuti ngayon kahit sabihin nating may pera pa din tayo"
"Naiintindihan ko kuya, wag ka mag-alala sanggang dikit kaya tayo kahit palagi tayo nag-aaway" sabay ngiti sa kanya.
"Wag ka magiging pasaway sa bago nating school"
"Kuyakong, magbebehave ako wag ka na mag-alala dyan okay? Kaya nating dalawa toh"
"Alam mo naman yung school na pupuntahan natin diba? Pag mamay-ari na natin yun ngayon"
"Oo kuya alam ko, magfocus ka na sa pagdadrive"
An: See you on next update! Kindly vote mga sisz, pamine nalang hahaha chosss