Chapter 2

558 Words
Osiris POV Pagkarating namin ni orabelle sa school buti nalang walang tao sa parking lot, ayoko pa naman sa maraming tao. Hindi lang pala ako pati na rin si orabelle. Dumiretso kami agad sa dean's office para macheck ko yung namamahala ng school. Pinagkakatiwalaan siya ng family namin so no harm, safe ang kayamanan naming magkapatid! Hahahaha Pagkadating ng dean's office syempre kumatok muna ko. Buti nalang ang nagbukas nun ay yung pakay namin. "Oh hijo mag-eenroll na ba kayo? Halika pasok muna kayong dalawa at maupo. Ang tagal ko kayong di nakita ah" ngiting salubong niya saming magkapatid. Pero nanatili lang kaming walang reaksyon ni orabelle. Sanay naman na siyang ganun kami. "Ah oo tito mag-eenroll kami ni orabelle dito sa SFA" [An: SFA- SpringField Academy Nakuha ko yung idea sa google hahaha] "Buti naman naisipan niyo dito magpa-enroll para naman malaman mo na rin pasikot sikot dito. Sa inyo naman talaga ito" "Opo tsaka sana turuan niyo na rin po ako" sincere kong sabi sa dean. "Oo naman, malakas ka sakin hijo. Yung enrollment niyong magkapatid ako ng bahala dun" "Thank you po" sabi ni orabelle. Buti naman umimik na toh. "Ahm dean, aalis na po kami. Thank you po ulit" nakipagkamay ako kay dean syempre respeto tayo noh. Pagkalabas namin ng dean's office ni orabelle ay dumiretso na kami ng parking lot at sumakay ulit ng kotse. "Bella, san mo gustong pumunta?" tanong ko habang inistart ang sasakyan. "Sa mall tayo kuya, groceries tayo para naman may midnight snack tayo. Wala akong nakita kagabi kaya natulog nalang ako" "Maganda yang naisip mo, gusto ko ring may nangangata habang nanonood eh" Pagkarating namin ng mall, diretso agad kami sa supermarket. Hindi naman kami mahilig ni bella sa shopping, di kami sinanay ni mama't papa na bumili ng kung ano-ano kung hindi naman kailangan. Parang dati sama-sama pa kaming pumupunta ng grocery pero ngayon kaming dalawa nalang ni bella. "Kuya" kalabit sakin ni bella. Eh ako naman busy tumingin ng junkfoods. "Oh bakit?" "Daan tayo sa drive-thru mamaya" masayang sabi niya sakin. Syempre masaya yan, pagkain usapan eh. "Sige mamaya. Tara na okay na toh, puno na cart ko oh tsaka puno na rin cart mo" Ganyan kami katakaw, tig-isa kaming cart para wala kaming away ni bella hahahhaa So ayun nga after sa supermarket nagdrive-thru nga kami bago umuwi. Kaya pagkarating ng bahay kanya-kanya kaming bitbit ng pinamili namin. May sarili kasi kaming pantry sa loob ng kwarto. Nang maayos na lahat bumaba na ko para naman magliwaliw sa baba kaso naabutan ko si bella nakahilata na sa living room. "Bella, umakyat ka na sa kwarto mo wala ka naman ng hahakutin nasa kwarto mo naman na lahat" nakapamewang na ko sa harap niya. Pano ba naman nakahiga sa carpet, may sofa naman. "Kuya napagod ako, wait lang" inaantok niyang sabi. "Mukha mo napagod, gusto mo lang magpabuhat sakin. Lagi ka namang ganyan" "Kuyakong! Para ka namang others, dali na piggyback ride!" "Sige! Wala naman akong magagawa" At ang koala nasa likod ko na nga at umakyat na kami ng hagdan, ay ako lang pala kasi nakakapit sakin tong isa. Pagkarating ng kwarto, hinulog ko na sa higaan si bella bigat eh. Pagkalabas ng kwarto, diretso na rin ako sa kwarto at matutulog, pagod eh. An: At ayun kung may magbabasa man, pavote naman niyan ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD