An: Sana may magbasa na ng story ko yung may magtatiyaga na maghintay ng update hahaha
Orabelle POV
Nagising nalang ako nasa kama na pala ako, naalala ko binuhat nga pala ko kagabi ni kuyakong. Lumabas muna ko ng kwarto para naman makalanghap ng sariwang hangin.
Hingang malamim........
"Ohayo!!!!!!" sigaw ko ng pagkalakas lakas.
Napatingin ako sa kusina dahil parang may nahulog dun.
"Ano ba bella! Nagugulat ako sayo, nagluluto pa naman ako dito, napaso tuloy ako!!!!!!"
Sigaw ni kuya sa kusina. Malay ko bang gising na pala yung ulopong -_-
Kaya pumunta nalang ako ng kusina para icheck kung ano niluluto niya.
"Kuya ano niluluto mo dyan?"sinilip ko kung ano pinagkakaabalahan niya.
"Spam lang tsaka hotdog lang 'toh bella, maupo ka na dyan. Nakapagluto na rin ako ng sangag."
Tinignan ko nalang si kuya habang naghahain at naupo. Ang sarap talaga magkaron ng maasikasong kapatid.
"Kuya alam mo ang swerte ng mapapangasawa mo. Magaling magluto, caring, mabait"
Kaya napalingon si kuya sakin nung sinabi ko yun, kaso nakakunot naman ang noo.
"Oh bat ganyan ka makatingin? Puro positive naman yun"
"May kulang! Nakalimutan mong sabihin na pogi ako"
Pagkasabi nya nun balik ulit siya sa ginagawa niya. Napailing nalang ako, abnormal talaga toh.
"Nga pala, ngayon tayo papasok ng school. Nakalimutan kong sabihin sayo, nagmessage pala kagabi si Dean" biglang sabi niya habang kumakain kami.
"Okay sige, no choice naman kundi pumasok"
"Wag kna mag-inarte diyan, bilisan mong kumilos baka maghintay na naman ako niyan tulad kahapon. Magready ka na, ako ng bahala dito"
Napangiti nalang ako habang paakyat ng hagdan, ang bait talaga ni kuya.
After ng ilang minutes ready na ko syempre, ayokong masermonan na naman ng mabunganga kong kapatid. Tatanda yun ng maaga, laging mainit ang ulo hahahaha
Pagkalabas ko ng bahay nandun na nga siya naghihintay.
"Kuya tara na, oh di ako nagtagal ha? Mga 1 hour lang naman yun" nakabusangot siyang tumingin sakin.
"Sumakay ka na, maka-lang ka naman sa 1 hour, matagal pa rin yun. Tara na nga!"
Pagkapasok ng kotse, nag-airpods nalang ako para hindi ko na marinig sermon nung isa dyan. Galit na naman kasi.
[Insert music: Who says by Selena Gomez]
Pagkarating namin ng school, hinintay ko na rin si kuya na bumaba para sabay na kaming pumunta kina Dean. Pero ang dami palang estudyanteng pahara hara sa campus, baka break.
"Tara na bella" biglang salita ng kasama ko sa likod.
Sumunod nalang ako sa kanya kasi hindi ko naman kabisado dito. Nakakairita lang kasi ang daming nakatingin saming dalawa, naglalakad lang naman kami. Teka wala naman siguro akong dumi sa mukha, kaya napakalabit ako kay kuya.
"Bakit?" tanong niya habang hindi nakatingin sakin.
"Check mo nga kung may dumi ako sa mukha, nakatingin sila satin kuya eh" bulong ko sa kanya. Syempre ayokong marinig ng sambayanan.
"Wag mo na pansinin. Tara na pumasok na tayo sa office ni dean" nauna na siyang pumasok kesa sakin. Nakarating na pala kami ng office, di ko man lang napansin.
"Buti nandito na kayo. Nilagay ko kayo section A"
"Okay Dean" sabay sabi namin ni kuya.
After ng usapan sa loob, lumabas na kami para mahanap room naming dalawa. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na same kaming year ni kuya nasa 2nd year highschool palang naman kami hindi pa college.
"Tara na bella, panay muni-muni mo dyan. Kokotongan na talaga kita"
"Init ng ulo mo, sorry na"
Hindi lang niya ko pinansin kaya sinundan ko nalang siya kung san man siya pupunta kasi iisang room lang din naman kami.
An: At ayun nga maraming thanks kung may magbabasa man ?